chapter 16:

1.4K 55 0
                                    

[Kurt's POV ]

Hindi ko na mabilang kung ilang oras na ba Akong dilat habang nakatingin sa kisame.
Nababaliw na yata ako... kagabi pa ako hindi makatulog dahil sa kakaisip sakanya.

Maaga akong nagising dahil gusto ko sana siyang sunduin kaso kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya Kaya naisipan kong mauna nalang sa school.

~~~~KETSUKE EASTERN ACADEMY (KEA)~~~~

Pag pasok palang ng gate ng KEA Naririnig ko na ang hiyawan ng mga maiingay na mga nag aabang sakin

"Kyahhhhh!!Kurt ko!" sigaw ng isang babae ng makababa ako ng kotse

"wahh kurt" sigaw nang isa pa

"Ang gwapo mo Kurt! kyahh!" sigaw ng isa pa ulit.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagla

Papunta na ako sa building namin nang  mahagip ng Mata ko si sab. Ngunit para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng makita kong may kasama siyang ibang lalaki kaya naman binili san ko nalang ang paglalakad

[Sab's POV ]

Kasabay kong pumasok si kuya Troy, Nagpunta siya rito para tignan ang school kung may mga facilities ba na kailangan ng renovation. At para narin ma kausap ang dean ng school

(Flashback )

Pagkauwi ko sa bahay napansin kong may naka Park na kotse sa harap ng bahay, pero hindi ko nalang iyon pinansin at pumasok na ako sa loob

"Yuna? Alam mo ba kung kanino yung kotse sa harap? " Tanong ko habang sinasarado yung pinto

Paakyat na ako ng hagdan papunta sa kwarto ko  ng mapansin kong may anino ng isang lalaki sa may living room kaya naman ibinaba ko ang dala kong mga libro at bumaba ng hagdan

Dahan-dahan akong naglakad palapit At inikot ang kamay niya kaya naman napadaing siya sa sakit ng biglang bumukas ang ilaw

"Anong kaguluhan i--,wahhh! sab Anong ginagawa mo sa Kuya mo? " gulat na Sabi ni yuna

Agad akong napatingin sa taong nasa harap ko ngayon at nakitang si Kuya nga ito. Kaya naman binitawan ko na ang kamay niya

"Tss...ganyAn mo ba i welcome ang pogi mong kuya?" parang batang tanong niya

"Pogi ba kamo Kuya? Nabingi yata ako a? "pang aasar ko

"Nyenye" parang batang sagot nito Kaya naman Kahit nakatatanda siya... Hindi ko maiwasang batukan siya

"Anak ng tokwa! Bat ka ba nangbabatok? Ako Mas matanda dito a?" reklamo ni Kuya

"Juskoo, Gabi na, nag aasaran nanaman kayong dalawa. Makatulog na ngalang!"  reklamo ni yuna At umakyat na sa itaas

"Ano ba ang sumapi sayo Kuya at naisipan mong dalawin ako?" panimula ko

"sinong nagsabing dumadalaw lang ako?" Sagot niya... Habang nakangiti-yung creepy na ngiti.

"wag mong sabihing--No way!!" gulat na Sabi ko

"Tama ka my dear sister... I'll be living here from now on" sagot niya.Natawa naman siya ng ilagay ko ang palad ko sa noo niya  at pinagkumpara ang temperatura naming dalawa.

"hayyy nako, Wala akong sakit okay?" paglilinaw niya

"E akala ko ba ayaw mo dito sa Pinas? Kasi Sabi mo boring ang mga schools dito?" sagot ko

"E Anong connect ng school sa pagtira ko rito?" pamimilosopo niya

" hayy, Ewan ko sayo " sagot ko

"inaantok na ako, good night sis. Yung mga gamit ko nasa kotse ... Paki buhat nalang papunta sa taas ha?" pang aasar niya at ginulo ang buhok ko bago Umakyat sa itaas

"Tse! Bahala ka sa buhay mo! Ibabato ko lahat ng gamit mo sa labas!" pagbabanta ko hanggang sa makarinig ako ng mabibigat na yabag pababa at nakita ko ang nakabusangot na mukha ni kuya

"I hate you... Hindi mo na ako love? Ibabato mo gamit ko? Ngayon na ngalang tayo magkikita e" parang batang sagot niya... With paawa effect

" Good luck Kuya... Kaya mo na yan mag-isa" tatawa tawang sagot ko at Umakyat na sa kwarto ko

Author 's note

This is an edited chapter
Sorry for the Short update, but press vote if you liked it, thank you!

To Love A GangsterWhere stories live. Discover now