chapter11

1.6K 59 0
                                    

[Sabrina's POV ]

Ngayon ang intramurals sa school kaya camera and phone lang ang dala ko dahil yun ang iniatas saakin. 10:00 am daw mag uumpisa yung sports fest kaya pwedeng 9 am ako pumunta sa school.

Si Ariela, maagang umalis para magpractice ng mga dance steps nila. Si zhyra naman sa library lang sila ni brent para mag review, sila yuna,kim at yanie naman maglalaro ng volleyball kaya eto, tulog mantika nanaman yung tatlo dahil sa tatlong araw na tuloy tuloy na practice ...

[ unknown number calling ]

"Hello?" bungad ko

"Come here now...ASAP....we need to prepare, malapit ng mag start yung laro"  pasigaw na utos niya..

"U-uhmm who's this? " tanong ko

" basta! " sagot niya at ibinaba na yung tawag...

Parang familiar yung boses. Pero, ang aga aga pa, at 10 am pa mag uumpisa yun, pero pinagmamadali na ako nung unknown caller

"Bye guys, alis na ako" paalam ko bago patakbong Lumabas ng pinto

"Bye!!!" Sabay-sabay na paalam nila yuna,kim at yanie

*****

Nang makarating ako sa school, halos lakad takbo na sng ginawa ko papunta sa gym ng school at Inayos ang mga gamit, hanggang sa mag simula na nga ang event

Nauna ang cheering against each team. Una ang cheer ng red team, sunod ang yellow, kasunod nito ang blue, at green team naman ang huli

Iniikot ko ang buong gym matapos ang cheering para kuhanan ng litrato ang bawat laro, yellow team ang champion last year... Sana Green team naman ngayon Hayy.

Habang naglilibot, napansin kong nanunuod lang si Kurt samantalang sandamakmak na litrato na ang nakunan ko

"Hoy!Mr.sungit, nandito tayo para mag picture hindi para manuod lang!" paalala ko sakanya.

"Whatever, just do your work and I'll do mine" Sigaw niya rin sakin...ang sungit-sungit talaga niya...Para siyang dragon na anytime mag bubuga ng apoy .tsss. Bahala na nga siya hindi naman ako ang mapapagalitan.

"Go green team!" Sigaw ko ng biglang lumapit saakin ang Student council president

"Sabrina, pwede bang ikaw ang tumakbo sa 100 meter run? Kulang kasi ang runners ng green team dahil may nag back out, we can't start the match with incomplete runners" pakiusap niya

Nagdadalawang isip ako dahil ito ang unang beses kong makiki pag unahan sa pagtakbo pero para sa Green team, sige na nga.

Saglit akong nagpalit ng damit at saktong mag uumpisa na ang 100 meter run.

Pumwesto na ako at Tinignan ang mga makakalaban ko, Mukhang mabibilis sila. Kinakabahan ako. Pwede pa ba mag back out?

" Ready...get set... Go!!!"

Tumakbo ako ng mabilis pero nangunguna ang Red team at pangalawa lang ako, pinilit ko pang bilisan pero napunta ako sa maling lane dahil humarang ang Red team sa lane ko samantalang kasunod ko naman ang blue team at nahuhuli ang yellow hanggang sa naabot ko na nga ang finish line

"Green team, 37 seconds" announce ng coach ng running, sunod naman ang Red

"red team...36 seconds" Napa yuko nalang ako dahil nadismaya ako ng marinig kong isang minuto lang ang pagitan namin at pangalawa lang ako. 1min and 1 second sa blue at 1 min and 5 seconds naman sa yellow

Napaangat ang ulo ko at nakita ko ang mukha ni Kurt. Ang mga Mata niyang nakatitig saakin. Ang seryosong ekspresyon na hindi ko mawari kung galit ba, walang pake, nag aalala O masaya ba. Pero isa lang ang sigurado ko... Ng makita ko siya, ang kaninang pagkadismaya ay napalitan ng saya. He really brought a positive atmosphere to me right now when I should be sad for not being first.

Naglakad ako papalapit sakanya at bumilis ang tibok ng puso ko ng ngumiti siya at itinutok saakin ang camera

Ng makalapit ako, Tila naputulan ako ng dila. I can't find the right words to say...maybe a joke would break this awkward atmosphere

" Bakit mo ako kinunan ng litrato? Siguro nagagandahan ka sakin" biro ko pero nanatiling seryoso ang ekspresyon niya

"yes, you're beautiful" sagot niya Kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Naku, hindi na to normal

"haha, s-sa tingin m-mo yun talaga a-ang isasagot ko? You're part of the run, kaya kinunan kita" sagot niya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang mas naging malungkot pa ako sa sinabi niya kesa sa pagiging second place.

"ah, s-sige... Alis n-na ako" paalam ko at iniwan na siya Doon para mag Palit ng damit

Kurt's POV

Kasalukuyan kong tinitignan ang mga nakunan kong litrato ng biglang mag umpisa ang 100 meter run, kaya itinutok ko na ang camera sa field, but I started taking shots, not on the event but to a certain person... Sabrina

Nang maabot na nila ang finish line at oras na para I announce kung sino ang nanalo, hindi ko namalayang nakatingin parin pala ako sakanya kaya wala na akong nagawa ng magtagpo ang mga Mata namin.

I couldn't help but smile ng naglakad siya palapit saakin. Oh man, this woman makes me crazy, just with her gaze... my heart can beat faster than normal kaya naman hindi ko naiwasang kunan siya muli ng litrato.

Ng makalapit siya, nanatiling seryoso ang ekspresyon ko. Ayokong mapansin niyang hindi na mapakali ang puso ko

"Bakit mo ako kinunan ng litrato? Siguro nagagandahan ka sakin" biro niya pero  nanatiling seryoso ang ekspresyon ko

"yes, you're beautiful" wala sa sariling sagot ko na mas lalo pang nagpabilis sa tibok ng puso ko, kaya umiwas ako ng tingin bago ko ipinagpatuloy ang sasabihin ko

"haha, s-sa tingin m-mo yun talaga a-ang isasagot ko? You're part of the run, kaya kinunan kita" nauutal na sagot ko kaya hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ng magbago ang ekspresyon niya.

"ah, s-sige... Alis n-na ako" paalam niya

Sinundan ko naman siya ng tingin habang naglalakad siya palayo. Napabuntong hininga nalang ako bago ko ipinagpatuloy ang pagkuha ng litrato

-----------------
A/N:this is an edited chapter
Please Vote if you liked this chapter

thank you for reading :)




To Love A GangsterWhere stories live. Discover now