IKAW, SIYA at AKO

11 2 3
                                        

IKAW.
Ikaw yung taong pumukaw sa aking pansin
Ikaw yung nakakaagaw tingin
Ikaw yung hinihintay kong dumaan kahit ilang oras pa ang abutin
IKAW.
Ikaw na ang tingin lang sa 'kin ay hangin.

SIYA.
Siya ang tipo mo
Siya ang kinahuhumalingan mo
Siya yung tinitigan mo habang nakatanaw ako sayo
SIYA.
Siya ang klarong gusto mo.

AKO.
Ako?
Ano nga lang ba ako?
Ako lang naman to
Na naghahangad ng kahit kaunting atensyon mula sayo.
Ako lang naman ang nanakit sa sarili ko
Na kahit ikaw ay sa iba nakatingin
At siya naman ay tumutugon din
Ikaw pa rin ang pilit na hinahabol ng dalawang bolang itim.

Kaya dito ko na lang ihihinto
Ang pagkwento sa ating tatlo
Na kahit ang totoo'y
Wala namang ako sa pagitan n'yo.


ONE SHOTSStories to obsess over. Discover now