Chapter 19

3.2K 98 4
                                    


Pakiramdam ni Kathryn ay kusa na lang nama-magnet ang kamay niya kay DJ dahil maging siya ay nagulat sa ginawa niyang paghawak sa kamay nito. That was the first time that she initiated holding his hand.

Para bang ang saya ng mga paru-paro sa tiyan niya ng mga oras na iyon. Hindi niya tuloy naiwasang mag-blush ng sulyapan siya ni DJ na halata ring nagulat sa ginawa nya.

Actually, kanina pa sa bahay nila ay gusto na niya itong yakapin or hawakan man lang pero nahihiya siya sa Daddy niya.

At nang makalabas na sila ng bahay ay nagulat pa siya ng hawakan nito ang baywang niya. She didn't want to assume but he seemed jealous nung nagpakilala at tinignan siya ng bestfriend nito  na si Paulo.

She somehow liked him like that. She's not fond of jealous guys kasi naalala niya si Aaron pero iba ang nararamdaman niya kay DJ.

She likes it when he's jealous. She likes it when she feels that he's being territorial. Hindi niya alam kung paano at bakit pero iyon ang alam niya na gusto ng puso niya.

Nang nakilala niya si Marco ay agad niyang nakita ang kaibahan ng dalawa though pareho ang mga itong gwapo. Si Marco ay ang tipong palangiti while DJ is the serious and mysterious type which surprisingly added interest to her.

No wonder Trina likes Marco because he is her type. She's just hoping na sana ay magkasundo at eventually maging magkaibigan yung dalawa.

Nasa loob na sila ng departure area at palinga-linga na siya kung nasaan si Trina. Sabi kasi nito ay nasa loob na ito ng departure area.

"Kath!"

Sabay silang napalingon sa gawi ni Trina ng marinig nila ang malakas na boses nito.

Nakita niya ito na nakaupo sa isang coffee shop at kasalukuyang kumakaway sa kanila.

"Trins!" kinawayan rin nuya ito at nagsimula na siyang maglakad papunta rito.

Kasunod niya naman sina DJ at Marco na mukhang may pinag-uusapan.

"Kanina ka pa?" turan agad niya sa kaibigan niya ng nakalapit na siya rito.

Nakita niya agad ang pamumula ni Trina ng dumako ang tingin nito kay Marco na ngayon ay nakatitig na rin rito.

Shit! Trins wag kang obvious..!

Dahil sa parang natuliro na ang kaibigan niya kaya natameme ito ay minabuti niyang ipakilala na lang ito kina DJ at Marco.

"Ahmmm, DJ, Marco, this is my bestfriend, Trina."

Nilingon niya sina DJ at Marco habang si Trina naman ay nakanganga lang.

"Hi, Trina. I'm DJ, Kath's fianće." pakilala ni DJ at naglahad ito ng kamay sa kaibigan niya.

Nang nakabawi si Trina ay agad naman nitong tinanggap ang kamay ni DJ.

"H-hi! Nice to finally meet you, DJ!" kinakabahang sabi ni Trina.

Gusto na talaga niyang hayagang matawa sa expression ng bestfriend nya. This is the first time that she saw Trina na ganito katuliro.

"And I'm Marco." nakangising turan ni Marco kay Trina.

Mas lalo tuloy na namula si Trina at napakagat na lang ito ng labi niya.

"Hi Marco!"

At kita niya ang panginginig ng kamay ni Trina ng si Marco na mismo ang kumuha sa kamay nito dahil starstruck pa rin ang kaibigan niya na makita ang crush nito at nasa mismong harapan nya.

"Trins, obvious ka teh!..." bulong niya sa kaibigan.

Sinadya niya talagang yakapin ito para mabulungan niya ito ng hindi naririnig nina DJ at Marco.

Destined to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon