Chapter 5

6.5K 185 3
                                    

Regine's POV

         Amboring naman tsk! Sabado ngayon at yeah walang pasok, ano kayang magandang gawin? I texted Faith, Charlene at Carmel na punta kami sa mall mamaya, nagreply naman sila ng "okay" kaya naligo at nagbihis agad ako.

      After an hour, andito ako ngayon sa isang fastfood chain, dito na lang magbe-breakfast at pagkatapos deretso na ako sa mall mamaya.

               *Bzzzt Bzzzzt* 

from: 09*********

Good morning :) 

     Siya na naman??! Ugh! Alam kong si Charlene lang to, humanda talaga sakin ang babaeng yun mamaya.

   Antagal naman ng order ko hmm sige ganito nalang, while waiting for the food, bibigyan ko kayo ng 3 tips kung paano kayo hindi magugutom. Okay ba yun?? haha sigee ganito lang yan..

                                           Tip #1: Always bring money with you 

Siyempre wala nang libre sa mundo kaya para di ka magutom, dapat busog muna ang bulsa mo lalo na ang pitaka mo.

            Tip #2: If you don't have money then bring some food with you

Pwede kang magdala ng mga ready to eat foods like biscuit, junkfoods, cup noodles etc..para kung magutom ka edi pak! may instant food ka na.

                                            Tip #3: Ask your friends for food

Kung wala kang pera at pagkain, no choice ka na bes, kapalan mo na ang fes mo at humingi sa mga kaibigan mo. Di bale nang mahiya wag lang magutom.

      Oh nakuha niyo ba yung mga tips ko? Effective yan kaya sundin nyo ah! Hihi xD 

       "Hoy!!", sabay-sabay na sigay ni Faith, Carmel at Charlene sakin. Andito pala sila??? 

      "Makasigaw wagas mga teh?? Bat kayo nandito?? Mamaya pa tayo magkikita diba?", tanong ko sa kanila.

      "Galing kami sa inyo kaya lang sinabi samin ni tita na andito ka kaya pinuntahan ka na namin", sagot ni Faith pagkatapos nilang umupo sa tabi ko.

             *Bzzzzt Bzzzzt*

from: 09*********

Bakit di ka nagrereply?? Mag breakfast ka na :)

    Hmmm tekaaaa...........

      "Hoy Cha!", tawag ko kay Charlene na busy sa pagkalikot sa cellphone niya.

      "Oh?", nagtatakang sagot niya sakin. 

      "Huwag mo nga akong pagtripan! Alam kong ikaw tong nagtetext sakin!", I said and showed her the text.

      "Huh? Hindi ako yan ah", nag deny pa ang lola niyo tss :3

      "Ehh sino to?", tanong ko ulit sa kanya. Siya at si Joemarie lang kasi ang mahilig mangtrip samin kaya sila ang suspect ko kaso nasa Spain nga si Marie diba? Kaya si Charlene lang ang pwedeng gumawa nito.

     "Maniwala ka Regine, hindi ako yan, malay ko kung sino yan *may nakakita na pala sa plug ko hihihi*", hindi ko masyadong narinig yung ibinulong niya, bumungisngis pa siya. 

      "Ano?", may ibinulong kasi talaga siya eh.

     "Wala hahah di ko alam kung sino yan, kilalanin mo ng malaman mo", may pilyang ngiti na sagot niya sakin. 

     "Sino ba yan?", tanong ni Carmel na curious yata sa pinag-uusapan namin. Si Faith naman kumakain lang sa gilid ko pero nakikinig at nag-aabang din sa isasagot ko.

    "Hmm wala, saka ko na lang sasabihin kapag nalaman ko na kung sino ang unggoy na to", they laughed and nod before they continued eating. 

     *Bzzzzt Bzzzzt*

from: 09*********

Ayaw mo kong pansinin ah...Bahala ka, di kita titigilan ;)

   Ang kulit talaga ng unggoy na to. Tiningnan ko si Charlene, kumakain na siya kaya hindi nga siya yung nagtext. Kung hindi pala to si Charlene...Sino??????

The Mafia King is my TextmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon