Chapter XII: Melbiya

2.5K 114 0
                                    


"What?! Are you serious?!" I asked as if that was the most hilarious thing I've ever heard in my life.

"That's the only way! Kailangan nating tumalon at lumangoy papunta sa coastline ng Melbiya at doon tayo pansamantalang mamalagi" muling sinabi ni Captain Conrad.

Tinanaw ko ang malabunduking lugar sa di kalayuan-ang coastline ng bansang Melbiya. Kung tutuusin malapit nalang ito mula sa barkong sinasakyan namin. Pero may isang problema...

"Hindi ako marunong lumangoy.." mahina kong sinabi pero sapat na ito para marinig ng lahat. Napatawa naman si Captain Akiko sa sakin. Shit. Bakit ba kasi hindi ako marunong lumangoy?

"Sino pa ang hindi marunong lumangoy dito??" tanong ni Captain Grey. Nabawasan ang hiya ko ng makitang may limang kamay na nakataas. Hindi naman pala ako nag-iisa. "Akiko, ikaw ang maghatid sa kanila sa coastline." He commanded.

"What?!" di makapaniwalang tanong ni Captain Akiko.

"Pwede ba,Akiko. Stop acting so immature! You're one of the captains here so act like one. Wala na tayong oras kaya gamitin mo na ang kapangyarihan mo para maihatid sila" napayuko si Captain Akiko dahil sa kahihiyan. Hindi niya siguro inaasahan na sisigawan siya ni Grey. Pero tama naman, Hindi niya dapat pairalin ang pagka-brat niya ngayon lalo na't captain pa man din siya.

Sa huli ay wala din siyang nagawa at sinunod ang utos ni Captain Grey. Sunod-sunod niyang inilipad ang bawat isang miyembro patungo sa coastline. Ang iba naman ay nagsimula ng magsitalunan sa tubig at lumangoy. Hindi ko alam kung kakayanin nilang makarating doon gayong napakalalim ng karagatan pero sana ay magawa nila.

"What are you going to do, Grey? Wala ka bang balak sumama sa amin?" itinanong ni Captain Conrad sa kanya. Mukhang wala kasi itong balak na gawin.

"I'm going to use my ability to make a shield. Posibleng matamaan pa din ng mga debris ang mga lumalangoy na members dahil mukhang malakas ang impact ng bombang ito kapag sumabog." paliwanag ni Captain Grey.

Tumango naman si Captain Conrad at tinapik ang balikat ni Captain Grey. "Goodluck,bro." sabi nito pagkuwa'y umalis na.

00:05:00 limang minuto. Kami nalang ni Captain Grey ang natitira sa barko. I looked at him and I saw him concentrating. Nag-iipon ito ng energy upang maisagawa ang force-field.

00:02:00 malapit nang sumabog ang bomba. Napakabilis ng pagtakbo ng oras nito. Tinignan ko ang kamiyembro ko na lumalangoy at mukhang nagka-aberya pa sila. May dalawang muntik ng malunod pero mabuti nalang at naagapan sila ni Captain Conrad. Tinanaw ko naman ang ibang miyembro na nasa pampang at maayos naman na sila. I cursed when I saw Captain Akiko looking at me with her mocking smile. Prente itong nakaupo sa buhangin. Kung wala siyang balak tulungan ako ay ayos lang. Hindi ko kailangan ng tulong niya. Ako ang magliligtas sa sarili ko. At kung malunod man ako at mamatay, siya ang unang-unang isusumpa ko.

"Where's Akiko??" Captain Grey asked. Unti-unti na nitong pinapalaki ang shield na nabuo na lumalabas sa kanyang kamay. "I don't know. Mukhang wala siyang balak na sagipin ako." naisagot ko na lamang.

I heard him cursed and frustration was written on his face. Nawala tuloy siya sa konsentrasyon kaya muling lumiit ang shield na ginawa niya. "Wag ka na mag-alala. Magconcentrate ka nalang sa ginagawa mo at akong bahala sa sarili ko."

"Fuck. Malalagot sakin ang babaeng yun kapag may nangyaring masama sa'yo." he said through gritted teeth.

Mahina akong napamura nang makita ang oras sa bomba. Segundo nalang ang binibilang nito. Fuck. What am I gonna do now?? Pinakalma ko ang sarili ko upang makapag-isip ng gagawin. Tatalon ba ako o hindi?? nagdedebate na ang utak ko. Hindi ko alam kung anong susundin. Kung tatalon ako ay siguradong mamamatay ako. Pero ganun din naman kung tutunganga lang ako dito.

10...

9...

"Astrid! Come here, stay close to me. Hindi ka matatamaan ng mga debris kapag malapit ka sa shield." sabi sa akin ni Captain Grey. Tumakbo ako papalapit sa kanya.

6...

5...

4...

3...

2...

Isang malakas na tunog ang narinig namin. Napayakap ako sa likod ni Captain Grey ng maramdaman ang pagdagundong ng buong barko. Nakita ko kung paano sumabog ang bomba at kung paanong hindi kami natamaan dahil sa malaking shield na ginawa ni Captain Grey. Wasak ang halos kabuuan ng barko.

"Come on. Let's move!" Sabi niya nang tumigil na ang pagsabog. Kitang kita sa mukha niya ang kapaguran ngunit di niya ito alintana.

"Ayos ka lang ba??" hindi ko maitago ang pag-aalala.

"Yes, I'm okay. Lalo na't ligtas ka." Sabi nito na sa tingin ko ikinapula ng pisngi ko. My heart is pounding faster pero hindi ito dahil sa nangyaring pagsabog. Fuck, Astrid. Walang oras para dito. "Kailangan na nating makaalis dito dahil lulubog na ang barko."

"Pero hind nga ako-"'

"Don't worry, Hindi kita pababayaan. Just trust me, kumapit ka lang ng mahigpit sakin kagaya ng ginawa mo kanina." sabi niya at tsaka ngumiti. Pakiramdam ko mas lalong pumula ang mukha ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa may railings.

"Hindi niyo na kailangang tumalon" nagulat kami ng biglang dumating si Captain Akiko. I breathed out a sigh of relief. Akala ko tuluyan na akong lulusong sa tubig.

"Unahin mo na si Astrid." Utos ni Captain Grey sa kanya. Napailing siya pero wala din siyang nagawa. Hinigit niya ang bewang ko at lumipad.

"Wow.." sambit ko ng nasa ere na kami. Ganito pala ang pakiramdam na lumipad. Ang sarap sa pakiramdam. Ang mga tao ay mistulang mga langgam lamang mula dito at kitang-kita pa ang kabuuan ng lugar.

Naibaba niya na ako at sunod naman niyang kinuha mula sa barko si Captain Grey. Nakarating na din ang ibang miyembro na nagsilangoy kasama ni Captain Conrad. Mabuti naman at nakaligtas kaming lahat.

"Ano nang gagawin natin ngayon, Conrad?" tanong ni Captain Grey pagkababang-pagkababa nito mula sa itaas.

"I don't know. Manghingi tayo ng tulong sa mga tao dito.." sagot niya na medyo hinihingal pa.

Nagsimula na kaming maglakad papasok sa gubat ng biglang may humarang sa amin. Tinatayang mga nasa sampung katao ang mga ito at mga armado pa. "Taas ang kamay!" Sigaw ng matandang lalaki na nangunguna. Itinaas nito ang mga hawak na baril at itinutok sa amin.

"Sino kayo at anong ginagawa ninyo dito?!"

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon