"Kung wala ka nang sasabihin, umalis ka na. Pero sa oras na umalis ka sa kinatatayuan mo ngayon, 'wag na wag mo na akong kakausapin. Kahit.. Kailan." Matigas niyang sabi sa akin na para bang anumang oras, sasabog siya sa galit.

"Sorry." Sa paglakad ko palayo sa kaniya, ay kasabay nang mabilis na pagtulo ng luha ko.

Ayokong makita niya na nasasaktan ako, dahil wala akong karapatang masaktan.

Gusto kong suntukin ang sarili ko, dahil 'yon lang ang lumabas sa bibig ko. Gusto ko siyang hagkan, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ang daming bagay pa ang gusto kong gawin kasama siya. Ang dami ko pa dapat sasabihin sa kaniya, pero dahil lang sa p*tanginang kaduwagan ko, nawala na lahat.

Natatakot ako na malaman niyang mahal na mahal ko siya. Natatakot akong malaman niya na siya ang buhay ko. Na naka-depende sa kaniya ang kasiyahan ko.

Na-iwan ko siyang naka-upo sa sahig habang naka-yuko. Tumigil na din sa pag-patak ang mga luha ko. Nagtago ako sa likod ng mga puno para bantayan siya hanggang sa tumila ang ulan. Sampung minuto ko na siyang binabantayan nang lumapit sakaniya si Jaeo.

Pinahid ko ang mga luhang pumapatak parin. Agad akong umalis at pumunta nalang sa sasakyan ko. Alam ko naman na hindi siya pababayaan ni Jaeo.

Nagmadali akong sumakas sa kotse ko at pinaharurot ito nang mabilis.

---------

Clare

Pagka-tapos kong sabihin ang lahat ng nasa puso ko--- actually, kulang pa ang mga iyon, pero umalis siya. Bakit? Dahil nandidiri na siya sa ka-dramahan ko? Tang*na

Bakit kung sino pa 'yung taong mahal mo, sila pa 'yung kayang manakit sa'yo nang sobra-sobra?

Ilang minuto na din nang umalis siya para siguro balikan niya si Shannen at makipaghalikan at harutan kasama siya. Kahit isipin ko lang na magkasama sila sa isang lugar, nadudurog nang sobra ang puso ko.

Lumingon ako sa paligid. Tumigil na ang ulan.

There's always a rainbow after the rain...--- Nasaan ang rainbow na sinasabi nila? walang rainbow sa mga taong nasasaktan. Walang rainbow sa mga taong kahit wala ng ulan, nababasa parin sa sakit at pighati.

---------

"Evi." Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Jaeo na mukhang alalang-alala sa akin. Tinanong niya ako kung okay lang ba ako habang ina-ayos ang buhok kong nakaharang sa mukha ko nang dahil sa ulan.

Ang pinaka mahirap ang tumango, kahit durog na durog na ang puso mo, pero nagawa ko.Tumango ako, kahit alam ng Diyos kung gaano ka-wasak ang puso ko.

Kasi minsan, gusto mo nalang sabihin sa lahat na ayos ka lang. Hindi dahil gusto mo lang mag-sinungaling, kun'di masyado kang pagod para sabihin na hindi ka okay masyado kang pagod para i-explain kung bakit ka umiiyak. Masyado kang pagod na i-kwento lahat ng dahilan ng sakit.

Takot kasi tayo, eh. Takot tayo na masabihang 'ma-drama' at 'oa'. Takot tayong masaktan lalo sa mga sasabihin nila lalo na kapag nasanay sila na masaya tayo lagi, nakakatakot nang maging sensitive.

Gusto mo ng comfort, pero takot mong sabihin na hindi ka okay. 'Yung gusto mo, sila mismo ang maka-alam na hindi ka okay at hindi mo kailangan ng payo, instead, kailangan mo ay isang yakap.

Hindi na lang ako nag-salita at nag-paalam na uuwi na. Nag-alok pa siya na ihatid ako, ngunit todo tanggi ako. Nagpa-pasalamat ako na may kaibigan ako na handang tumulong sa'kin.

Pero kahit na may mga taong nand'yan para sa'yo, minsan gusto natin na mapag-isa.

-----

Umalis na ako sa hallway at naglakad sa napaka lapit na parking lot, nang mahagip ng paningin ko si Irvin na naka-upo sa hood ng kotse.

Nang nakita niya ako ay biglang lumamig ang ekspresyon niya at bumaba sa kotse at agad na sumakay nang i-unlock ko ang kotse.

Lalo akong nasaktan na imbes na sa harapan siya sumakay katabi ako, sa likod siya sumakay. Nagbabadya na namang tumulo ang luha ko, pero pinigilan ko. I don't want to show how vulnerable I am to my brother. Na matapos ko siyang mapag-sabihan ng masasakit na bagay, para lang ipag-tanggol ang lalaking 'yon, iiyak ako, dahil napatunayan kong totoo ang mga sinabi niya?

Nananalangin ako ngayon na sana hindi niya malaman 'yung nangyaring eksena kanina. Kung hindi, lalo ako nitong hindi kakausapin.

Natulog si Irvin, kaya malaya akong naka-iyak.

---------

"Irvin..." Nasa bahay na kami at hanggang ngayon ay tulog parin siya.

Tinapik ko ang braso niya at nagising naman siya. Agad siyang nagmulat at walang anu-ano'y bumaba ng sasakyan.

Nasa kuwarto na ako ngayon habang nanonood ng mga funny videos, pero kahit ngisi, hindi ko magawa. Ganito ba talaga ako kalungkot?

Na kahit sa nak-katawang bagay, hindi ako maka-ngiti?

Nabalitaan ni besty ang nangyari sa aki at tinatanong kung okay lang ako.

Again, I said yes.

Alam kong hindi siya maniniwala, pero wala akong lakas para mag-kwento. Oo, wala talga akong kwenta. Mapa-kaibigan, anak, kapatid--- lahat.

Hindi na ako bumaba para sa pagkain. Hindi ako makagalaw ng maayos, dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi pa din kami maayos ni Irvin.
Hindi niya parin ako kinikibo. Ang lamig parin ng pakikitungo niya sa akin.

Sana naman ay hindi niya pa alam na niloko lang ako ni Blue. Baka kasi anumang oras, sugurin ng kapatid ko si Blue.

Kumatok si Mommy, pero sinabi ko nalang na pagod ako. Pero ang totoo, ayaw kong makita nila ang mga maga kong mata, dahil sa luhang kanina pa pumapatak---umaagos.

Napagdesisyunan kong hindi ako papasok bukas. Sasabihin ko nalang na masakit ang ulo ko. Mas maganda na dito lang ako sa bahay, kaysa sa mapag-usapan sa school at makita ang mga taong ayokong makita.

----------

Nakatulog ako sa kaiiyak. Hindi ako kumain---hindi ako maka-kain. Hindi rin ako nakakaramdam ng gutom. Siguro ay dahil sa sobrang pag-iisip sa iba't ibang klase ng bagay.

Tanghalian na nang magising ako. Alas-dose na. Tumayo na ako at nag-hilamos, pero hindi ako bumaba para kumain. Kung kagabi ay pula lang ang mga mata ko, ngayon naman ay parang nasuntok, dahil sobrang maga ng mga ito.

Hindi ko alam kung anong meron kay Mommy, pero imbes na sigawan at kalabugin ang kwarto ko ay mahinang katok ang narinig ko at pagbukas ko ng pinto, may pagkain na naghihintay sa akin na may note pa na nakadikit sa baso ng gatas.

"Anak, I'm always here for you. -mom"

Again, tears consumed me as I eat the food my mom brought.

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Where stories live. Discover now