A Gift that I lost

2.8K 50 27
                                    

Sabi ng mama ko, niregalo niya sa akin ito noong sanggol pa lang ako. Eksakto sa pasko niya binili ito mula sa isang kakilala niya. Nang makita ko daw ito agad daw akong ngumiti at pa-padyak-padyak pa daw ako. Habang lumalaki daw ako parati 'ko na siyang kasama. Parati akong binabantayan kahit saan 'man kami magpunta. Tatahulan ang lahat ng lalapit sa akin. Naalala pa ni Mama na nawala daw ako noong nasa dalawang taong gulang palang ako, naglalakad na ako noon at marunong ng bumaba ng silya. Iniwanan lang ako saglit ni Mama sa upuan na malapit sa dressing area kasama siya. Pagkalabas niya daw nawala na kami parehas pero dahil sa isang tahol niya, natunton kami ni mama. Napapangiti nalang ako habang kinikwento ni mama sa akin ang lahat ng iyon.

Nang nasa mga limang taon o anim na ako, naalala ko pa nga na mas gusto ko siyang kalaro kaysa lumabas ng bahay at makipaglaro sa mga batang kaedaran ko lang. Mas gusto niya ang harutan. Didilaan ka niya sa pisngi kapag natutuwa siya. Parati kaming sabay maligo, kumain, at katabi ko pa siya sa higaan. 

Naalala ko pa nga sabi ng isa 'kong pinsan na bumisita sa bahay namin. "Kulang na lang siya na ang kapatid mo." sabi nito sa akin sabay tawa. Alam ko naman na binibiro niya ako pero tama siya dahil ang tingin ko dito ay isang kaibigan at higit pa sa kapatid nga. Halos lahat ng pumupunta sa bahay, mapa-bisita, mga kamag-anak at kung sino pa man ay sinasabi ang mga katagang iyon parati.

Nang mga nasa elementarya ako ay tuwing uuwi ako, parati niya akong dadambahan bilang pag-welcome niya sa akin. Nakikiliti ako pag dinidilaan niya ako. Ang kulit-kulit niya talaga. 'Pag gumagawa ako ng assignment, parating nasa tabi ko siya at natutulog. Tingin ko nga inspirasyon ko siya parati dahil parati akong nasa Top 1. At ito rin 'yung panahon na nagkasakit ako ng malubha, wala pa sila mama at papa noon at ang taas taas na ng lagnat ko. Hindi ako makatayo at nahihilo ako. Naririnig kong tumatahol siya habang nasa tabi ko. Tinitignan ko lang siya at ngumingiti ng pilit para lang masabing okay lang ako. Nakikita ko pa siyang palakad lakad at bigla siyang tumakbo papalabas ng kwarto. Tatawagin ko sana siya kaso nanghihina na talaga ako. Mga isang oras na siguro ang nakakaraan, biglang dumating sila mama at papa. "D'yos ko po. Buti nalang pumunta si Lovely sa office namin," sabi ni papa at saka ako binuhat at dinala sa hospital. Napagalaman nila na may Dengue pala ako noon. Buti daw naagapan at naging taga-pagligtas ko ay ang bestfriend ko. 

Simula noon, lalo pa akong napalapit sa kanya. Ang pinakamemorable sa aking araw na kasama siya ay pagpapalapit na ang araw ng pasko. Pinapayagan kasi kami ni Mama na mangaroling kasama ng mga naging kaibigan ko na kapitbahay lang din namin. Pagkakanta kami ng Sa Maybahay, ang aming bati, sasabay si Lovely. Syempre umuungol lang siya. Natatawa nga ang mga may-ari ng bahay na pinagkakantahan namin at binibigyan kami ng bente o kaya mga candy. Nang makaipon na ako sa pangangaroling, nagpabili ako kay mama at papa ng ireregalo ko kay Lovely. Nang sumapit nga ang pasko, alas-dose iyon ng hating gabi at gising pa kaming magpamilya. Isa-isa binigay ni papa ang mga regalo niya sa amin at gayun din naman si mama. Natanggap ko ay dalawang regalo mula kay mama at papa at sila naman ay tag-isa lang. 

Ako naman ang tumayo at saka kinuha ang regalo ko para kay Lovely. "Akala mo wala kang regalo no? Eto o," sabi ko sabay abot ng regalo. Tumahol siya noong nakita niya ang maliit na box at ako na ang nagbukas sa harap niya. Kulay blue na dog's collar na may pendant na silver na malaki at nakaukit ang pangalan niya na Lovely. Sinuot ko ito sa kanya at saka niya ako dinilaan. Napangiti na lang ako noong oras na iyon dahil alam kong nagustuhan niya ang pinakaunang regalo ko sa kanya. 

Sabay kaming nag-dalaga noon, nasa high school na ako n'ung mga oras na iyon pero yun din ang mga oras na 'di ko na masyadong pinapansin si Lovely. Kung dati'y para kaming kambal na magkasama. Ngayon ay pinapalabas ko na siya ng kwarto tuwing gagawa ako ng assignments, hindi na kami sabay maligo, matulog at kumain, at higit sa lahat hindi ko na siya nababati pagkagaling na ng school. Yung parang normal na alaga nalang namin siya sa bahay. 

One Shot Stories ni YilinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon