Chapter 39: Heart's Day

En başından başla
                                    

"Hindi ka ba nagsasawa, Dara? Kanina ka pa sinasagot ni Sendy!" suway sa kaniya ni Val.

"Oo na, tatahimik na! Psh!"

Napagpasiyahan kasi namin na mamasiyal dahil huling araw na namin dito sa Magustic Town. Wala nga ang mga boys. Mukhang may sarili silang mundo kaya hindi kami inaya. Bukas ng umaga ay babalik na kami sa Crewd Academy. Miss ko na tuloy si Faye. Kumusta na kaya siya?

Pero hindi pa rin namin nakikita sina Thony, Altrina at Lei. Nasaan kaya sila ngayon? Ano'ng ginagawa nila ngayon?

"Ang ganda naman ng mga maliliit na ilaw na nakasabit sa mga kable sa itaas," nakangiting sambit ko habang nakatingin sa itaas. Sila ang nagbibigay liwanag sa daan. Alas syete na kasi ng gabi.

Parang may pagdiriwang na magaganap ngayon. Madaming tao rin ang nasa labas at marami rin ang namimili.

"Oo nga! Ang ganda talaga sa lugar na 'to! Makakalimutan mo talaga ang mga problema mo!" sambit ni Jhane. Ewan ko kung ako lang ba ang nakapansin pero parang may kakaiba sa boses ni Jhane. Parang may problema nga siya.

"Guys! Naririnig niyo ba 'yon?" tanong ni Dara.

May naririnig nga kami sa 'di kalayuan. Parang may patugtog at hiyaw ng mga tao. Parang nagsasaya sila.

"Ano kayang meron?" tanong ni Airyn.

"Do you think alam namin? Duh!" pagtataray sa kaniya ni Zyrelle.

May lumapit naman sa amin na batang babae. Nakangiti ito at parang may gustong sabihin sa amin.

"Magandang gabi mga ate! Hali kayo! May pagdiriwang na nagaganap doon!" nakangiting sambit niya.

"Bakit sila nadidiwang?" tanong naman ni Airyn.

"Hindi niyo po ba alam? Araw ng mga puso ngayon!" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinalikuran na niya kami at tumakbo paalis.

Sinundan naman namin siya at napadpad kami kung saan ang mga taong nagsasaya at sumasayaw. Nakakabitter naman. Sila na may lover!

"Oh? Nandito pala ang mga shokoy?" gulat na sambit ni Val.

"Sinong mga shokoy?" naguguluhang tanong ni Dara.

Nakita naman namin si Kairo, Drage at Vendell na masayang nagsasayaw si gitna. Parang mga lasing na at walang pakialam kung mukha na ba silang tanga. Tuwang-tuwa pa ang mga tao!

"Nandito na pala kayo."

Hindi namin napansin na nakalapit na pala sa amin si Jater at Kliffer. Mukhang bagot na bagot sila at naiirita sa mga kaibigan nila. Ano pa nga ba? Pero teka? Nasaan si Charlie at Neithan? Ay! Bakit ko pala sila hinahanap?! Psh!

"Ay hindi, Jater! Nasa bahay pa kami!" pambabara sa kaniya ni Airyn.

"K. Sabi mo, eh."

Natawa naman kami sa sinabi ni Jater. Napakaseryosong tao. Parang si Winzé na kanina pa hindi nagsasalita. Panis na niyan laway niya.

Crewd Academy: Malediction of Prophecy (PUBLISHED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin