Chapter 9

3.4K 91 5
                                    


"Daniel John Ford." sabay lahad ng kamay ng aking kaharap. Para akong sandaling natameme at tinignan ko na lang siya. Bahagya pa akong nakatingala sa kanya dahil sa ang tangkad niya pala. Kung titignan ay hanggang sa leegan lang niya ako.

This man is oozing with so much maleness with him. He's so damn gorgeous!

Bahagya pang may umubo sa aking likod. Tinignan ko iyon at nakita kong parehong nakangiti ang aking Dad at ang mga Ford na ngayon ay para bang naghihintay sa aming susunod na interaksiyon ni Daniel. Para akong natauhan pagkuwa'y ipinilig ko ang aking ulo. Shocks..nakakahiya. Starstruck lang?

Agad kong kinompose ang aking sarili at saka tinanggap ang kanyang kamay. The moment our hands touched together naramdaman ko na lang ang kakaibang sensasyon na dumaloy sa aking katawan. His hand felt so warm.

"Ka-Kathryn Chandria Bernardo." nanginginig pa ang aking kamay ng abutin ko ang kanyang kamay na nakalahad.

Bulta-bultahing elektrisidad ang naramdaman ko ng magtagpo ang aming mga palad. Naramdaman ko ang pagpisil niya ng bahagya sa aking kamay kaya napaigtad ako. Sinalubong ko ang kanyang mga titig na agad ko namang binawi dahil sa hindi ko matagalan iyon.

"Nice to finally meet you, fiancé." dahan dahan itong lumapit sa akin. Napahumindik ako ng maramdaman ang kanyang mga labi na dumampi sa aking pisngi. Para yata akong kandilang nauupos. Nakakapanghina.

"You're so beautiful." he whispered.

Patuloy sa paghuhurumentado ang aking kalooban. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang ang reaksyon ng katawan ko sa kanya.

"Ahem..ahem." napaatras ako at lumingon sa pinanggaligan niyon. Naramdaman ko naman ang bahagyang pagbitaw si Daniel sa aking kamay. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng panghihinayang ng gawin niya iyon.

"Iha, why don't you bring Daniel upstairs.." sabi ni dad.

Napamulagat ako.

"Dad?" tanong ko.

OMG my Dad? seriously?

"What I mean is bring Daniel upstairs in the terrace para makapag-usap at magkakilanlan kayo." pagkaklaro nito.

"Not so fast, baby.." bulong ni Daniel sa akin.

Gusto ko na yatang lamunin ng lupa. sa mga oras na yun.

"Buti pa nga Daniel, iho, samahan mo na si Kathryn sa itaas para magka-usap kayo." nakita ko kung paanong ngiting-ngiti ang mama nito.

Hindi naman halatang excited din ang mga ito para sa amin. Napalakas yata ang pagbuntong-hininga ko ng masulyapan ko ang nakakalokong ngisi ni Daniel.

"Alright, Dad. Magbibihis lang din ako. Let's go." pahayag ko kay Daniel. "Excuse me po, Dad, Mommy Karla and Daddy Dale. Aakyat lang po kami sa taas."

Pagkapasok ko ng kabahayan ay tahimik lang na sumsunod sa akin si Daniel. Hanggang ngayon ay tagos pa rin sa akin ang mga titig niya. Bigla tuloy akong na-concious.

Nang makarating kami sa 2nd floor ay agad kong itinuro sa kanya ang terrace kung saan may dalawang love chair doon. Doon ako kadalasan nagpapalipas ng oras pag nandito ako sa bahay dahil nalalanghap ko ang sariwang hangin at tanaw ko ang bukirin sa malayo.

"Have a seat. Magbibihis lang ako." ani ko sa kanya.

Hindi ko na hinintay na sumagot siya dahil parang sinilihan yung pwet ko na magmadaling pumasok sa kwarto ko na nasa kaliwang bahagi ng terrace.

Destined to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon