❤Crush [Part 2]❤

291 14 0
                                    

"Meron bang makapagsasabing iniisip kita?

❤❤❤Jenny The Witch, & Valentines Day❤❤❤

🐰🐰🐰🐰🐰


Narito ako ngayon sa may pergola at hinihintay si Kalay. Dito kami laging naghihintayan para sabay kaming pumasok ng room.

Ang tagal naman ng babaeng 'yon.



Napalingon ako ng may humampas sa balikat ko. Ang sakit ha! Sumalubong sa akin ang nanlilisik na mga mata ni Jenny.







Problema ng isang to?


"Anong problema mo at kailangan mo pa akong hampasin sa balikat? Nakakunot noong tanong ko.



"Totoo bang magkausap kayo ni Uno kahapon?"


Tss! Yon lang, kailangan pa akong hampasin. Kainaman na. Tsaka paano nya nalaman 'yon?



"Oo! Bakit? Masama kong magkausap kaming dalawa? Tinaasan ko na sya ng kilay. Nakakairita yong way ng pagtatanong nya.


"Oo, masama. Alam mong gusto ko si Uno! Dapat iniwasan mo sya! Kaibigan ba talaga kita? O isang ahas na tinatraydor ako kapag nakatalikod." sigaw niya sa akin.





Napapatingin na sa amin ang mga estudyante na nagdaraan sa harapan namin dahil sa lakas ng boses niya. Tsk!




"Pwede bang hinaan mo yang boses mo, nakakahiya sa mga nakakarinig".




"At wow ikaw pa ngayon ang nahiya. Eh sa akin hindi ka ba nahiya? Ahas ka rin eh no! Mang-aagaw ka! Nanggagalaiting sabi niya.





Naku Happy kalma ka lang. H'wag mo ng patulan. Pero sumusobra na ang babaeng 'to.






"Talaga Jenny? Ako, mang-aagaw? Eh sino ba ang naunang umamin sa ating dalawa na crush natin si Uno. Ako diba! At FYI lang Jenny, baka nakakalimutan mong wala akong inaagaw sa'yo. Alam mo kong bakit? Una, hindi kayo ni Uno. Pangalawa, hwag ka ngang feeling girlfriend dyan dahil nga hindi kayo! Duh! Tigil-tigilan mo ako sa kaplastikan mo ha, baka akala mo hindi ko alam na sinisiraan mo kami ni Kalay sa mga kaklase natin kapag nakatalikod kami. At huwag ka ngang magbait-baitan dyan ngayon. Hindi ko lang pinapansin dahil pinapahalagahan ko kahit papano ang pagkakaibigan natin. Tapos ano? Ako pa ang tatawagin mong ahas. Wow! Mahiya ka naman Jenny! Kapal ng mukha mo. Sa ating dalawa mas traydor ka". hiningal ako sa haba ng sinabi ko. Nakakairita na talaga ang babaeng 'to.



Crush [One Shot: Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon