Chapter 27

15.4K 268 5
                                    

"Yes po mama, kayo rin po ingat po kayo diyan" pag papaalam ko sa mama ni Felix. We already knew each other. Matagal na at nakaligtaan ko lang sabihin. They are still in Spain at sa susunod na linggo daw ay pupunta sila sa Singapore at hindi pa nila alam kung kailan sila makakauwi dito sa Pinas.

The first time na nag-usap kami ng mama at papa ni Felix ay hindi pa ako makapagsalita. We just talk on Video calls. They were very kind and humble like their son. Maganda si mama Cynthia at mala anghel ang kaniyang mukha. Nasa forty-eight na ang kaniyang edad at si papa Anthony naman ay nasa singkwenta. Ang pagkaka alam ko ay bente anyos si mama nang maipanganak niya si Felix dahil at dese-nuebe naman siya noong ikinasal sila ng ama nito.

Kasalukuyang nasa kusina ako nang tumawag si mama dahil nag luluto ako ng lunch ni Felix at dadalhin ko ito sa kaniya dahil sanay siya sa lutong bahay every lunch. Si kuya Max lang ang nag dadrive ng sasakyan na pinapagamit niya palagi.

Nagluto ako ng pork and chicken adobo dahil gustong gusto niya yon. Sa limang buwan naming pagsasama bilang mag asawa ay napapansin kong wala siyang hindi gusto sa mga luto ko everytime dinadalhan ko siya nito.

Nanilim ang paligid ko pero kalauna'y nawala na rin ito. Palagi ko na itong nararamdaman nang mga nakaraan na linggo. Siguro ay anemic ako at kulang sa dugo.

Nang natapos na akong magluto ay agad akong nagbihis dahil pupunta ako sa kompanya ngayon.

Hindi na ako nag text kay Felix dahil alam ko naman na alam niya na pupunta ako dahil tatlong beses sa isang linggo ko itong ginagawa.

"Kuya Max hali ka na po" pag aayaya ko.

Tumango naman siya at pinag buksan ako ng pintuan sa likuran.

Hindi ako nagsasalita dahil masiyadong masama ang pakiramdam ko. Kinakabahan pa ako at hindi ko alam kung bakit.

Nang makarating kami sa building ay nagpaalam ako kay Kuya Max na mauuna na ako sa loob at tumango siya dahil maghahanap din daw siya ng pag paparkingan.

Binati ako ng mga impleyado na nakakasalubong ko. Pero bago pa ako pumunta sa taas ay dumaan muna ako sa cleaning area kung saan naroon ang mga naging katrabaho ko noon.

"Hello po, kamusta po kayo?" Pag bubungad ko nang makapasok ako sa loob. Agad naman silang yumakap sa akin dahil miss na miss na raw nila ako.

"Kamusta ka na Alex?" Tanong ng isa.

"Mabuti naman po, naibigay po ba sainyo ang pinapaabot ko matapos kong umalis dito?"

"Oo naman! Nako maraming salamat, naihati daw sa amin ang kauna unahang sweldo mo sa amin. Para yun sayo a" Si Kuya Gadon.

"Wag na po kayo mag alala ang importante ay nagawa ko po iyong naipangako ko sa sarili ko na para sainyo yung sahod ko" ngumiti ako sa kanila.

Konting kwentuhan lang dahil nagpaalam na akong aakyat sa opisina ng aking asawa.

Hindi ko iniinda ang pananakit ng ulo ko dahil siguro napuyat ako kagabi. Ngumi-ngiti lang ako sa mga nakakasabay ko sa elevator dahil binabati nila ako.

Nang makarating ako sa itaas ay nakita kong agad na tumayo si Ayah.

"M-ma'am Alex, nandito na po kayo?"

Tanong niya na para bang gulat na gulat na nakarating na ako. Palagi naman akong ganito oras dumating a.

"Yes Ayah, andiyan ba ang sir mo?" Tanong ko at nangiti pa. Ang weird niya ngayon.

"M-may meeting pa po si sir ma'am" pag papaliwanag niya. Tumango nalang ako.

"Okay, maghihintay nalan-"

MR. CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon