11. Bad news

71.2K 2.5K 98
                                    

"Saan tayo pupunta, Hyron?"

Ngumiti siya sa akin na para bang ito na ang katapusan ng lahat. Magkasama na kami ngayon. Wala naman na akong dahilan para tumanggi. Tama siya, sa kabila nang lahat ng ito y siya pa rin naman ang mahal ko at mahal niya pa rin ako. Hindi ko na kailangan pahirapan ang sarili ko pati na rin siya. Gusto ko na lang din namang sumaya.

Mas nanaiig pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya kong kalimutan ang sakit na naramdaman ko. Mahaba pa ang buhay pwede ko pang kilalanin si Hyron Demitri. Hindi mahalaga kung anong kulay ng mga mata niya, basta siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Tumingin siya sa akin.

"Ilalayo kita, pero pansamantala lang. Pagbalik natin ihaharap kita sa mga magulang ko."

Masaya ako sa aking narinig pero napalitan ng pag-aalala iyon. Binitiwan ko ang kamay niya.

"Hindi ako pwedeng lumayo, Hyron."

"At bakit?" Inihinto niya ang sasakyan. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Nasa siyudad pa naman kami pero palabas na ang tungo namin. "Ang akala ko ba sasama ka na sa akin? Ang akala ko ba ako na ang pinili mo? You said if I love you, I should be the only choice I have to make and I'm choosing you, Hati. What the hell is the problem?"

Tiningnan ko siya nang mata sa mata.

"Naaksidente ang Tatay ko. Nasa ospital siya at kailangan niya ako ngayon." Mariin ang pagkakasabi ko ng mga salitang iyon. Nabago ang hitsura ni Hyron. Para bang may bigla siyang naisip. Naikuyom niya ang kanyang mga palad.

"Nasaan siya?"

"Sa St. Michael General Hospital."

Pagkasabi ko niyon ay ibinalik ni Hyron ang kotse kung saan, hindi naman nagtagal ay narating namin ang ospital. Magkahawak kamay kaming tumungo sa ICU kung saan naroon si Lila na nagbabantay kay Tatay. Nang makita niya kami ay napatayo siya at napangiti kahit na punong-puno nang pagtataka ang kanyang mga mata.

"Ate?"

Ngumiti ako.

"Lila, siya si---"

"Kuya Dante, buti at nadalaw mo si Tatay." Ngumiti lang si Hyron.

"Nasaan ang doctor? Anong nangyari sa kanya?" Binalingan niya ako. Kinakabahan man ay ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari. Kung paanong naaksidente si Tatay, kung paano naitawag sa akin ng mga pulis ang nangyari at kung ano ang sinabi sa kanya ng mga doctor. Mataman naman siyang nakinig sa akin. Sa lahat nang pagkakataong iyon ay hindi niya binibitiwan ang kamay ko. Hindi niya ipinadarama sa akin na nag-iisa ako.

"Ililipat natin ng ospital ngayon ang tatay ninyo. I'll just make some calls. I promise you, Lualhati, from here now, things will be so much better." Hinagkan niya ang noo ko at saka umalis. Sinundan ko lang naman siya ng tingin.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Somehow, the hole in my heart felt like it was filled. Nalulungkot pa rin ako pero naniniwala na ako sa ngayon na mas magiging maayos na ang lahat.

Ilang oras lang kaming naghintay doon. Bumalik si Hyron na may kasama nang mga nurses at dalawang doctor. Nakipag-usap sila sa mga doctor ni Tatay. May mga inayos na papel lamang ngunit pagkalipas ng ilang sandali ay inilabas na si Tatay sa ICU. Pinirmahan ko ang waiver na nagsasabi na kung anuman ang mangyari ay hindi sagot ng ospital na iyon.

Hyron reassured me that everything will be okay and just like always, I trust him. Ibibigay ko sa kanya ang buong buhay ko, masasaktan ako ngunit alam kong hindi niya ako pababayaan.

Dinala si Tatay sa Varess Medical City. Muli siyang inilagay sa ICU. He made sure that Tatay will be taken cared of well. Nang maayos na si Tatay sa ICU ay saka lang ako nakahinga nang maluwag.

The way I wasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon