Invisible - 34 (Part 2)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kath, sayaw tayo?" Biglang sabi ni Quen.

Ang ineexpect ko pa namang first dance ko, si DJ. Hays yaan na nga.

Tumayo na ako tapos pumunta na kami ni Quen dun sa dancefloor.

"Kath, kailan natin gagawin yung... plano mo?" Tanong nya.

"Ngayon...?"

 

 

"Bakit naman ngayon? Eh mukhang ang saya saya nyong dalawa. Bukas na lang, pwede?" Quen.

"Hmm? Okay." Sabi ko na lang.

Tapos ayun, maya maya, umupo na kami.

Andami pang nakipagsayaw sakin. Hindi naman ako makatanggi kasi nakakahiya sa kanila. Haha.

Pero hanggang ngayon, wala pa rin si DJ. -__- Tagal naman atang nag-cr nun?

Baka naman.... Umuwi na yun?! O___O

Hala, joke hindi pwede!

"Ehem, ehem." Nanlaki mata ko.

Bakit nasa stage si DJ?!? O_____O

"Ah, hi po. Sorry ho sa istorbo.. Gusto ko lang sanang sabihin na...... mahal na mahal ko ho si Kathryn Bernardo. Yun lang. At.. gusto ko lang ho sana siyang haranahin." Sabi niya kaya nagtinginan sakin yung mga nakakakilala sakin.

Ako naman.. eto, speechless.

Invisible [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon