Chapter XL: Zaira

2.1K 95 19
                                    

"Sino?!" Fritz and I said in chorus. Nagkatinginan pa kami sa pagkagulat at pagkalito.

"Sa pagkakaalam ko, Paradox ata ang pangalang ng grupong pumunta dito.." the man answered hesitantly. Marahan niyang hinimas ang kanyang baba at para bang nag-iisip.

"Ang Paradox??!" muli naming sabay na binigkas ni Fritz. Paanong nalaman din nila?! "Kailan po nila kinuha ang libro??" tanong ko.

"Ah, matagal-tagal na din. Sayang lang at naunahan nila kayo."

Napabuntong-hininga ako at bumagsak ang balikat ko sa pagkadismaya. Naunahan nila kami. Malungkot at pagod kong tinignan si Fritz at sa tingin ko, pati siya ay nadismaya sa nalaman. Bakit ang Paradox group pa?

"Nakausap niyo rin po ba sila? Alam niyo po ba kung saan ang susunod nilang pupuntahan?"pagkuwa'y tanong ni Fritz sa lalaki.

Ngumiti naman nang malawak ang lalaki para pagaanin ang loob namin. "Narinig ko ang usapan nila, didiretso na daw sila sa Mt. Shibu."

Bahagya akong tinignan ni Fritz saka nagsalita, "Umalis na tayo, Astrid. Pumunta na lang din tayo sa Mt. Shibu..."

"Pero hindi natin malalaman ang katotohanan hangga't hindi natin nababasa ang libro. Paano kung kasinungalingan lang naman pala ang lahat tungkol sa phoenix??" unti-unti akong pinanghihinaan ng loob. Parang ayoko na. Gusto ko nang umuwi.

Marahang hinawakan ni Fritz ang kanang kamay ko at hinawi niya ang ilang hibla ng buhok kong nakaharang sa aking pisngi. Napayuko tuloy ako sa inasta niya. Samahan mo pa ang malalim niyang pagtitig sa akin na para bang binabasa ang isipan ko. "Andito na din naman tayo eh. Tapusin nalang natin kung ano ang sinimulan natin. Don't worry, Astrid. Kasama mo naman ako eh.." tama siya. Andito naman na kami kaya mabuti pang tapusin nalang namin ito. Marahan akong tumango bilang sagot.

"Tara na.." sambit ko saka nagpaalam na sa lalaking nasa painting.

"Sige. Mag-iingat kayo.." nakangiting sabi nito.

Nagsimula na kaming maglakad ni Fritz papunta sa pintuan. Nauna akong maglakad sa kanya kaya ako na ang unang nakahawak ng door knob. Dahan-dahan ko itong pinihit at binuksan. Inihakbang ko na ang isa kong paa palabas ngunit natigil ako nang makita ang dalawang paa na nasa harapan ko. Napaangat ang tingin ko sa babae na may hawak-hawak na espada at walang anu-ano'y itinutok sa akin. Napakaputi nito at hindi mo mapagkakailang maganda siya. Napasinghap ako nang makita ang mga gwardiya na nagsiakyat ng hagdanan at nagsimulang palibutan kami. Fuck! Napakamalas naman namin ngayon.

"Z-zaira??.." napalingon ako nang magsalita si Fritz. Pinaghalong gulat at pagtataka ang reaksyon niya na ikinakunot naman ng noo ko. Napansin ko ding nakatitig siya sa babaeng nasa harapan namin kaya napatingin ako dito na ganun din ang reaksyon.

"Fritz..." pabulong na sambit ng babae na mas lalong nagpakunot ng noo ko. Teka-magkakilala sila?? Ano bang nangyayari??

Umubo ako sa gilid para matigil ang halos isang minuto yata nilang pagtititigan. Gumana naman ang ginawa ko at agad silang nag-iwas ng tingin sa isa't-isa. Nakita kong binaba ng babae ang hawak nitong espada na kanina'y nakatutok sa akin.

"Ibaba na ninyo ang mga armas ninyo at umalis na kayo.. kilala ko ang mga ito." utos niya sa mga gwardiya na walang pag-aatubiling sumunod sa sinabi niya. Tuluyan na ngang nawala ang mga gwardiya at tatlo na lamang kaming natira dito.

"Zai-" magsasalita sana si Fritz ngunit agad siyang pinutol ng babae.

"Huwag tayong mag-usap dito. Baka biglang dumating ang papa ko." aniya nito sa monotone na boses.

Tumalikod ito sa amin at nagsimula nang maglakad pababa ng hagdanan. Nagulat ako nang maglakad si Fritz at sumunod sa babae kaya alanganin din tuloy akong sumunod. Fuck! Ano bang ginagawa niya?? Nakalabas kami ng palasyo at nakita ko ang bawat gwardiya sa paligid. Panay ang pagyuko nila sa babaeng sinusundan namin na para bang ginagalang nila ito. Sino ba siya? Napahawak ako sa pumipintig kong sentido. Masyado nang madaming tanong sa isipan ko at hindi ko masagot-sagot ang mga ito.

"Fritz.." tawag ko sa kanya pero parang hindi niya ata ako narinig. Diretso lang at mabilis ang lakad niya at ang mga mata niya ay may kakaibang emosyon na hindi ko maipaliwanag. Ang mga mata niya ay nakatuon lang sa babae na para bang siya lang ang nakikita niya.

Napahinto ako nang makitang huminto din ang babae sa likod ng puno, di kalayuan sa kinatatayuan ko. Ngunit si Fritz ay tuluy-tuloy pa din sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa tapat ng babae.

"Fuck! I thought I'd lost you! Bakit bigla mo nalang akong iniwan?!" napasinghap ako nang sumigaw si Fritz sa harap ng babae at parang galit na galit siya. Nagulat din ang babae sa inasta ni Fritz pero agad din itong naglaho at nawalan ng emosyon. Tumikhim lang siya at matamang pinanood ang frustrated na hitsura ni Fritz.

"Ano, wala ka man lang balak magpaliwanag?" galit na sabi ni Fritz na napasabunot pa sa kanyang buhok. Bakit siya nagkakaganito? Hindi ko maintindihan... "Fuck! I thought you love me, Zaira. But why did you left??" Fuck. Mukhang alam ko na ang nangyayari.

Agad akong tumingin sa babae na nakapirmi pa din sa kinatatayuan niya at wala pa ding emosyong tinitignan si Fritz. "At sino namang nagsabi sayong mahal kita, Fritz?" marahan itong natawa.

Napailing naman si Fritz na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ng babae na nagngangalang Zaira. "I don't believe you. If you didn't love me, then why did you let me take your fuckin' virginity that night, huh?" hindi ko alam kung bakit unti-unting sumasakit ang dibdib ko sa mga naririnig. They had sex. So what, Astrid? Wala akong karapatang magreact nang ganito.

"That was lust, Fritz. Wala nang ibang kahulugan ang nangyaring iyon. Dapat alam mo iyon lalo na't player ka, diba?" walang pag-aatubiling saad nito.

"Tangina, sineryoso kita! Alam mo yan, Zai!"

Agad kong pinunasan ang luhang bumagsak mula sa mga mata ko. Unti-unti na ding umaatras mga paa ko. Fuck. Anong nangyayari sa akin?! Parang may sariling desisyon ang katawan ko at tumalikod nalang akong bigla at diri-diretsong naglakad papalayo. Hanggang sa mapagtanto kong tumatakbo na pala ako papasok ng kagubatan. Dumarami na din ang ang mga luhang bumabagsak sa mga mata ko at naririnig ko na ang mga hikbing kumakawala sa bibig ko. Bakit ko ba ito nararamdaman?! Bakit ako naiinis?! Bakit ako nasasaktan?!

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon