LIBY Act 2: That Cheeky Way Of Stalking Him

62 5 4
                                    

A/N: This is the second ACT of the story at dito niyo mababasa kung paano nakumbinse si Arrah ng kanyang bestfriend na si Lora na samahan niya itong hanapin ang hotel kung saan mananatili si Daniel Padilla sa Road Tour nito. Mababasa niyo rin dito kung gaano kapilya ang dalawang mag-bestfriend makita lang si DJ. By the way, nasa gilid ang hitsura ng ticket na binili ni Arrah para sa concert ng idolo ng kanyang makulit na BFF. :)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

ACT. 2:

                          “Atee! Sa susunod na araw na ang dating ni Daniel my loves dito. I’m so excited! Basta wala ng bawian ha? Sasama ka sa akin.”

                                “Oo na nga! Ang kulit eh.”

                                “Yehey!! Sinasabi ko na nga ba at hindi mo ako matitiis eh. Sponsor daw ang Manhattan Suites Inn sa concert niya so for sure doon ang check-in nila. Ano? Punta tayo sa araw na iyon pag-out natin, Atee?”

                                “Nahihibang ka na ba, Lora? Umaabuso ko na sa lagay na ‘yan ah. Ayoko nga! Baka akalain ng taong ‘yon eh stalker ako at patay na patay ako sa kanya.”

                                “Hay naku, Atee! Umaandar na naman ang pagka-KJ mo eh. Last na talaga ‘to promise! Saka minsan lang pupunta si DJ dito kaya sulitin na natin.”

                                Tila pa napapantastikuhan si Lora habang nagsasalita at panay din ang kislap ng mga nito sa tuwing binibigkas ang pangalang “Daniel” habang si Arrah naman ay nagsisimula ng makaramdam ng pagkainis sa kaibigan.

                                “Ah basta! Ayoko! Hindi ako sasama period! Pumunta kang mag-isa kung gusto mo. Masyado na akong inaabala ng concert na ‘yan ha. Marami pa akong pwedeng gawin sa bahay sa araw na ‘yan saka FYI lang Miss Jennifer Lora Yañez, interview namin for Quality Assurance Analyst ng alas siyete ng umaga niyan kaya hindi talaga ako pwedeng sumama sa’yo.”

                                Hindi na nagawa pang sumagot ni Lora dahil may tawag na itong natanggap at kalaunan ay ganoon na rin si Arrah. Medyo queueing sila ng naturang shift kaya hindi sila masyadong nakapag-usap.

- - - - - - -

Arrah’s POV:

                                Hay naku! Hindi ko talaga kinaya ang kakulitan nitong si Lora at pati yata interview ko for staff position ay malalagay pa sa peligro ng dahil sa kanya. Oo, nakakahiya man pero isa ako sa mga na-recommend ng Supervisor namin for a higher position kasi nga daw na-maintain ko ang passing score tapos maiistorbo pa yata ang pag-aapply ko dahil sa kahibangan nitong bestfriend ko. Akalain niyo ba naman na isang linggo niya talaga akong kinulit para lang sumama sa concert ng idol niya. Wala na talagang mas babangag pa sa babaeng ito. Minsan nga narinig kong nagkasagutan sila ng boyfriend niya dahil lang doon sa lalaking nagngangalang Daniel Padilla! Kuu! Ano ba talaga ang nakita niya sa isang iyon? Hindi naman iyon masyadong ka-gwapohan. *Twinge of guilt* Ay! Hindi nga ba? Well, so far sa nakita ko doon sa mga tarpaulins na nakasabit sa mga poste sa gilid ng kalsada. .Hmm, gwapo din naman siya. Gwapo lang ha. Wala na akong iba pang ibig sabihin doon.

                                Habang sumasapit ang araw na iyon, ihahanda ko na naman ang sarili ko sa matinding pangungulit ni Lora para lang sumama ako sa kanya doon sa hotel kung saan mananatili iyong idol niya habang naririto sa Dumaguete City. Pero bakit parang may pakiramdam ako na medyo curious akong makita kung ano talaga ang hitsura ng idol niya sa personal? Dinig ko kasi ay marami daw talagang ‘nababangag’ sa lalaking iyon. Ay ewan ko lang! Bahala na si batman kung paano ko na naman matatanggihan iyong bestfriend kong walang hanggan na yata ang pagka-adik sa kanya.

Du har nått slutet av publicerade delar.

⏰ Senast uppdaterad: Feb 12, 2014 ⏰

Lägg till den här berättelsen i ditt bibliotek för att få aviseringar om nya delar!

LOVE. .IKAW BA 'YAN?? (Daniel Padilla Fan Fiction) [On-hold]Där berättelser lever. Upptäck nu