Chapter 7 ♥ Meet Enrique

473K 7.1K 1K
                                    

The next day..

Yumiko POV

Sabado. Walang pasok asuxual. Ano kayang pwede kong gawin? Bahala na.

Bumangon na ako at nag-ayos. Magbe-breakfast muna ako sa baba.

Pagdating ko sa kitchen, ang tahimik. "Si Lance?" Tanong ko sa maid.

"Maaga pong umalis Miss Yumiko."

Saan naman kaya pupunta ang kulugong yun? Psh. Ay nako. "Ipaghanda mo na ako ng breakfast." Utos ko sa maid.

"Okay Ma'am."

Pagkakain ko, gagala din ako. Aalis ako. Akala nya ha. Psh.




Sa mall..

Saan pa ba ako pupunta? Nakaka-boring sa mansyon nina Lance. Bukod sa sobrang tahimik, wala pang katao-tao kundi mga katulong. Aish.

Nuod kaya akong sine? Ah oo. Makanuod nga nung Insidious 2.

Pagkarating ko dito sa cinema, bumili agad ako ng ticket at popcorn na malaki and drinks.

Gawain ko na talaga dati na manuod mag-isa ng sine. Minsan kasi nakakainis pag may kasama, pag hindi ka hahampasin pag kinikilig, guguluhin ka naman pag natatakot sa movie. Psh. Buti pa mag-isa.

Pumasok na ako sa loob ng sinehan. Dito ako sa may gitna naupo. Madaming nanunuod. Infairness madami palang matapang sa panahon ngayon.

Maya-maya nag-start na din ang movie. And as always, di naman ako natatakot. Yung iba nagsisigawan na.

Mga OA. Psh.

"Aish!"

"Oops. Sorry miss." Sabi nung lalaking umupo sa tabi ko. Nabangga niya kasi yung hawak kong pop corn. Natapon tuloy yung konti.

Gusto ko sanang mag-taray kaso nasa sinehan eh. "Be careful next time." Seryosong sabi ko.

"Okay. Sorry again." Sabi nung lalaki. Diko masyado maaninag yung mukha. Madilim eh. Pero kasing-katawan niya si Lance.

Krrriiinnnnnggg..

"Ssshhhh.." Sabay sabay na suway ng crowd.

Paano ba naman, tumunog ang phone nitong katabi kong lalaki. Psh. Pwede namang i-silent.

"Oo brad. Andito na ako sa sinehan. Dito nalang muna ako. Woo! Nakakapagod sila. Ang kukulit. Ang hirap pa takasan. Lahat ng hang-out ko alam. Psh."

Hindi ko naman sinasadyang makinig sa usapan ng iba. Sadyang naririnig ko lang.

"Sige. Thanks brad. Just call me right away kapag wala na sila dyan." Sabi pa din nung lalaki sa kausap nya sa phone.

Maya-maya kinalbit ako nung guy. "Miss.."

Tumingin ako sa kaniya. "Yes?"

"Can you please help me? Kahit anong kapalit ibibigay ko sayo. Just help me."

Ano daw? Can't understand him.

"Please?" Ulit nya.

"What is it?" I ask.

"Can you cover me?"

Kumunot-noo ko. "Cover? For what?"

"May mga fans na naka-abang dyan sa labas ng sinehan. Dudumugin nila ako."

Ano daw? Fans? "Teka nga, fans ba? Artista ka ba?"

Tumango siya. "Sshh. I'm Enrique Hyun."

"Ha?"

Marry YouWhere stories live. Discover now