Chapter 15

392K 6.1K 434
                                    

Yumiko POV

"Sasabihin ko kay Papa na ako nalang ang ipakasal sa'yo. Pinag-isipan ko 'tong mabuti kagabi. I'm willing to be your fiance."

Anong sinasabi ni James? He's willing?

For real?

"Sorry Yumi pero hindi ko na kayang makita kang nasasaktan dahil sa kapatid kong ugok."

"Pero James.. Are you serious?"

Tumango sya. "Seryoso ako. Mamaya kakausapin ko si Papa. Pupunta ako sa mansyon."

Talagang gagawin ni James ang bagay na yun? "Hindi mo naman kailangang gawin 'to James. Wag mong i-sacrifice ang happiness mo." Sabi ko.

Hindi ko alam kung pabor ako sa idea ni James. Basta ang sa'kin lang, ayokong mag-sacrifice sya para sa'kin.

"Masaya naman akong nakakasama ka Yumi kaya wala akong isa-sacrifice na happiness. Magaan ang loob ko sa'yo. Hindi ko masasabi kung gusto ba kita o ano. Basta ayokong nakikita kang nasasaktan."

Bakit ganyan si James? Akala ko isip bata pa yan pero..

He's really matured because of that decision.

"James.."

"Wag kang mag-alala Yumi, pag nakausap ko na si Papa at least wala ng dahilan para magpansinan pa kayo ni Lance. Pwede mo na syang iwasan. Wala ng mamamagitan sa inyo."

Ouch. Parang may sumakit sa dibdib ko nung sabihin nya na wala ng mamamagitan sa'min ni Lance?

Kunsabagay. Mahal ko na kasi si Lance.

"James parang.."

"Wag ka ng kokontra okay? Kahit naman dika pumayag, wala kang magagawa pag kinausap ko na si Papa."

Papayag kaya Papa nila?

Oh my.


James POV

Nakaupo lang ako dito sa sofa. Si Yumi nakatulog pagkatapos nyang inumin yung gamot nya.

Seryoso ako sa mga sinabi ko kay Yumiko. Pinag-isipan kong mabuti yun kagabi.

Wala akong nararamdamang attraction sa kanya pero sa tuwing makikita ko syang umiiyak.

Nararamdaman ko na kailangan ko syang protektahan. Ewan ko ba.

Masyado na yatang matured ang pag-iisip ko ngayon. Pero willing talaga ako.

Hinihintay ko lang yung nurse na inutusan kong magbantay muna kay Yumi para makapunta na ako sa mansyon.

Wala akong pakialam sa magiging reaction ni Papa.

Kung si Lance, siguradong matutuwa pa yun. At least malaya na sya. Hindi na nya kailangan pang lumapit kay Yumi.

Tutal nasasaktan lang naman si Yumi sa kaniya. That bastard. Aish.

Bumukas yung pinto.

Oh! Sina Chelsea at Janna.

"James!"

"Chelsea. Janna.."

"Andito kami para dalawin si Yumi. Maaga naman kaming lumabas sa SWU." Sabi ni Chelsea.

Buti naman. Tamang-tama. Pwede na'ko umalis.

"Buti andito kayo. Sakto may pupuntahan sana ako saglit."

Ngumiti sila. "Sure James!" Sabi ni Janna.

"Ingat ka! Kami na bahala kay Yumi." Sabi naman ni Chelsea.

Marry YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon