"Aba malay ko, si Jin ang kasama niya buong gabi at madaling araw, baka nahawa na sa papa niya." Sabi niya at parehas kaming napahagalpak ng tawa at nag-apir.

"Lakas mang-backstab ng kambal na 'to." Sabi ni kuya Jonas pero humagalpak din naman siya ng tawa hanggang sa nakumpleto na kaming magkakapatid dito sa sala.

"Nangangalay na ko, pano ba magpatulog ng baby?" Tanong ko at nilabas agad ni kuya Trace ang isang notebook na may titolo na "How To Tame Ezra Akihiro." At napatawa na naman ako.

"Sabog 'tong isang 'to ngayon." Natatawang sabi ni kuya Miere at tumawa na naman ako.

"Tumahimik tayo tas magplay tayo ng lullaby. Kailangan ng kumain nung isa dyan." Sabi ni kuya Trace at tinignan ako at natawa na naman ako. Hindi ko alam pero ang ganda ng mood ko ngayon kahit nabanas ako kay Hiro kanina pagkagising ko.

Natahimik na kami at nagpatugtog naman si kuya Jin ng pangbatang kanta at maya-maya pa ay naramdaman kong lumuwag na ang kapit sa 'kin ni Hiro hanggang sa makatulog na siya nang tuluyan.

Bumukas ang pintuan at inuluwa non sila mama, Sr. Matt, at nanay Corazon pati na rin si tatay Ben ang asawa niya.

"Oh? Nakatulog ang bata batuta?" Mahinang tanong ni mama at tumango kami sa kanya.

"May kailangan ba kayong gawin? Ako na bahala dito kay Hiro." Sabi ni nanay Cora at tumayo na kami at dumiretso sa may pool area.

"Ano meron? Fiesta ba?" Tanong ko sa kanila sa dami ng pagkain dito sa may pool area.

"Wala, trip ko lang maghanda." Natatawang sabi ni kuya Jin at napairap ako sa kanya at kumuha na ng pagkain.

"Sabi nila, isang linggo lang daw sila dito." Sabi ni kuya Miere at nanglaki ang mga mata ko.

"Bakit daw?" Sabay-sabay naming tanong.

"May kailangan ata silang gawin don sa Canada." Sabi niya at napangiti ako.

"Free ulit tayo, omg." Sabi ko at uminom ng tubig dahil nabulunan ako sa sinabi ni kuya Miere.

"Di mo sila mami-miss?" Tanong ni Blake sa 'kin at napangiwi ako.

"What's there to miss." Sabi ko at bumalik na kami sa pagkain.

"Eh teka, pano mo nalaman yan?" Takang tanong ni kuya Trace.

"Narinig ko lang silang nag-uusap kagabi sa garden." Sagot ni kuya Miere at ipinagpatuloy 'yung pagkain niya.

"Eh kelan mo balak sagutin si Kris?" Tanong ni kuya Miere at nabuga ko talaga yung kinakain kong barbecue.

"Ano ba!" Sigaw niya sakin at nagpahid ng tissue.

"Mga tanungan mo naman kasi, Miere." Natatawang sabi ni kuya Trace.

"Tigilan niyo na nga yung tao." Sabi ko sa kanila at nagkatinginan sila.

"Ba't ang protective mo?" Natatawang sabi ni kuya Jonas.

"Hindi ako protective, nadadamay kasi yung tao sa pagiging abnormal niyo." Sabi ko sa kanila.

"Okay lang naman sa kanya. Saka kung ma-develop kayo sa isa't isa edi ituloy niyo. Thank me later." Sabi ni kuya Miere at inirapan ko naman siya.

"Eh pano ako? Pano kung hindi okay sakin?" Tanong ko sa kanya.

"Wala akong pake sa'yo." Sagot niya at binuhusan ko siya ng suka sa mukha.

"I hate you." Sabay naming sabi at tumayo siya para maghugas ng mukha at ako naman ay ipinagpatuloy ko 'yung pagkain ko.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanila. Napaka abnormal nilang mag-isip. Nang damay pa ng ibang tao sa kalokohan nila.

"Ewan ko sa inyo." Sabi ko at nagpatuloy na kami sa pagkain.

"Mga brad." Sabi ng humihikbi na si Blake at pagtingin ko sa kanya ay sobrang pula na niya at naiiyak na talaga siya.

"Anong nangyare sa'yo?!" Sabi naming lahat at lalo siyang naiyak sa pagtawa namin sa kanya.

"Nakalimutan kong may allergy ako sa hipon." Sabi niya at napatingin kami sa pinggan niya na puno ng hipon at lalong napalakas ang tawa namin.

"Katangahan mo kasi!" Tumatawang sabi ni kuya Miere at tumawa na naman kami.

"Anong kailangan na gamot dyan sa allergy mo?" Tanong ko habang tumatayo at umiinom ng coke para makuha ko na siya ng gamot niya.

Kahit naman kupal yan at deserve niya kung ano ang nangyayari sa kanya ngayon, kailangan ko pa rin siya bigyan ng gamot dahil kakambal ko siya. At mahirap mang aminin but yes, it's hard without Blake.

"Kisspirin at yakapsul." Sabi niya at uminom ng tubig na inabot sa kanya nila kuya.

"Kulang pa, tubig." Sabi ni kuya Jonas at binuhusan sa mukha ng tubig si Blake at binato naman niya si kuya Jonas nung tinidor pero nasalo naman yun kaagad ni kuya.

Naghugas ako ng kamay at kinuha iyong phone ko para papuntahin dito si Brigitte at Delanxe.

"Pinapunta ko yung dalawa ha." Sabi ko at bumalik sa pagkain.

"Pinapunta ko rin yung isa." Makahulugang sabi ni kuya Miere at kilala ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.

Not again.

I Know Places (COMPLETED)Where stories live. Discover now