Invisible - 34 (Part 1)

4K 68 7
                                    

Naparami pala ng space yung sa last chapter, di ko alam kung bakit. XD Hahha ayun, inedit ko na. Lol. Anyways, eto na po update. XD Second to the last chapter, I think?

_________________________________________________________________________

Chapter 34

Kath's POV

FRIDAY (Yung araw ng Prom nila)

THIS IS IT. THIS IS REALLY IS IT IS IT.

OPO, PROM NA PO NAMIN NGAYON. ANG BILIS NO? WELL TIME FLIES WHEN YOU'RE HAVING FUN EH. HAHA ANUDAW XD

Di po ako galit. Kinakabahan na excited lang. -.- Hahaha!

"Ayan, okay ka na. Ganda mo na, nak!" Sabi ni mama pagkatapos nyang ayusin yung buhok ko. Si ate yung nag make-up sakin. Tapos si mama yung nag ayos ng buhok ko. Tapos ako naman, nakaupo lang. Hahahaha joke.

Tinignan ko naman yung sarili ko sa salamin.

Ang ganda ko.

"Ma, ang ganda ko." Sabi ko kay mama. Si mama naman, ngumiti lang. Oha, sumasang ayon si mama! Haha!

Minsan lang ako magyabang, pagbigyan na. Haha!

"Sige, bababa lang ako ah. Isuot mo na yung  heels mo." Mama.

"Sige po." Sabi ko. Tapos bumaba na si mama. Ako naman, nakatingin pa rin sa salamin. Tinitignan ko ang aking sarili. Hahaha!

Woooh, ang ganda ko talaga eh. (Pagbigyan. Ngayon lang talaga to, promise!)

Ang ganda nung gown ko (Syempre, ako pumili eh).. Yung buhok ko, ang ganda... Pati yung mukha ko... Ang galing pala mag make up ni ate? Ngayon ko lang nalaman. Haha.

Pero kasi ang ganda ko talaga. (Pagbigyan ulit.)

"Kath! Ba't ka pa nakatulala dyan? Andyan na yung sundo mo oh." Napatingin ako sa pinto. Andun pala si ate. Nakacross yung arms nya tapos tinitignan ako.

"Teka, eto na." Sabi ko tapos sinuot ko na yung heels ko. Yun na lang kulang eh. Hehe.

Invisible [KathNiel]Where stories live. Discover now