"Uhhhhh" i tap my forehead again.

 After nilang maglaro, inaasar ako ni Teddy kay Raffy. How come nalaman nila? Anyway, inaya naman ni Zam si Raffy ng doubles. Kampi si Zam and Ivy, ako at si Raffy. Gosh. Mapapahiya ako. Di pa naman ako masyado marunong. 

Nagalaro na kami, minsan sablay ang tira ko minsan naman pasok. Tinuturuan pa nga niya ko minsan e. Nakakahiya. But its okay, atleast nanalo kami.

"Inuman tayo dito" aya ni Raffy sakanila. Ok lang naman sakin.

"Ikaw sagot lahat? Ok lang samin" Zam asked him. He nodded and smile. Omaygad. 21%, Alam nyo na.

'Teka tapusin lang namin tong laro" sabi ni Ivy. Naglaro kasi ulit sila ni Zam e.

Tinawag ni Raffy si Junjun ang boy dito sa bilyaran, pinabili siya ng isang Jack Daniels and coke. "Balik mo ang sukli ah" sabay abot ng 1k. Oa naman neto. Parang nanakawin ni Junjun pera niya. Tss.

Tumingin lang ako sakanya. "What?" he asked. Umiling lang ako sabay smile. Hinarap ko uli ang table ko saan naglalaro si Zam at Ivy. Gagabi na, medyo nabobored ako, uuwi pa ko kila Aaron. Dun pa rin kami matutulog e. Si Alina naman 10 pa ang out nun sa training.

"Pahiram ng phone mo" i said to him. Walang alinlangan na inabot niya sakin ang phone niya. Halatang wala siyang tinatago. 

I scan his phone while ng mimixed siya ng drinks andyan na kasi ang alak. Tapos na rin maglaro sina Ivy so inuman na itu.

Umiikot na ang shot samin, sila naglalaro ng baraha. Ako naman nagdadalawang isip kung bubuksan ko ang message or hindi. Pero wala akong nagawa, binuksan ko pa rin ang message baka patayin ako ng curiousity ko. Anyway, iniscan ko ulit. Hanggang sa may nakita akong message.

Katrina Sylva

                   I love you too. Ingat ka :* i miss you

What the fuck?! Di ko na binuksan ang message na yun baka matapon ko lang ang phone niya. Binigay ko sakanya ang phone niya na pasampal s palad niya at umalis sa bilyaran, Lumabas ako papuntang tindahan at bumili ng yosi.

"Ennis" He said while trying to hold my hand. Imbis na huminto ako, dumiretso lang ako pero humarang siya gamit ang macho niyang katawan.

"What?" i said na naka poker face.

"Bakit? Bakit ganyan ka? Galit ka ba sakin? Sorry na. Ano ginawa ko?" Psh! Oo di niya alam kung bakit galit ako pero ayoko sabihin kasi bat ako magagalit, kami ba? Pero tangina. He already confess his feelings to me.

Nakita kong iniscan niya ang phone niya and there nakita niyang nakabukas ang message kay kat at nagets na niya.

"Its not what you think ok? Tropa ko to. Meron lang kaming dare" im kust listening to him.

"We had a deal na kung sino unang mafafall samin sa ginagawa namin, manlilibre" What a fucking non-sense deal. Immature. I just rolled my eyes, and try to escape from him.

"Please magsalita ka na. Sorry na" He said. Pero he give up. Pinabayaan niya kong bumalik sa bilyaran while he's in my back na papunta din s bilyaran.

Di pa rin ako nagsasalita o kumikibo kahit nagtatawanan ung iba at siya nakikitawa, kahit magkatabi kami hindi kami nag uusap.

"Ano gusto mong gawin ko para mapatawad mo na ko? ok di ko na siya ittxt. Ititigil ko na ang deal na yun basta wag kana magalit please." he's now holding my hand. 

"Kahit ano gagawin mo?" i asked na parang i have my evil plan.

"Yes." okay let's see. Di naman lahat ng lalaki ginagawa to. 

"Lumuhod ka sa harap ko for 5 mins and say sorry to me." halatang nagulat pa siya nung una pero nawala din.

"Okay if its the only way" lumuhod siya sa harap ko at di ko alam ang gagawin ko. Talagang ginawa niya. Nagulat naman ang mga tao sa bilyaran sa ginawa niya.

Hindi ko na pinatagal ang pagluhod niya, ayokong nakikita siyang ganun na malungkot at puro sorry lang ang nasa bibig. Nakakaawa kaya.

"Tumayo ka na dyan. Nakakahiya" i said but my butterflies in my stomach nagkakagulo. Okay guys 28% na. Ang daming nadagdag.

Denelete niya na ang mga message nila at uminom na kami ulit.

-------------

After uminom, nag usap kami. Nakaupo lang kami sa sofa. Nakaakbay siya sakin at nakasandal ang ulo ko sakanya.

"Alam mo ba sobrang nagsisi ako sa niligawan ko dati kasi almost 2years din yun, nagrebelde ako sa magulang ko dahil sakanya, 2 years ko siyang niligawan after nun binusted niya lang ako pero matagal na yun. She only wants my fame and money. Kaya sobrang akong masaya ng makilala kita, ibang iba kasi." di ako nagsasalita, nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. Kapag ang lasing nagsalita, totoo diba? 

"Last sunday, nagsimba ako, i said God help me. Ayoko na ng ganitong feeling. Ibigay nyo ang babaeng para sakin, ang babaeng makakasama ko for life." he stop,

"Nakita ko ang friend request mo sakin kaya inaaccept agad kita at chinat. Parang sobrang desperado ko no?" he asked pero umiling lang ako. 

"Kaya sobrang thankful ako na binigay ka niya sakin. Sana hindi ka katulad nila na pera lang ang habol sakin." he said.

"Hindi ako ganong tao." sabi ko sakanya. Hindi ko magagawa yun.

"Archi student ka diba?" he asked. At tumingin ako sakanya "Oo bakit?

"Ang swerte mo pag naging asawa kita 'cause my family puro architecture, my dad, my mom and my kuya. Ako lang naiiba." Woah. Nashocked naman ako dun. Mayaman nga talaga sila/

"Bat di ka nag archi?" i asked. He chuckled. "Hindi ko trip yun. Pero magaling ako magdrawing, mas gusto ko lang talaga magluto kaya HRM ako."

"Kapag naging asawa kita, wala ka ng problema sa pera." sabi niya pa sakin parang ayoko ng sinabi niya. My pera ako, my pera family ko, and if its happened, extra nalang ung pera galing sakanila. 

"Ayoko ng sinabi mo, parang gusto mo iparating na pera lang gusto ko sainyo" yumuko ako at nalungkot. pero bakit ba kami nag uusap ng ganito? Weird ha!

"Im sorry. Hindi sa ganon. Sinasabi ko lang ang possibility na mangyare. Im sorry." he said to me, at niyakap niya ako.

"Anyway, san ka matutulog?" i asked.

------------

VOTE/ COMMENT 

Lover's Revenge (on hold)Where stories live. Discover now