to: Asungot

Tse! Wag ka ngang feeler jan! Kapal mo tsong! Hindi kita namiss noh, whateveer

 from: Asungot 

Hahah fine babe. You better get ready to school, it's 7 am already.

Ohh damn! May pasok pa pala kami ngayon! 

to: Asungot

 Ang daldal mo kasi eh! Ge byeeee

And with that I rushed to the bathroom and did my morning rituals.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Andito kaming apat sa canteen, kumakain kami ni Faith habang si Charlene nagkakalikot sa cp niya, si Carmel naman, nagbabasa ng bagong libro na binili niya. Napatingin naman kami sa lalaking huminto sa harapan ng table namin.

"We'll not fetch you so let's see each other in the ball venue", sabi ni McJames samin. Yeahh, siya yung lumapit samin. Sigurado akong magsisimula na naman giyera nila ni Charlene pshh

"Okay", sagot naming tatlo ni Carmel at Faith. Ano naman ngayon kung hindi nila kami susunduin? May kotse naman kami ehh, anong tingin nila samin? Poor??

"What's your problem?", tanong ni McJames kay Charlene nang mapansing ang sama ng tingin ni bespren sa kanya.

 Ayan na, ayan naaaaa. Magsisimula na ang giyera. Kinuha ko nalang ang headset sa bag at nagplay ng music. Nakakarindi talaga makinig sa dalawang yan, di ako magtataka kung sila ang magkatuluyan. Nakita ko kasi sa google na"the more you hate the more you love"so ibig sabihin love nila ang isat-isa??? Aba malay ko, siguro ganun nga.

 Few minutes later, napansin kong hinila na ni Charlene si Carmel. Nagkibit balikat na lang kami ni Faith at sumunod sa kanila. 

 "Faith, dun muna ako sa garden, pakisabi nalang sa kanila", sabi ko kay Faith. Ang bilis kasi maglakad ni Carmel at Charlene ehh para silang hinahabol ng kabayo.

 "Okayyy", sabi niya tsaka tumakbo palapit dun sa dalawa. Ako naman, lumiko para pumunta sa mini garden ng school. Nakaka refresh kasi dun ehh. Pagkarating ko, agad akong umupo sa bench. 

 "Ang gwapo talaga ni Sydney nohh? Oh my gosh girls!!", lumingon naman ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ang tatlong babae na nagchi-chismisan -_- 

 "Mas gwapo si McJohn noh saka si McJames!",sabi ng babaeng ginawang coloring book ang mukha. I rolled my eyes, natural, kambal nga diba??

 "Ayy mas bet ko si Kenneth, ang tangkad at ang yummy pa!!", sabi naman nung babaeng walang pambili ng tela sa damit niya.

 "Gwapo rin naman si Kirk, cold lang talaga", sabi naman nung isa na naglalagay ng foundation sa mukha niya. Kung andito lang si Faith, malamang pinakain na niya sa babaeng yan ang foundation.

Haysss kahit saan talaga sa campus pinag-uusapan ang mga lalaking yun. Marami rin akong mga narinig na sabi-sabi tungkol sa lima nayun. Sa dami ba naman ng chismosa dito sa campus, kahit wala akong pakialam, nakakarinig parin ako ng mga detalye tungkol sa limang hearthrobs kuno ng school namin. Share ko sa inyo ang mga nalaman ko ha?

 So, alam nating lahat na lima sila diba? Una, si McJohn Tan na ayon sa sabi sabi ay misteryoso at napakaseryosong tao. Siya din ang nagdala kay Joemarie sa Spain na hanggang ngayon ay hindi parin nakakabalik. Nami-miss ko na nga ang babaeng yun ehhh.

Pangalawa ay si McJames Tan na kakambal ni McJohn. Siya raw ang playboy sa grupo nila, makulit daw ito at masayahin. Pero bakit tuwing nagkikita sila ni Charlene, hindi ganun si McJames? Ewan ko sa dalawang yan, napag-alaman ko ring car racer itong si James.

Pangatlo ay si Sydney Tiu na masasabi kong boy version ni Carmel. Isa daw siyang model at studious type rin. Wala na akong ibang maidedescribe sa kanya kasi yan lang ang mga narinig ko.

Pang-apat ay ang nagnakaw ng halik sa kamay ko na si Kenneth Delavigne. Ayon sa mga chismis, siya raw ang captain ng basketball team ng CU. Sa tangkad ba naman niyang yon? Siya rin daw ang pinakamatino at pinakamature sa kanilang lahat. Wehh?? 

Last naman ay ang kinababaliwan ng bespren kong si Faith na si Kirk. Siya naman yung pinaka cold sa kanilang lahat at pinakamasungit. Hmm I agree pero siyempre hindi papatinag ang bespren ko haha.

 "A penny for your thoughts?", nagulat ako nang may biglang nagsalita at tumabi sakin. Tss anong ginagawa ng pinakamatalino at pinakamature na nilalang dito?

"Anong ginagawa mo dito?", tanong ko sa kanya.

 "Magpapahangin, bawal ba?", painosente niyang tanong sakin. Sarap bigwasan ng lalaking to.

"May sinabi ba akong bawal?", sagot ko sakanya.

"Wala", sagot din niya.

"Wala naman pala ehh", pagsusungit ko sakanya. Napansin kong tumingin siya sakin kaya napatingin din ako sa kanya, ayan na naman ang mga mata niya, ang ganda kasi talaga ehh, san kaya siya nagmana?

"Staring is rude, I might melt hahaha."

Tumawa siya?? Ghad, bat ang gwapo niya pag tumatawa?? Nakuuu nagkakasala na talaga ako kay Asungot nito kasi napapansin ko na si Chydfred at Kenneth na to.

Ewan ko kung ano ang sumapi sakin at binatukan ko si Kenneth. Tumatawa parin kasi ehh.

"Asa! Hindi ako nakatitig sayo noh", sabi ko sakanya matapos ko siyang batukan.

He's looking at me with a wide grin and amusement in his eyes. Anong problema niya?

"By the way, we can't fetch you", sabi niya at inilipat ang tingin sa harap.

"Alam na namin, sinabi ni McJames kanina", sagot ko sa kanya. 

**Kriiiing Kriiiiing**

Napansin kong nagring ang phone niya at agad niya itong sinagot.

"Yeah?"

"What?!"

"Fine, I'll be there in a few minutes"

Matapos nun ay pinatay na niya ang tawag. Sino naman yun? Mukhang urgent ahh

"Hey, I gotta go", pagpapaalam niya sakin.

"Okay", tanging sagot ko sakanya.

"See yah tomorrow", sabi niya saka nagmamadaling umalis.

Now I remember! Bukas na pala ang ball!! Ano kayang mangyayari bukas?? Hmm we'll see about that.....

Someone's POV

 I badly want to see her but I guess there's a perfect time for it. I made a deal with her and I laughed my ass out when she agreed to it. Remember the deal we had? Sinabi kong hahanapin niya ako but I won't give her a clue. She never failed to amuse me which makes me fall for her even more.

 This is funny, I said to myself. I admit nung una ay gusto ko lang siyang kulitin dahil nacha-challenge ako sakanya but here I am now, falling for her like I never did in my entire life. I never  thought I would feel this way towards a girl na hindi ko pa naman nakikilala at nakikita but I guess Love really is mysterious and I got smitten, bad, really really bad.

-------------------------------------------------------------------------

Author's Note

Ano nga kayang mangyayari sa ball?? Makikilala na kaya ni Regine ang asungot ng buhay niya?? 

Don't forget to leave your votes and comments :)

-Pryxxxe-






The Mafia King is my TextmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon