Nakayakap pa din ako sa likod nya. "Babe.."

No response.

Wala na. Galit na talaga sakin si Lance. Ayoko ng ganito.

Kinalas nya yung pagkakayakap ko sa kanya saka sya umupo ng couch. "Kumain kana." Sabi nya.

Ang cold ni Lance.

Umupo nalang ako sa tabi nya. "Babe.."

"Kumain na tayo. Para makauwi nako."

Humarap ako sa kanya sa tabi ko. "Babe sabi mo dito ka tutulog." Sabi ko.

Umiiyak na talaga ako pero hindi yun pinapansin ni Lance. He's really cold. Kasalanan ko.

"No." He started to eat.

Cold na talaga. I sighed. "Babe dito kana matulog. Kasi hindi ako makakatulog mamaya. Gusto ko katabi kita. Saka---"

"I told you. Uuwi din ako. Kumain kana." Sabi nya habang kumakain. Di man lang natingin sakin.

Humawak ako sa braso nya. Umiiyak nako pero parang walang pakialam si Lance. Ganon naba talaga sya kagalit dahil di ako pumayag sa gusto nya?

"Kumain kana." Ulit nya.

"B-Babe sorry na."

"Ano ba? Kumain kana!"

Napakislot ako. Sumigaw na si Lance. Galit nga talaga.

I started to eat. Iba magalit si Lance. Nagiging cold talaga sya at the same time nagiging manhid. Wala syang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao sa paligid nya. At yan ang pinaka-ayaw ko.

Dahil kahit ako, wala syang pakialam kung nasasaktan na nya ako.

Diko mapigilan yung pagtulo ng luha ko habang kumakain. Si Lance tinitingnan ko using my peripheral vision. Kumakain lang sya. Di nya ko tinitingnan.

Maya-maya natapos na kumain si Lance. Ako, wala pa yata sa kalahati nakakain ako. Wala akong gana. Nasasaktan ako sa pagiging cold ni Lance.

Tumayo si Lance at pumuntang cr. Waaa. Ano gagawin ko? Galit talaga.

Inabangan ko talaga ang paglabas nya sa cr.

Nakabihis na sya. Ibig sabihin aalis nga sya?

Tumayo agad ako at nilapitan sya. "Babe aalis ka?" Sabi ko habang natulo luha ko. "B-Babe.."

"Aalis nako. Bahala na yung bodyguard sa labas." Sabi nya saka naglakad na palapit ng pinto pero pinigilan ko sya.

"Babe please wag kang umalis. Please babe. Please..." Napahagulhol nako ng pag-iyak. "A-Ang saya saya ko kanina babe nung nalaman ko na dito ka tutulog. Na makakasama kita. Please babe wag kang umalis. Kahit galit ka sakin, kahit wag mo na ako pansinin basta dito kana matulog. Please..."

Ayokong umalis si Lance. Ayoko. Okay lang sakin na hindi nya ako imikin. Basta dito lang sya.

"Bitawan mo nako."

Yumakap pako lalo kay Lance. "Babe..."

Tinanggal nya yung pagkakayakap ko sa kanya at nagpatuloy sa pinto. Humarang ako sa pinto. "Babe."

"Umalis ka dyan." Utos ni Lance. He's really serious.

Umiling ako. "No."

Hinila nya ako sa braso dahilan para mapaalis ako sa may pinto at...

Diretso na syang lumabas. Hindi man lang sya lumingon sakin.

U-Umalis si Lance.

Napaupo nalang ako habang humahagulhol. Dahil lang sa hindi ko pagpayag sa gusto nya kanina, nagalit sya. Wala na syang pakialam sakin.

Marry YouWhere stories live. Discover now