Chapter 26

14.4K 257 4
                                    

After our date ay napag pasyahan naming mag-asawa na bumaba na dahil nag hihintay doon ang mga kaibigan namin.

Magkahawak kamay pa kami nang bumaba kami at nakita namin sina Mathei, Ian at Klent sa sala na nagtatawanan. Hinanap agad ng mga mata ko ang aking kaibigan. At nakita ko sila na nasa garden, nagkukwentuhan at nag babatuhan ng talong?!

"Anong ginagawa ninyo?" Tanong ko nang makita ko si Joshua na hinawakan ang talong at akmang itatapon kay Queenie.

"Gusto kasi ni Joshua maka tikim ng totoong talong" sabat ni Denny na ngayon ay nilalagay ang panghuling barbeque na niluluto sa plato.

Tumawa ako at nagpaalam na tatawagin ko muna sa loob ang apat.
Pinanibihis ko muna si Felix ng pambahay at nang matapos at pinasunod ko sila sa garden kung saan ay mayroon ding pool.

"Everyone, maraming salamat sa pag tulong niyo sa akin. Sa mga kaibigan ko at siyempre sa kaibigan din ng asawa ko" paninimula ko nang maupo sila sa isang tela na inilatag sa damo.

Tumango tango ang mga lalaki at siyempre hindi magpapa huli ang mga kaibigan ko pagdating sa kalandian.

"Okay lang naman samin yun, basta sponsor niyo na si Denny ng jowa" singit ni Queenie.

"Ano ba kayo, wala pa sa isipan ko yan" pagtatanggi ni Denny.

"Woah, looks like may matitupuhan ang aming Mr. Ruiz" agad na singit ulit ni Klent.

"Enough" sabat ng asawa ko.

"Ian, Matheo, Klent, ang mga kaibigan ko pala. Si Joshua, Denny and Queenie" pagpapakilala ko.

Kaniya kaniya silang kamay at sabi ng 'nice to meet you'

This is not just a typical merging of friends men. Gusto ko rin kasing maging masaya kahit isa lang sa mga kaibigan ko at malay natin. Isa dito sa kaibigan ng asawa ko ay makakagustuan ng isa rin sa kaibigan ko.

"Okay everyone so since we all knew each other because of them" Ian pointed me and Felix. "Why don't we play truth or dare? Anyone who will not answer or do the said challenge will shot one glass" dagdag niya. I saw a little form of smie in Ian's lips when he took a glance to Queenie.

Hmm something is going on.

Sabay sabay kaming tumango. Gwapo si Ian at matangos ang kaniyang ilong. He is this typical one guy na badboy ang dating pero sobrang bait.  I mean I don't know how would he manage a girl in bed pero masyado siyang gwapo at inosente ang ugali. Sabi pa naman nila na ang taong mabait sa labas ang mukha ay nasa loob ang kulo. Buti nalang kami ng mga kaibigan ko ay lahat ng kulo at kalandian sa buhay ay nailabas na namin. Why would we lie to ourselves right? Edi ang pa-plastic na namin noon.

"Okay, lets spin the bottle! Kung sino ang maituturo ng ulo, ang mag tatanong ay ang nasa puwetan" Klent.

Tinignan ko si Felix sa aking tabi at ngayon ay naka hawak na sa aking bewang. He let me wear his hoodie kasi sinabi niya saakin na mag bihis muna pero tumanggi ako. E fefeel ko muna. Ngumiti siya sa akin ay hinalikan ang gilid ng aking ulo.

Si Felix ang nag spin noon at nadala ata ako sa feelings ko dahil pumapalakpak ako. Si Klent ang nasa puwetan ng bote at si Denny ang nasa ulohan nito. It means si Klent ang mag de dare o mag tatanong kay Denny.

"Yeah motherf*cker! Okay, Ms. Accountant, truth or dare?" Tanong ni Klent.

"Dare I guess?" Sagot naman ni Denny

"Yown!" Sigawan naming lahat. Atapang atao itong aking kaibigan.

"Okay, so nag kakilala na naman kayo ni Matheo diba? Well, could you hug him for ten seconds?" Tanong ni Klent.

MR. CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon