Chapter LVI: Revelations

3.3K 106 13
                                    

Dali-dali kong iminulat ang aking mga mata nang makaramdam ako ng kakaiba. Napasinghap ako nang mapagtanto kong nakakulong ako sa isang transparent na parang kahon. Nataranta ako at bigla nalang nanikip ang dibdib ko. Fuck!  Para akong nasa kabaong sa sobrang sikip, saktong-sakto ang katawan ko kaya hirap akong gumalaw.

"Stop! She's awake!" rinig ko ang isang boses. Hanggang sa dumami na ang mga boses na narinig ko. Ngunit hindi ko sila gaanong maintindihan dahil sabay-sabay silang nagsasalita at malabo pa dahil sa nasa isa nga akong kahon.

Napahinga ako ng maluwag nang bumukas na ito at bahagya akong napaupo para lumanghap ng sariwang hangin. Ngunit bigo akong makalanghap nito. Pinagsamang mga amoy bakal at chemical ang naaamoy ko. Bagsak-balikat kong inilibot ang mga mata sa lugar. Nasa isa akong malaking kwarto at wala akong ibang nakikitang bagay kundi puro machines. Sa gilid ko ay mayroong nakahilerang mga liquid na iba-ibang kulay. May mahahaba at maninipis na tube na nakakabit dito kung saan dumadaloy ang mga likido. Sinundan ko ng tingin kung saan ito nakakonekta at napasinghap ako nang mapag-alamang nakaturok pala ang mga ito sa akin.

"A-Ano 'to?!" natataranta kong sinabi at sinubukang alisin ang mga ito sa mga braso ko ngunit may dalawang brasong humawak sa magkabilang balikat ko.

Napatingin ako sa humawak sa akin at unti-unting nawala ang takot ko nang makilala ito. "It's okay, Astrid. You're safe here.." sambit ni Grey sa mahinahong boses at pilit akong pinapakalma.

"Gosh! Buti nalang nagising ka na. Akala namin hindi ka na mabubuhay." napalingon ako kay Captain Akiko na nasa gilid ko.

"Asan ako? Ano bang nangyari? Bakit may mga nakaturok na ganito sa akin??" sunud-sunod kong tanong. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko pati na rin ng mga labi ko.

"Natatandaan mo pa ba nung pumunta kayo ni Fritz sa kweba?" saad naman ni Captain Conrad. Marahan akong tumango sa kanyang tinanong. Oo. Natatandaan ko iyon. "Doon mo nahanap ang phoenix, Astrid. Nang mailipat na sa iyo ang kapangyarihan ng ibon ay bigla ka nalang nawalan ng malay. Pagkatapos noon ay umuwi na tayo ng Pierda. Mabuti nalang at nakuha ni Akiko ang phone nina Zoe at yun ang ginamit namin upang macontact ang Paradox Institute. Agad silang nagpadala ng helicopter kaya agad din tayong nakauwi."

Unti-unting nawala ang mga bumabagabag sa isip ko. Mabuti nalang at malinaw ang pagpapaliwanag ni Captain Conrad kaya hindi nahirapang magsink-in sa utak ko ang mga narinig ko. Pero teka? Tama ba ang narinig ko? 'Ako' ang nakakuha ng phoenix?!

"Ako ang nakakuha ng phoenix??" hindi ko na mapigilang maisatinig ang tanong sa utak ko. Kailangan ko ng kumpirmasyon dahil mukhang hindi ito kapani-paniwala.

"Oo, Astrid. Sa'yo ibinigay ng pheonix ang kapangyarihan." at kinumpirma na nga ito ni Grey. Sumilay ang malaking ngiti sa kaniyang mukha na nagpangiti din sa akin. Ako nga! "Nagawa mo, Astrid."

"Ano ba ang ability ko?" excited kong tanong.

"Correction. Abilities, Astrid. Hindi lang isa ang kapangyarihan mo." napatingin ako sa matandang lalaki na bigla nalang sumulpot mula sa likuran nina Grey. Nakasuot ito ng uniporme na pang scientist at base sa kanyang kilos at pananalita, alam kong hindi siya basta-basta lang.

"I am Dr. Atkinson, founder and president of Paradox Institute. Nice to meet you.." pagpapakilala niya sa kanyang sarili. Inilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ko at walang pag-aatubili ko itong inabot. Sa sobrang kaba ay hindi ko na magawang magsalita. 

"Base sa pagsusuri namin sa iyo, your ability is phoenix mimicry. " pagpapatuloy ni Dr. Atkinson. "With this ability, you can fly, produce flames and cry regenerative tears. Mayroon ka pa sanang isang ability, which is ang magreincarnate. But unfortunately, you're not capable of doing it." He explained.

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon