"Do I have something in my face?" Tanung nya.

"Huh?"

"Y-your staring at me."

"Ay sorry! Kamuka mo kasi si----"

"Mark Keifer Watson."

Napatigil ako. Kilala nya si Keifer? Ay kapatid nya to! Pupusta ako mga bente singco centimo.

"Kapatid mo sya?" Tanung ko.

Ngumiti sya sakin at nag-nod. "Younger brother."

Ay ang galing! May kapatid ang Kumag na yun. Tinignan ko pa ulit sya, dahilan para mailang na sya.

"P-please don't do that." Paki-usap nya

"Sorry... I just can't believe that Keifer has a younger brother."

He chuckled. "Yan ang lagi nila sinasabi. Yung mga classmate ni Kuya."

Classmate ni Kuya? Classmate ni Kuya... Classmate----si Felix!

"Ay! Kailangan ko ng umalis!" Sabi ko sa kanya at nagpaunang bumaba ng hagdan.

Asan ang exit?!

Sa taranta ko hindi na ko naka-alis sa pwesto ko at niligid ko ang paningin ko. Kayalang hindi ko pa rin makita ang exit.

Kailangan kong puntahan si Felix. Baka napano na sya, baka nilumpo na sya nung mga ka-team nya na kuwaring masaya na nakabalik sya.

Mag animal yung mga yun!

"Miss..." Tawag sakin ulit nung kapatid ni Keifer at lumapit sya. "...If you're looking for my brother and your friends they are all in the basement." Sabi nya at naglakad palayo.

Sumunod naman ako sa kanya. Baka andito din si Felix.

Pero teka nga! Kung kapatid ni Keifer itong sinusundan ko, ibig sabihin andito ako sa bahay nila Keifer?!

Holy shit! Ngayon ko lang naisip!

"I'm Keigan, you are?" Tanung nya sakin habang patuloy kami sa paglalakad.

"Jasper Jean... Jay-jay nalang."

"Nice name..."

Nagpatulog kami sa paglalakad at nakarating kami sa hagdan ulit na pababa. Hindi nga lang sing-bongga ng hagdan kanina.

Pagbaba namin, panibagong hallway na naman. Pero agad kaming huminto sa unang pinto na nakita namin.

Kumatok muna si Keigan bago buksan ang pinto. Pagbukas, bumungad kagad sakin ang billiard table at si Ci-N na akmang ihahampas ang tako kay Eren.

"Jay!" Tawag sakin ni Ci-N at binitawan ang hawak.

Hinayaan ako ni Keigan na makapasok sa loob. Niligid ko agad yung mata ko at nakita ko si Felix na nakahiga sa sofa.

Lumapit ako agad sa kanya.

"Felix!" Tawag ko at pinagmasdang ang muka nya.

Namamaga ang isang mata nya, tadtad ng sugat at pasa ang muka. Pati katawan nya mukang may tama din.

Unti-unti nyang dinilat ang mata nya.

"Hi Jay..." Sabi nya na halos pabulong.

"Anong nangyari? Bakit nila ginawa sayo to?"

"Oh!" Singit ng kung sino habang pilit inaabot ang ice bag kay Felix.

Kinuha ni Felix yun at tinignan ko kung sino yung nag-abot sa kanya. Si Keifer kumag.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon