Ikadalawampung Kabanata

14K 428 82
                                    

Wala ng hihirit. Last ud for today! Bawal ma stress si Author! Grabe nakadalawa na kayo ha!

~

Ito na ata ang pinakamatagal na oras ng buhay ko. Ang maghintay na gumabi.

Napakislot ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Iniluwa non ang ate kong magandang maganda sa kanyang gown.

"Hi my dear sister. Kawawa ka naman. Nabuburo ka na ba dito sa kwarto mo? Alam mo ba kung saan kami pupunta? Sa Steeve Hotel lang naman. Gala Night kasi nila. Makikita ko naman si Aaron ko.Usap usapan na may malaking announcement daw siyang sasabihin sa lahat. Naku excited na ako. Sisiguraduhin kong mapapasa akin siya tonight",masayang sabi ng kapatid

Hmp!

Hindi ko nalang din siya pinatulan hanggang sa tinawag na ito ng ama na aalis na raw sila.

"Umayos ka jan Barbie! Hindi pa tayo tapos! Pasalamat ka at aalis ako ngayon. Bukas na bukas din ay aasikasuhin ko ang Annulment Papers niyo ng Walang Bayag na Asawa mo! Pwe!"

"Bye sis"

Pagkasara ng pinto ay agad kung nilabas  ang maleta ko at naglagay ng aking mga gamit.

Hindi ko nalang papalitan ang pantulog ko.

Nakapajama kasi ako na terno. Hello kitty pa ang design. Isinuot ko narin ang ang tsinelas kong hello kitty rin ang design.

Walang aangal! Sa paborito ko ang Hello

Hindi naman nagtagal ay bumukas na ang pinto.

"Barbie dali tulog na silang lahat!",tawag ni Mara.

"Waahh ang galing naman! Paano mo ginawa yun?"

"Pinainom ko sila ng juice na may pampatulog. Mag-iingat ka ha?"

"Salamat ate Mara"

"Mamimiss kita",naiiyak na paalam nito.

"Ako din po"

Agad na siyang sumakay sa naghihintay na taxi doon.

"Kuya sa Steeve Hotel po"

~

"What?! Where the hell did she go?!", galit na galit na sita ni Aaron sa inutusan niyang sumundo sa asawa.

"Sabi po ng katulong sir umalis na po eh at hindi na raw po siya babalik dahil makikipagtanan nga raw po"

"Put*ng*na! Hanapin niyo!",galit na galit na sigaw niya. Agad namang nagsialisan ang mga dalawang tauhan na inutusan.

Akmang aalis na rin siya para hanapin ang asawa ng tawagin siya ni Mr. Tuazon.

Shit!

Nasa Hotel na siya kung saan gaganapin ang Gala. He's planning to tell everyone about their marriage. Supresa niya dapat iyon kaso mukhang siya ata ang nasurpresa.

"Mr. Aaron Steeve. Congrats napahanga mo kami. You nailed it! In just several months ay napataas mo na ang sale ng SC! No doubt nagmana ka talaga sa ama mo.",proud na proud na wika nito.

Isa ito sa mga investors ng SC. Shit! Putragis na matanda ito! Daldal!

"Thank you Mr. Tuazon."

Nang iwan siya ng matanda ay marami pang nagdagsaan na ibat ibang businessmen para siya makausap. Tangna! Kung bumubuga lang siya ng usok ay kanina niya pa sila sinunog!

"Aaron honey! Sayaw naman tayo!",sabi ng isang babae na pamilyar ang mukha. Agad itong kumapit sa akin at dinikit ang katawan.

"Go away",asik ko rito

The Devil's Secret Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon