CHAPTER FORTY-FOUR

Start from the beginning
                                    

I know, Sthep doesn't want to give up. But in some ways, I got her point. Siguro'y napapagod na rin siya sa ginagawa namin. "Hindi mo mahahanap ang taong ayaw magpahanap Damon."

"We can't just stop now Sthep. Lalo na ngayon! Alam na natin na kasama niya si Erick."

"That is actually my point!" Mariin niyang sabi. "Hindi mo pa ba ma-gets? Ginusto niyang sumama doon sa Erick na yon! Walang notice. Walang warning. Wala lahat! Nagpapakahirap tayo sa wala Damon!"

"Paano kung pinilit lang siya ni Erick?"

"Okay. Fine! Sabihin na nating pinilit siya ni Erick. But my point here is, what is she doing inside that car? Siguro naman nakita niya tayong nakatayo sa ilalim ng punong iyon at namimigay ng walang kwentang flyers na to!" Iniangat ni Sthep ang mga flyers saka niya iyon itinapon sa hangin. Bumagsak iyon at kumalat sa sahig. "Sana, nagpumilit man lamang siya na makatakas sa Erick na yon. O kaya naman humingi siya ng saklolo noong nakita ka niya!"

Napayuko ako. Hinayaan kong magsalita si Sthep.

"Hindi habangbuhay matutulungan natin siya Damon! Hindi habangbuhay nandito tayo! Minsan, kailangan din niyang gumawa ng paraan!" Nasapo ni Sthep ang kanyang noo. "Hindi ko alam kung bakit ko nasasabi to. Siguro ... siguro kasi, naaawa na ako sa'yo. At naiinis na rin ako sa kanya."

Tumayo ako at lumapit kay Sthep.

Niyakap ko siya.

"Sorry." Hinimas ko ang kanyang buhok. I know she was tired of this crap. At ang pagiging totoo niyang tao ang gumising sa akin. She was right. Maybe Kathy wanted this to happen. Siguro naisip niyang mas mabuti yung mas maaga. At siguro, sa halip na hanapin siya'y tulungan ko na lang siyang makalimot.

Tama.

Iyon nga siguro ang gusto niyang mangyari.

Saglit kong binitawan si Sthep. "Halika, isang pabor na lang ang hihingin ko sa'yo."

"Ano yun?" Tanong naman ni Sthep habang pinapahid ang kanyang mga luha.

"Tulungan mo akong sunugin ang mga to." Kinuha ko ang mga flyers na nakakalat sa sahig. "Dito natin sisimulan ang paglimot sa kaibigan mo."

"Hindi ko naman sinabing kalimutan natin siya. Ang sakin lang -"

"Maybe she want it this way. Maybe, we should - ah - we should forget her." halos ayaw lumabas ng salitang iyon sa bibig ko. "She want us to forget her."

"Pero -"

"Ikaw na ang nagsabi di ba? Ayaw niyang magpahanap? Besides, hindi na rin naman natin siya mahahanap at makikita pa kapag nandon na siya sa -"

"Don't even dare saying it."

Alam ko, katulad ko - hindi rin tanggap ni Sthep ang mga mangyayari. Sino bang gustong lumimot sa taong mahal mo? Yung patay nga na hindi natin alam kung sa langit o sa impyerno ang tungo, iniiyakan, ayaw kalimutan. Iyon pa kayang tao na alam mong sa impyerno ang bagsak.

Lalo na sa sitwasyon ko.

That was supposed to be me.

Ako yun eh.

Ako dapat yon!

Muli na namang umiyak si Sthep. Kung pwede ko lang siyang iwan ay ginawa ko na. Ang hirap kayang pigilan ng luha. Napakahirap! She had no idea kung ilang beses ko ng ginustong umiyak. Pero hindi pwede. Ang pag-iyak ay para sa mga mahihinang tao lang.

I am Kathy's strength.

Kailangan kong panindigan iyon.

"Halika na, tulungan mo na ako dito."

The Devil's SonWhere stories live. Discover now