Nakasunod lang ako kay Yuri. Muka kasing alam nya yung pupuntahan.

"Ilang taon na si Keigan?" Biglang tanung ko kay Yuri.

Ang awkward kasi ng atmosphere. Wala kumikibo samin kaya bumabalik sa ala-ala ko yung ginawa nya.

"14." Mabilis nyang sagot.

14? Same age lang kay Ci-N pero halos malagpasan na nya.

"Ang bata pa pala nya."

"Don't trust him." Biglang sabi ni Yuri nagpatigil sakin.

"Why?"

"He's a pshychopath."

Hala! Delikado si Keigan?

"Ibig sabihin.. baliw----"

"Not literary psycho... We just call him like that because he acts like one. To make it easy on you, he is the worse version of Keifer." Paliwanag nya.

So my worse version pala si Keifer. Kala ko sya na yung worst sa lahat. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa labas kung saan may pool.

Kala ko ba breakfast?

Nilibot ko yung tingin ko at nakita ko sila sa Gazibo. Kumakaway kasi sakin si Ci-N habang may subong tinapay.

"Dito talaga sila nag-aalmusal?" Tanung ko kay Yuri at naglakad kami palapit sa kanila.

"Hindi... Pero dito gusto ni Keigan." Sagot sakin ni Yuri.

Paglapit namin sa kanila, agad na tumayo si Keigan at binatak yung upuan sa tabi nya. Pina-upo nya ko at inasikaso. Ang gentleman ng dating nya.

Parang hindi naman worse... Muka nga syang good boy version ni Keifer.

Wala si Keifer at busy naman sa paglamon ang mga luko. Binigyan ako ng pagkain ni Keigan sa plato.

"Enjoy your breakfast..." Sabi nya at ngumiti.

Napatingin ako kay Yuri na nakatingin din pala sakin. Umiinom sya ng kape at parang pinakikiramdam si Keigan.

Habang kumakain hindi ko maiwan na hindi magtanung.

"A-asan pala si Keifer?"

"Behind you..." Mabilis na sagot ni Keigan sakin.

Tumingin naman ako sa likod at naglalakad palapit ang bagong ligo na Keifer. Naka-short lang sya at tshirt, pero meron syang kasunod.

Mas pinabatang version ni Keifer at Keigan. Yun nga lang mas masungit nga lang ang itsura nya.

"Ang aga mo nagising Keiren." Pang-aasar ni Keigan dun sa bata.

Keiren pala ang pangalan nya. Pupusta rin ako kapatid ni Keifer to, mga bente singco centimo.

"Shut up!" Mabilis na sagot nung Keiren kay Keigan.

Ay ang sungit!

Naupo si Keifer sa katapat kong bangko. May benda na yung kamay nya. Pinagmasdan ko sya pero hindi man lang nya ko tinignan kahit sandali.

Napatigil ako ng mapansin ko yung Keiren na nakatingin sakin. Titig na titig sya at halos tunawin na nya ko.

"So hindi pala bakla si Kuya Keifer..." Sabi nya dahilan para mabuga ni Keifer yung kapeng iniinom nya.

Bahagya namang natawa sila Yuri na pilit nilang tinago.

"...he keeps bringing boys instead of girls. So I thought he was gay." Paliwanag pa nito.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon