Chapter 33: Meet His Family

35.2K 1K 29
                                    

Kiana's POV

Mukhang di naman ganun si Nash na ang habol ay ang katawan ko.  Kasi eto 4th year na nga kami eh. Yung pageant? Eto ako nanalo. Waahh. Huhuhu. Hahahaha. Nasiraan na ko ng ulo.

Papunta kami ni Nash ngayon sa Airport kasi susunduin daw naman yung kapatid niyang si Hena Faye. Astig ng pangalan nun ah. Haha. Tska nga daw pala ipapakilala niya ko sa Mommy at Daddy niya. Phew.

"Tara na" pag aaya niya sakin

"Ah. Eh. Tara na" sabi ko

Airport.....

Nakita niya agad yung mommy, daddy at kapatid niya. Nilapitan namin sila agad. Patay mukhang masungit yung nanay ah. Huhu

"Nash!" Tili ng kapatid niya

"Hena!" Pagkarga ni Nash sakanya

"Ikaw ba si Kiana?" Tanong ng mommy niya

"Ah. Eh. Opo. Nice meeting you po" bati ko. Nagulat naman ako ng bigla niya kong yakapin

"Alam mo iha. Madaming kinukwento sakin yang si Nash tungkol sayo" ngiting sabi niya

"Iha. Dun kana magdinner sa bahay namin okay?" Sabi naman ni Daddy niya. Ako? Eto ngiti dito, ngiti doon.

"So ikaw si Kiana?" Mataray na sabi sakin ni Hena

"Oo" sagot ko

"Wahhhh. Ang ganda mo ate! Ang ganda ng buhok mo" sabi niya sakin tas bigkang bumaba sakin at hinawakan ang buhok

"San ka nagpapaayos ng buhok iha?" Tanong ng mommy ni Nash sakin

"Sa salon ko po maam" sagot ko

"Talaga? Tita nalang itawag mo sakin at dito sa matandang hukluban na to. Tito nalang" pagaasar ni Tita kay Tito

"Tse. 1 taon lang naman tanda ko sayo" pagdepensa ni Tito

"Mom! Dad! Can you please just shut up!" Pagpapatigil ni Nash

"Owkay okay" sabi ni Tito na nakataas pa yung dalawang kamay. Hahaha

"Don't mind the huklubaan. Tara na. Magluluto ako!" Pag aaya ni Tita

"Pero mom nakapagluto na po si Kiana" sabi naman ni Nash
Ah yeah. I forgot, nagluto nga pala ako kanina bago dumiretso dito sa Airport.

"Seryoso? Galing ka sa isang mayamang pamilya iha. Pero look at you. Marunong kang magluto!" Pagpupuri ni Tito

"Ah. Eh. Balak ko po kasing kumuha ng culinary arts sa college eh" sabi ko

"Mukhang mas lalo tayong magkakasundo iha!" Sabi ni Tita

"Come on" sabi ni Tito at nagsunudan naman kami.

Mansion ng mga Concuera....

"Anong family name mo Kiana?" Taning sakin ni Tito ng biglaan.

"Dad, diba sinabe ko na sayo yan?" Sabi ni Nash

"Anak, nakalimutan ko na" natatawang sabi ni tito

"Dala ng katandaan" pang aasar nman ni Tita

"Ahm. Salvador po" sagot ko na ikinagulat nila Tita at Tito

"Bakit po?" Nagtatakang tanomg ko

"Seryoso ka? Salvador ang surname mo?" Seryosong tanong ni Tito

"Ah. Opo. Bakit po?" Tanong ko naman

"Hindi mo siguro alam iha. Wala ako sa posisyon na magsabi nito pero halika mamaya sa may garden may pag uusapan tayo" seryoso niya ulit na sabi. Owkay? Anong meron sakanila ni Tita at bigka silang nagseryoso ?

Garden....

"Iha di mo ba talaga alam?" Nagtatakang tanong ni Tito

"Ano po ba yun?" Tanong ko din

"Ahm. Ang tatay mo si Francis Salvador Siya yung Leader ng Mafia sa Japan" sabi ni Tito na ikinagulat ko

"Ta-talaga po? Pano niyo nalaman?" Tanong ko

"Isa ako sa mga guardian ng Daddy at Mommy mo. At ikaw ang isa sa mga mga tagapagmana nila as King and Queen. Sa ngayon kayo ni Jake ang prince ang Princess in Mafia World. Pinakamalakas ang Daddy mo sa lahat" pagpapaliwanag niya

"Bat di po nila sinave sakin?" Tanong ko

"Kasi magbibitaw na ang daddy mo. At kay Jake na iyon ipapamana" sagot niya

"Ah. Kung sa gayon bat niya po sinabe sakin?" Tanong ko ulit

"Yun ang hindi ko alam iha. Mas mabuti kung sakanila mo mismo itatanong" pagsasuggest ni Tito

"Sige po. Maraming salamat!" Pagpapasalamat ko

"Pero si Jake po? Bakit po siya ang hahalili ka Daddy?" dagdag kong tanong.

"Bestfriend ng Daddy mo ang Daddy ni Jake" agadang sagot niya.

Oh, that's explains everything.

I'm Gonna Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon