7. Crossroads

88.2K 2.7K 441
                                    

"Hati may naghahanap sa'yo!"

Alas siyete nang umaga nang gisingin ako ni Kimberly dahil nga may naghahanap sa akin. Hindi ako agad dumilat dahil baka mahalata niyang mugto pa rin ang mga mata ko dahil sa gabi-gabing pag-iyak mula nang huli kong makausap si Dan-Hyron Demitri. May parte sa akin na iniisip na sana'y puntahan niya ako para muli ko siyang makausap. Hindi ko pa rin kasi nasasabi sa kanya ang lahat. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko pa rin siya – ang kaso nga lang hindi ko makalimutan ang pagsisinungaling niya.

Siguro ay magmumukha akong sirang plaka sa kakasabi niyon sa kanya.

Napilitan akong bumangon nang yugyugin ni Kimberly ang balikat ko.

"Hati, h'wag mong itago sa akin ang mga mata mo. Alam kong miiyak ka. Dalawang linggo ka nang gabi-gabing tumatangis diyan sa ilalim. Hello, iyong jugjugan ka namin ng syota ko dama mo, iyon pa kayang iyak mo? Hala! Bumangon ka at may nag-aabang sa'yo!"

Bumaba ako mula sa kama at nagdiretso sa banyo sa labas. Katatapos lang maligo ni Joshua – iyong bagong head waiter namin at nakasalubong ko siya doon. Nakatapis siya ng tuwalya. Hinarang niya pa nga ako na tila ba balak niyang magtagal para makita ko ang katawan niya. Hindi ko naman siya tiningnan.

Pumasok na lang ako sa banyo at naghimalos, sepilyo tapos ay tinitigan ko ang sarili ko. Pinapagod ko ang katawan ko sa trabaho para sa gabi ay tulog na lang ako. Pero hindi pa rin epektibo. Umiiyak pa rin ako. Katunayan niyan, hindi na nga ako nakapagpalit ng damit dahil sa kakaiyak ko kagabi. Nagsuklay lang ako tapos ay bumaba na. Hindi ko alam kung sinong naghahanap sa akin. Wala naman akong kaibigan dito sa siyudad kaya sino ang taong iyon?

Nang makababa ako ay natagpuan ko si Hunter Demitri sa sala na tila ba inip na inip na. Natigilan ako. Dumako naman ang mga mata niya sa akin. Nang makita ako ay inis siyang tumayo.

"What took you so long?! I've been waiting here since forever! Hindi naman dahil sinabi ko sa'yong gusto kita, magfi-feeling ka na! Ayoko sa lahat iyong pinaghihintay ako!" Sigaw niya sa akin. Naningkit naman ang mga mata ko. Sa inis ko ay hinampas ko ang labi niya.

"Hindi mo ako pinapalamon kaya 'wag kang sumigaw sa akin! Ulol!" Akmang tatalikod na ako nang hatakin niya ang kamay ko palabas ng bahay. Nagpupumiglas ako dahil ayoko namang sumama sa kanya. Hindi pwedeng sabihin sa akin na bayad ang gabi ko dahil off ko sa trabaho ngayon.

"Bitiwan mo nga ako! Babayagan kita sa lalamunan!" Sigaw ko sa kanya. "Tulungan ninyo ako! Kini-kidnap ako nga sira ulo!"

Lahat ba ng kapatid ni Hyron Demitri, mainitin ang ulo at masama ang ugali?

"Hahalikan kita kapag hindi ka tumahimik diyan!" Sigaw niya sa akin. Bigla ay hindi ko alam ang sasabihin ko. Ngumisi siya tapos ay binitiwan ako. Isinakay niya ako sa kotse tapos ay yumuko siya. Nagulat ako. Halos magdaiti na kasi ang mga mukha namin. Nakangisi pa rin siya habang kinakabit ang seat belt sa akin.

Napalunok ako.

"Tarantado." Sabi ko sa kanya. Napasinghap ako ng hagkan niya ang gilid ng labi ko.

"You talk, I kiss you. That's the deal, Lulu."

Umalis siya at umikot para naman siya ang sumakay sa kabilang side. Hindi ko talaga maintindihan ang taong ito. Ang akala ko'y nag-usap na kami noong nakaraan na lulubayan niya ako pero heto na naman siya.

"Hindi ba't sabi ko sa'yo noong nakaraan na hindi dahil gusto mo ay makukuha mo? Hindi naman ako bagay, Hunter." Wika ko sa kanya. Sinulyapan niya lang ako.

"What I want, I get." Kinindatan niya ako.

"Pero hindi mo ako gusto. Akala mo lang iyon pero ang totoo, nagkakamali ka lang." Hindi naman siya nagsalita. Napabuntong- hininga na lang ako.

The way I wasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon