"Will I see you tonight?" He asked.

"You will. I just have to deal with some appointments. May pictorial din kasi ako."

"Alright. I will miss you, Pangga." Kinindtan niya ako saka umalis na. Inayos ko naman muna ang mga gamit niya bago ako umalis din ng condo unit niya. Wala na ang sasakyan ni Hyron nang magpunta ako sa parking lot. Inaasahan ko na rin kasi na babalikan ako ni Eos Demitri at hindi nga ako nagkamali. Ngayon ko pinagsisihan ang mga desisyon ko noon – kung bakit tinaggap ko ang tulong na ibinibigay niya – kung bakit sumama ako sa bahay niya – kung bakit hinayaan ko siyang pumasok sa buhay ko.

Pakiramdam ko ay isinanla ko ang kaluluwa ko sa demonyo.

Pinalibutan ako ng mga tauhan niya. Hindi naman nagtagal ay pumarada sa harapan ko ang kotse niya. I stood still. Wala akong dapat katakutan.

"Hello, Lualhati." He smiled at me.

"Hi din naman, Epal." I said. Natawa siya.

"Tumaob ang Bangka. Sumama ka na naman sa kanya. They will never approve of you." I rolled my eyes. Matagal at maraming beses ko nang naririnig ang bagay na ito. Noon ay pinanghihinaan ako ng loob pero ngayon, wala na lang sa akin ang mga sinasabi niya.

"Wala bang bago?" I asked him.

"I will kill, Hyron." Seryosong sabi niya.

"O, tapos?" I sighed. "Alam mo Eos, tawagan mo ako kapag may iba ka nang ibabanta sa akin na matatakot talaga ako." Sabi ko sa kanya. Nilagpasan ko siya at sumakay sa unang taxi na huminto sa harapan ko. Umuwi ako sa hotel kung saan ako naka-stay. Pagdating ko roon ay sinalubong kaagad ako ng kapatid ko. Sa couch na nga yata siya natulog.

"Ate, saan ka galing?"

"Tumawag na ba iyong ka-meeting natin ngayon?" I asked her.

"Hindi pa. Kumain ka na ba? Mag-ayos ka na kaya para hindi tayo ma-late. Traffic pa naman. Saan ka ba kasi galing?" She asked again. Naupo ako sa couch kung nasaan siya at saka ngumiti.

Ngayon lang ako nakakangiti nang ganito. Kanina kasi ay may halong takot at kaba talaga.

"Kasama ko si Hyron buong gabi." Pag-amin ko. Nanlaki ang mga mata ng kapatid ko.

"As in si Kuya Dante?! Nagkabalikan na kayo? Paano na si Eos? Akala ko talaga kayong dalawa!"

"Hindi..." I smiled again. "Kasama ko si Hyron..." I sighed again. "Magkasama kami and it feels damn good."

*******

"You missed me?"

Tumawa ako pagpasok ni Junko sa opisina ko. I was sitting in my swivel chair while looking at the view of the thirty-second floor of my office. Ngising-ngisi na ako.

"How's Nigeria, Junks?" I asked her.

"Mainit pero maganda. Next time sa Cambodia ako pupunta. Why are you smiling like that?" Tanong niya. Kung meron mang makakapuna ng kakaibang saya ko, si Hyan iyon o kaya man si Junko pero dahil nauna kong nakita si Junko ay tama talaga ang hula niya.

"I am with Lualhati again. This time it's for real." Sabi ko sa kanya. Naupo siya sa gilid ng mesa ko tapos ay tumawa

"Dapat naman, Hyron. Ang tagal na! Ilang chicken joy na ang kinain natin pero hindi pa rin napapasa'yo ang joy na hinahanap mo, at least now, you are one step closer, Hyron. And I am really happy for you." Sabi niya. Dama ko naman ang sensiredad sa boses niya. Tumayo ako para yakapin siya nang mahigpit but then the hug was cut too short because my office door opened at iniluwa niyon si Hyan – ang kakambal ko at si Hunter na kunot na naman ang noo.


Dala ni Hyan ang pamangkin naming si Louise.

"Oh, Hello, Junko." Bati ni Hyan. Bumaling siya sa akin. "You look extra happy." Sabi niya sa akin. Junko laughed. Hinampas niya ang balikat ko.

"Anyway, iiwan ko si Louise dito dahil pupunta kami ni Abel sa ospital for his general check-up kayo na muna ni Junko ang bahala sa anak ko, please lang, Hyron, 'wag mo siyang bigyan ng chocolates! Hindi siya makakatulog kaagad!"

Si Hunter ay ganoon na lang ang sama ng tingin sa akin. I just shook my head. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya ako napapatawad sa nangyari sa amin at sa pamilya ko. It's been a long time at naka-move on na ang lahat. Siya na lang yata ang hindi.

Dumaan ang araw na si Louise ang kasama ko sa opisina. Bukas pa daw ang balik ni Hyan at ni Abel. Iniisip ko kung iuuwi ko ba si Louise sa bahay nila Mama o iuuwi ko siya sa unit ko. Tutal naroon naman si Lualhati – but then I choose the latter. Umuwi ako sa unit ko tapos ako na rin ang nagluto dahil pagdating ko roon ay wala naman siya.

Alas siete nang gabi nang dumati ng si Lualhati. She looked tired. Pinagmamasdan ko lang siya habang natayo ako sa bar. I used to spend my nights just staring at her while she sleeps beside me.

Malaki na ang ipinabago niya. Wala na ang babaeng nakilala ko noon sa aplaya. All that was left was her face, her built pero hindi ko rin maitatanggi na may pagbabago sa ugali niya. She's bolder now, mas confident, she's everything a woman should be and I don't know if I should be thanking Eos Demitri for that...

She made Lualhati this... but I still hate her dahil kinuha niya sa akin si Lualhati nang napakatagal na panahon.

Natigilan siya nang mapansin niya si Louise na nakaupo sa couch ko at nakatingin sa kanya.

"Hey there little guy!" She smiled. "Anong pangalan mo?"

"Louise po. Ikaw? Girlfriend ka ni Uncle Daddy?" Tanong ng pamangkin ko.

"Parang ganoon na nga." Humagikgik siya. I was wrong. Naroon pa rin ang mapaglarong si Lualhati. Lahat ay pisikal na pagbabago lamang, pero hindi ang ugali niya.

Noon ako lumabas na may dalang isang basong tubig at ibinigay kay Louise. Hinagkan ko si Lualhati sa pisngi tapos ay yumakap siya sa akin.

"May bubwit pala dito! Anak ng kakambal mo?"

"Yup! Isipin mo, baling araw magkakaganyan din tayo." Namula ang mukha niya.

"Hyron ha, 'wag dito, may bata. Sira ulo ka." Binatukan niya ako. Muli ko naman siyang hinalikan.

"Nagluto ako pero tumawag na si Mama, kailangan kong ihatid si Louise sa mansion." Noon ako humawak sa kamay niya. "Isasama kita."

Matagal kaming nagtitigan. Sa tingin ko naman ay naintindihan niya ang sinabi niya sa akin. But then Lualhati smiled back and nodded at me. Kinuha niya ang bag niya at sumama sa amin ni Louise.

Aaminin kong kabado ako habang nagmamaneho papunta sa mansion ng mga magulang ko. Iniisip ko nab aka magkagulo, but then if they love me, they will love the woman I love.

When we got there, si Louise ang kauna-unahang bumaba ng sasakyan at tumakbo papasok sa bahay. Hawak ko ang kamay ni Hati. Naramdaman kong nanginginig siya habang papasok kaming dalawa.


Si Haley ang una kong nadatnan. Pababa siya ng hagdanan at natigilan nang makita ako. Si Hunter naman ay tiningnan si Lualhati mula ulo hanggang paa tapos ay umiling na tila ba may ibig siyang sabihin. Pero wala akog pakialam. Hinatak ko siya papunta sa silid ng mga magulang ko sa itaas.

My mother seemed appalled when she saw me with Hati. Si Daddy naman ay nakatayo sa may bintana at karga ang apo niya.

"Ma, Dad, this is Lualhati Serena, I am in love with her. Siya ang babaeng mahal ko, mamahalin ko at pakamamahalin ko sa buong buhay ko. I plan on making her one of us by marrying her. I've marked her, I've sealed her. She is mine as I was hers."

Walang nang atrasan. Paninindigan ko na ito. 

The way I wasWhere stories live. Discover now