❤Crush [Part 1]❤

459 14 3
                                    


"Hello to my high school crush. Alam mo bang miss na miss ko ng titigan ang singkit mong mga mata. Namis ko na rin yong moment na binigyan mo ako ng bulaklak sa harap ng mga kaklase ko at sa teacher ko na teacher mo rin sa values education 'nong mismong araw ng mga puso. Sayang at hindi ko rin naamin sayo na crush din kita".

(^___^)

❤❤❤Dahil Sa Inis Nakilala Na Kita❤❤❤

🐰🐰🐰🐰🐰



"Huli ka! Sinasabi ko na nga ba at si Uno na naman ang sinisilip mo dyan eh" panghuhuli ni Kalay sa akin habang pasimple akong nakasilip sa bintana sa katabi naming room.

Si Uno ay ang ultimate crush ko dito sa (QNHS). Fourth year high school, gwapo, hindi nga lang macho dahil medyo payat sya, singkit ang mga mata, in short chinito sya.

Ako naman si Happy, third year high school, simple lang at pareho kami ni crush na afternoon and evening class. Bale same kami ng schedule, 12pm ang start ng class namin 'till 9pm ng gabi.



Nakasimangot na binalingan ko si Kalay. "Alam mo nakakainis ka, ito na nga lang ang araw na makikita at matitigan ko sya ng matagal dahil magiging abala na sya sa susunod na araw  tapos ngayon ito ka at inabala mo pa ako. Panira ka talaga ng moment".



"Tse! Ba't kasi hindi mo na lang aminin kay Uno na crush mo sya, ng hindi ka nagpapakahirap sumilip diyan."



"Eh gaga ka pala eh. Pag-umamin ako sa kanya e di nilayuan nya ako at isa pa baka nakakalimutan mong patay na patay din si Jenny sa kanya. Eh di nagalit sa akin 'yon"


"Gaga ka rin Happy, anong akala mo sa sarili mo, artista na nasa isang teleserye na pag-umamin sa mga crushes nila, nilalayuan sila? Duh! Don't me, at baka masabunutan kita! At yang si Jenny ba kamo, anong pakialam ko dyan sa dakilang  plastic mong kaibigan at sa feelings nya?" pasinghal naman na sagot ni Kalay.



Kahit kailan talaga, laging high blood ang babaeng to na pinaglihi yata sa mega microphone to the highest level. Sobrang lakas lagi ng boses kahit katabi lang naman niya ako.



Crush [One Shot: Completed]Where stories live. Discover now