Chapter 2

25K 431 18
                                    

Kinakabahan akong umapak sa kompanya ng Velasquez Group of Company well you can't blame me anyway. VGC is the most powerful company here in Asia.

Isa sila sa mayroong maraming naitayong business kagaya nalang ng Luxurious hotels, restaurants, legal bars, at mall.

"Hi manong guard pwede na pong pumasok?" Tanong ko sa kalbo na guard.

"I.D?'' Taas kilay niyang tanong

"Kailangan pala ng I.D dito?"

"Hindi, sa lahat ng pumapasok dito ikaw lang ang tangang nag tanong niyan." hala, nagtatanong lang e.

"Aba sumusobra tong kalbong to ah?!" Asik ko at agad naman syang pumosisyon na parang anytime mag susuntukan kami.

"Oh ano? Suntukan nalang?"ani ni kalbo.

Bago paman kami mag rambol ay tinalikuran ko sya at ako ay rumampa na papasok para makapag tanong sa receptionist.

"Goodmorning ma'am, what can I do for you?"

"Goodmorning miss san po ba mag aapply bilang sekretarya?"

"H.R department lang po kayo pununta ma'am and they will guide you papunta sa 20th floor para sa interview" ani ng magandang binibini ngunit mas maganda ako.

Kaya sumakay na ako sa elevator syempre sasakay talaga ako kasi ang taas kaya ng gusali na pupuntahan ko! Alangan naman mag lakad ako sa hagdan di tatanghaliin ako nun! Charot, wag ma triggered di tayo maganda.

Dumating ako nga matiwasay sa H.R department. Pangatlo ako sa pumila. Nakatingin lang ako sa relo ko at hindi ko namalayan ang oras na tapos na pala ang sinusundan ko.


Hila hila ko ang napaka ikli kong skirt na pangalawang gamit ko palang mula nuong graduation ko sa college. Hindi ko na sasabihin kung saang paaralan ako nagtapos at kung ano kurso, ang importante hindi ka mahalaga para sa kaniya.

Nandito ako sa tapat ng naka engrave na name "Cheif Executive Officer" ay bongga.

Kalma Montecort

"Ajah! Kaya mo to lex"

Kumatok muna ako ng tatlong beses upang ipaalam na tao ako.

Walang sumagot kaya pumasok na ako. Unang bumugad saakin ang salamin na naka palibot dito sa taas at puro glass window lang ang nandito. Siyempre salamin nga e.

Ngunit nalaglag ang pant- este ang panga ko ng humarap ang taong naka upo sa isang mamahaling upuan sa tapat ng malaking mesa.

Pucha, totoo ang balita.

Kung ganito lahat ng CEO sa mundo, sana naging asawa niya nalang ako. Joke siyempre hindi ko limot ang goal ko kung bakit ako nandito sa harapan ni ser.

I was tikin abak, hindi ko alam spelling basta yun, wag kang judgemental kasi hindi ako perpektong tao, hindi ko kasalanang may kalawang yang utak mo para e judge ang spelling ko.

Tumikhim siya kaya naman bumalik ako sa akong huwisyo.

"Ah, good morning sir" pagbabati ko sa kaniya.

He just lend me his hand na tila ba may hinihintay na may ibigay ako, ito na ba yung sign na hihingin niya ang kamay ko para ilagay ang sing sing sa aking middle finger para ito ay tumayo at sumaludo sayo? Charot charot lang siyempre.

Hindi nakakaumay ang mukha ng gago, napakasarap.

"Kindly lend me your application letter and your resume"

Bigla ko naman itong inilagay sa kaniyang mga palad, at oh wait, sumagi ng konti yung kamay ko sa kamay niya. Ibig sabihin ba nito sa kaniya na ako? Herher jokenings lang siyempre.

"You may take a seat Ms."

Agad akong umupo ng patagilid at hidi patuwad.

"So tell me more about yourself"
Tumaas ang sulok ng kaniyang labi at bigla akong napatingin doon.

Ugh

"I am strong and independent woman na hindi kailangan ng man sir, and I can do homechores. At kahit pag pandayin niyo po ako ng sirang cr sa kompaniyang ito ay kayang kaya ko"

"Ms. I don't care who you are, I was asking for you to describe where you came from, and what degree have you finished" pumikit siya habang sinasabi niya iyon.

Bigla naman akong napakagat sa isa kong kuko. Yun pala dapat?

"I'm sorry sir"

"Nevermind, well where do you see yourself in ten years?"

Ay alam ko to, naalala ko ito nung senior high ako sa mock job interview namin e, ano nga ba yung sagot ko noon.

"Uhm, I can see myself working in a prestigious workplace sir where I am comfortably sitting and doing my works, equipped with a complete set of working things and successful employee relationships of your company sir"

Aba, kinaya koooo

"Hmm"

Bigla niyang inatras ang kaniyang swivel chair at tumayo. Tumalikod ito saakin at nakita kong niluwagan nito ang kaniyang neck tie. Nakaharap na siya ngayon sa malinis na bintanang salamin. Teka mali ba yun nasagot ko?

"Ah, excuse me sir tapos na po ba ang interview ko?" Nag aalangan pa akong magtanong at baka masigawan ako.
Hindi ko pa naman nakikita sa mukha niya ang kahit isang kasiyahan.

"No"

No pala edi sige.

Ay wait, anong NO?

"Kung ganon po, bakit pa po kayo nandiyan? Upo kana ser, at tapusin na natin itong usapang ito."

Baka ayaw akong tanggapin nito, mali ba ang nasagot ko sa ikalawang tanong niya?

"Ms. Montecort, have you heard about rush marriage?" Biglaan niyang tanong habang naka talikod padin.

Ah, kasali din ata to sa interview niya.

"Im sorry sir I haven't but I heard about shutgon wedding sir, which is babarilin ka pag hindi ka pumayag magpakasal"

Joke hindi ko talaga alam kung anong pinagsasabi niya kaya nakaisip din ako ng isang word.

Tumagilid ang kaniyang ulo pakanan, bigla itong humarap saakin at nilagay sa kaniyang mga bulsa ang dalawang kamay.

"Let's have a deal Ms."

                  END OF CHAPTER

MR. CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon