LIBY Act 1: Arrah's POV / Daniel's POV

263 3 0
  • Dedicated to Jennifer Lora Pastolero-Raterta Yañez
                                    

ACT. 1: 

                             “Atee! Nakita ko! Nakita ko!”

                   Kasalukuyang nag-aayos ng mga applications na kanyang gagamitin sa sariling computer sa call center kung saan sila nagtatrabaho ng biglang napapitlag si Arrah. Narinig niyang tumitili si Lora na animo’y may sunog habang tumatakbo palapit sa kanyang kinauupuan kung saan naroon din ang cubicle na nakalaan para dito.

                            “Ang ano?! Ano ang nakita mo?!”

                      “Atee! Nakita ko sa tarpaulin na magkakaroon ng concert si Daniel Padilla dito sa Dumaguete ngayong November 30! My gosh! Kailangan talaga mapanood natin ‘yon.”

                  “Jusko naman, Lora. Iyon lang naman pala pero kung makatili ka ay para kang nasunugan. Wala akong hilig sa mga ganyan saka hindi ko idol ang taong ‘yan kaya maghanap ka nalang ng ibang sasama sa’yo.”

                            “Atee naman eh. Huwag ka ngang KJ!”

                      Saglit na gumuhit sa mukha ni Lora ang pagkadismaya ngunit tila hindi talaga paaawat ang kakulitan nito dahil hindi na ito natigil sa pangungulit sa kanya na pumunta sa naturang concert. Hanggang sa tumunog ang maliit na speaker ng kanyang computer hudyat na may customer ng tumawag kaya hindi na niya ito napansin.

                       “Thank you for calling Commnet Wireless. My name is Arrah. How may I help you?”

- - - - - - -

 

Arrah’s POV:

                                Arrah Nazareth Villegas ang tunay kong pangalan at oo, isang napakalaking check ang dinig niyo na nasa isang call center ako nagtatrabaho. Alas otso ng gabi ang pasok namin at alas kwatro naman ng madaling-araw ang labas. Hindi naman masyadong stressful ‘no? *Biggest grin ever* Iyang si Lora ang maituturing kong BFF (Best Friend Forever) marahil ay kami ang tanging magkapareho ang edad sa aming team. Disiotso pa kaming dalawa pero mas matanda ako ng dalawang buwan sa kanya kaya siguro “Atee” ang tawag niya sa akin. We also share some common interests except sa pagiging addict niya kay. .sino ba ‘yon? Daniel Padilla? I may sound absurd ha pero hindi niya talaga ako fan. Minsan nga nagtataka ako kung hindi ba nagseselos ang boyfriend ni Lora dahil sa sobrang pagkabangag niya sa isang ‘yan. *Laughs*

- - - - - - -

                                “Atee naman eh! Ang KJ mo talaga. Sige na, punta tayo sa concert ni Daniel kahit ililibre pa kita ng ticket niya pero Gold lang kaya ko ha.”

                                Hanggang sa sila’y nagsipag-log-out ay hindi tinantanan ni Lora si Arrah at patuloy pa rin ang katakut-takot na pangungulit makita lang ang idolo nito. Nasa exit na sila ng building kung saan sila nagtatarabaho upang hintayin ang kani-kanilang mga sundo.

                                “Utang na loob naman, Lora! Tantanan mo na naman ako sa bagay na ‘yan. Kagabi mo pa ako kinukulit niyan eh. Nakaka-stress ka na talaga sa totoo lang.”

                                “Bahala ka pero hindi talaga ako titigil and I mean it!”

                                Habang nagsasalita si Lora ay tumama ang ilaw na nagmumula sa motorsiklong tumatakbo sa tapat kung saan sila nakatayo. Kaagad na nakilala ni Arrah ang driver ng naturang sasakyan na walang iba kundi ang kanyang Papa. Huminto ito sa tapat nila at hinintay na umangkas ang dalaga sa likuran nito.

LOVE. .IKAW BA 'YAN?? (Daniel Padilla Fan Fiction) [On-hold]Where stories live. Discover now