Capítulo 30

Beginne am Anfang
                                    

"Hindi pa po."

"Parte na rin ito ng Bulacan heritage. Kinahiligan din ng mga katipunero nuong unang panahon. Si Ikaapat, paborito din 'yan."

She gestured them to eat. Kumuha si Pat at sumunod siya. The sweet taste reminded her of licorice with a hint of citrus. Dahil busog na siya, naka-tatlong piraso lang siya bago tumigil sa pagkain. She just sat there in front of him, trying to avoid staring at him again. Baka sungitan pa siya lalo nito.

At tila ba na ang hindi niya paggalaw at pagsalita sa kinauupuan ay isang hudyat kay Pat, nagpaalam na ito kay Manang Pina.

"Manang, we'll just go upstairs."

"Gusto niyo bang dito na lang kayo sa baba tapos hindi ako aalis sa kusina hangga't nariyan kayo? Pangako tatakpan ko na lamang ang mga tenga ko!" sabi ni Manang Pina. Nakutuban na pala nito na may pag-uusapan silang pribado.

He shook his head. "Aakyat na lang po kami."

She followed him as they walk upstairs, patingin-tingin siya sa baba dahil napansin niya na may hagdanan ding pababa. She wondered what's down there but she shooed her curiosities away for now. Pagdating sa taas ay may ilang kwarto at yuong dulo ang binuksan ni Pat.

Napansin niya agad ang makalumang kama nito na malaki at tila dalawang tao ang kakasya

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Napansin niya agad ang makalumang kama nito na malaki at tila dalawang tao ang kakasya. Nang paupuin siya nito sa may kahoy na upuan ay naglakbay na naman ang mga mata niya sa paligid. Kagaya sa baba ay may vintage fan sa kisame, mayroon ding malaking aparador na kahoy.

"Kamusta ka?" He sat on his bed facing her.

"Hindi okay," she honestly replied. "Ikaw?"

"Same."

He ran his fingers on his hair and peered at the window. An awkward silence hung between them for a while.

"Pat, I'm sorry..." Naisip na niyang magsimula. Her speech was unrehearsed, pero bahala na. "Kasalanan ko na hindi ko nasabi lahat, pero hindi ko naman kasi planong isikreto sa'yo yung tungkol kay Francis. Naging matalik na magkaibigan uli kami nuong mga panahon na nasa Tokyo kami, pero hindi kami nagkabalikan. Wala akong balak na balikan siya at alam niya 'yon."

Pat took his wallet from his pocket. May kinuha iyon duon at pinakita sa kanya. It was a picture of her staring at the night sky while sitting under a cherry blossom tree in Ueno park.

"Galing kay... Francis?"

He gave a slight nod. "We talked a few days ago."

Nanlaki ang mata niya sa narinig. Wala naman binabanggit sa kanya si Francis.

"Pinakita niya sa'kin 'to." Tinaas ni Pat muli ang litrato sa kanyang kamay bago ito ibalik sa wallet.

"He told me the story behind this photo. Hindi ka raw tumitigil sa kakaiyak nung araw na 'yon. He tried to make you feel better by bringing you to Ueno park. You told him that you were feeling so lonely and empty inside."

Yo te CieloWo Geschichten leben. Entdecke jetzt