"Hindi ah!" Namula si Maine sa tinuran ng kaibigan at siniko muli ang humahagikhik na RJ. "Hindi ko lang napansin kasi nagkwekwentuhan kami."

"Ah, nagkwekwentuhaaaan," Aaron nodded. "Madalas din naming ginagawa yan ng hon ko, di ba hon?"

"Nagkwekwentuhan naman pala eh," Jordan smirked and covered his chuckle with a laugh. Jerald didn't bother hiding his.

Mas lalong namula si Maine and she stiffened slightly when she felt RJ's fingers at the small of her back. "Wag mo na lang pansinin yang mga 'yan."

"Menggay? Ikaw na ba 'yan, hija?"

Natigilan ang kalokohan ng lahat nang dumating na si Lola Doray na may dala-dalang bayong. Nagningning ang mata ni Maine at agad na nagmano sa Lola.

"Lolaaa! Ang tagal na nating 'di nagkita! Namiss ko po kayo!"

Niyakap agad ni Maine ang Lola. "Ang laki laki mo na. Ang ganda-ganda mo rin, manang-mana ka sa'kin."

"Syempre naman, 'la. Si Tita Tabs po asan?" Maine laughed and pulled away from the hug.

"May pinaasikaso ako, sa makalawa pa balik." Lola Doray patted her arm and glanced at RJ who stood behind her.

"Oh? Nobyo mo ba 'to, hija?"

"Ha? La, hindi po! Hindi mo naaalala? Si RJ yan."

"Mano po, Lola Dors," ngiti ni RJ, sabay nagmano na rin.

"Naaalala siyempre! Eh siya lang naman kasa-kasama ko dito nung nawala ka eh." Maine blinked in confusion at that, glancing at RJ who wasn't looking at her but his ears tinged red. "Apo, kamusta na? Palagi kitang pinapanood sa TV, sa Sunday Saya-Saya ba 'yun?"

"Sunday Pinasaya po. Opo, mabuti naman ako."

"Lalo kang gumwapo ngayon! Kaya lang nadalang pagbisita mo dito."

"Pasensya na po, naging busy po kasi."

"Ah, siya, bakit nga pala kayo nahuli, ha? Nagulat ako't nauna pa ng dating ang mga kaibigan niyo!"

"Dumaan po kasi kami kina RJ, 'la," Maine explained. "Bumati lang kami sa pamilya niya."

"Ah, ganon ba?" Then she eyed RJ, giving him a lengthy once-over. "Nanliligaw ka na ba sa apo ko?"

Maine choked on air and turned her reddening face away, walking over to Patricia who patted her back comfortingly. "La naman!"

"Aba, bakit? Maganda ka naman, bagay naman gwapo sa'yo."

"Hindi pa po, La," RJ smiled charmingly at Maine's grandmother. Patricia and Valeen glanced at each other at halos sabay nilang siniko si Maine, na nanatiling nakayuko ngunit hindi mapagkakailang nakangiti.

"Ah, ganon? Bilis-bilisan mo, baka matakasan ka na naman niyang si Menggay."

"Ay, wag po kayong mag-alala, Lola," RJ looked up, making sure Maine was looking at him while he answered. "Wala po akong balak alisin siya sa paningin ko."

***

"Oh, nakasimangot ka diyan?" Tanong ni Maine kay Valeen habang nagtutuyo ito ng buhok, sabay upo sa kama niya kung saan nakaupo rin si Valeen.

It was after hours already. Nakapaghapunan na ang lahat at mamamahinga na lang. Maagang natulog si Lola Doray, kaya sina Maine na rin ang nagligpit ng pinagkainan. Hinihintay na lang nila na bumalik si Patricia mula sa pagkuha nito ng tubig, at si Tori na kausap pa ni Aaron sa labas.

"Mali 'yung pinadalang lugar ni Jaq. Batangas kasi, hindi Laguna. Hanep na 'yan."

"Batangas lang pala eh, kulang-kulang isang oras na drive lang 'yun. Ano pang pinoproblema mo?"

Melodious Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum