There was once a young lady named Desirey who lived in the Philippines. She lived a perfectly normal life with her great friends, her perfect family and the most loving boyfriend. All that any other girl could ever ask for.
Family status? Di naman gaano kayaman pero hindi din naman ganun kahirap. In short, may kaya sila.
Kayang bilhin o bayaran ang mga pangaraw araw na pangangailangan tsaka mga bayarin.
May boyfriend siya at yung boyfriend niya ay nagngangalang, Cj.
Gwapo siya.. Sa paningin ni Desirey at mahal na mahal niya ito.
They've been together for almost a year at sa tingin ng nakararami, magtatagal pa sila.
Osya balik na tayo kay Desirey. Si Desirey ay mapagmahal mapa sa magulang man niya o sa kanyang mga kaibigan. Kilala siya bilang isang mabuting estudyante. Caring at Understanding din siya.
Di naman siya perpekto pero ginagawa niya ang lahat para ma-impress niya parents niya, may maipatunay sa mga kaibigan niya at mahalin siya lalo ng boyfriend niya.
~~
||Desirey's POV||
*riiiiiiiiing!!*
Yes! The bell rang! Makakaalis na din dito huhu. Kaiyak. Sakit sa ulo tong dini-discuss ni Sir sa Math. I thought to myself.
Halos maloka na ko dito sa klase ni Sir. Halos walang kumikibo.. Mga zombie pa kung maka recite. Nakaka sakit pa ng ulo yung lesson.
Lumabas ako ng room, dala-dala shoulder bag ko tsaka ibang books. Break time na kasi. Hayst kikitain ko pa bebe ko. I inwardly sighed.
Habang papunta ako sa locker ko, nagulat nalang ako nang biglang hinarang ako ni Hannah.
"Oh, Hannah? May problema ba?" Tanong ko habang pasimple akong pumunta sa locker ko.
Hinila niya ako at iniharap sa kanya, "Oo. Ikaw yung problema ko." Sagot niya na para bang naiirita pa sakin.
Aba. Ako pa naging problema neto.
"Bakit nanaman? Tungkol nanaman ba toh kay Cj?" Sabi ko with disinterest. Nakakapikon.
Simula last year pa tong babaeng toh ehh. Puro si Cj ang habol. Madami namang lalaki diyan.
Tinignan ko lang siya habang medyo gulat siya sa pagiging straightforward ko.
"Oo! Tungkol nga s-sa kanya!" Sagot niya na medyo may pagkaka stutter. She recomposed herself tas nagsalita ulit siya..
"Akin lang siya! You can't have him." Taas noo niyang pagkakabulyaw sakin which basically caused the other students to look at us.
She wants a show? I'll give her one. Bahala na kung mapahiya ko pa siya.
"You can't own someone who doesn't even like you at all. Don't sound so Desperate, Hannah. It doesn't suit you. Heck! For the record, he never was yours in the first place!" I exclaimed.
Ginusto niya yan ehh.
I grinned triumphantly habang nagmumukhang tanga si Hannah sa harapan ko.
Nakita ko si Cj na papalapit samin from the distance. Bingo.
"Oh ano, Hannah? Sagot dali. Magaling ka lang naman sumatsat ehh." Sabi ko with disgust.
Saktong lumapit si Cj at hinalikan ako sa pisngi.
"I've been looking for you sa cafeteria." Bulong niya sakin. Saka nalang siguro niya napansin na nandun si Hannah nung napatingin ako sa babaeng yun.
"Anong nangyari dito? Hannah? Desi?" Tanong niya samin ni Hannah. Halos matawa ako sa itsura ni Hannah. Wala tuloy masabi.
Yinakap ko si Cj, "Babe, Kwento ko nalang sayo sa cafeteria. Libre mo ko."
After a long silence from Hannah, saka nalang niya nagawang mag-walkout nung naririnig niyang pinaguusapan siya ng ibang students.
~~
Habang naglalakad kami ni Cj papunta sa cafeteria, kinuwento ko na ang buong pangyayari sa kanya.
~~
Since tapos na yung sagutang naganap at tahimik na kaming kumakain ni Cj sa Cafeteria, feeling ko na okay na lahat.
Nararamdaman kong pinagmamasdan niya ako kaya tumigil ako sa kakakain. Kinapa-kapa ko mukha ko. Baka kasi may dumi kaya ganun ganun nalang siya kung makatingin sakin.
"Uhm.. May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sa kanya. Ang cliche naman jusme. Pero malay mo naman diba? Baka may dumi nga.
Tumawa siya then he shook his head.
Pinahid niya sa pisngi ko yung ketchup galing sa burger niya gamit thumb niya.
"Ngayon, may dumi na." Napa smirk siya at tumawa. Aba gago.
Ahh ganun pala gusto niya.
Binatuhan ko siya ng isang nacho ko. Sinigurado ko na yung nacho na yun ay yung may pinaka maraming melted cheese.
"Ikaw din, Cj. May nakasabit sa buhok mo!!" Tawa ako ng tawa.
Lumapit siya sakin at pinahiran ako ulit ng ketchup.
"I love you" sabi niya sabay halik sa lips.
Kumuha ako ulit ng cheese at pinahid sa ilong niya, "I love you too"
Isa toh sa pinaka accomplished kong araw.
~~
VOCÊ ESTÁ LENDO
In The Name Of Love
Ficção AdolescenteJust a cliche tragic story. Hope y'all will enjoy this!
