Binalik ko yung tingin kay Yuri. Ako lang ba o parang nakatitig talaga sya sakin?

Ang weird ng pakiramdam ko.

Kahit hindi pa sya tapos kumanta napilitan akong tumayo. Nagpa-alam akong magc-cr lang.

Ang totoo, kakaiba lang kasi talaga yung pakiramdam ko. Bigla akong hindi naging komportable.

Dumiretso ako sa pinakamalapit na CR. Pero hindi pa ko nakakapasok sa loob ng makarinig ako ng umiiyak. May multo pa yata! Putcha!

Pero hindi multo yung nakita ko sa loob. Si Grace!

Hindi pa ko nagsasalita pero tinignan agad nya ko ng masama.

"Akala ko ba kaka-usapin mo si Denzel?!" Inis na tanung nya sakin at pilit pinunasan ang luha nya.

Lah! Kala ko ba okay na sila?

"May nangyari ba?"

Muli nyang pinunasan ang mga mata nya.

"Pinanagutan nga ni Denzel yung bata pero ganun pa din yung pakikitungo nya sakin." Sabi nya at muli na namang umiyak. "...Sabi nya mahal nya ko pero hindi ko naman maramdaman."

Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko. Anu bang dapat kong gawin? Oo, alam ko hindi na dapat ako maki-alam.

Pero buntis sya! At umiiyak! Masama yun para sa baby. Hangang sa merong pumasok na ideya sa utak ko.

Agad akong lumapit kay Grace at bumulong sa kanya. Nagtaka pa sya nung una pero sumang-ayon din sya.

Agad akong lumabas ng CR at hinanap si Denzel. Nasa backstage sila at nakikipag-usap kay Yuri. Mukang kanina pa sya tapos mag-perform.

"Jay-jay!" Tawag nila sakin.

Tumakbo ako palapit sa kanila at sandaling naghabol ng hininga.

"Saan ka galing? Bakit bigla ka nawala?" Tanung sakin ni Yuri.

"Maya ko nalang papaliwanag." Sagot ko at humarap kay Denzel. "...Sumama ka sakin may pag-uusapan tayo."

Hinawakan ko ang kamay nya at agad syang hinatak palayo. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya.

"T-teka lang Jay!" Pigil nya sakin pero hindi ako nagpa-awat.

Nakarating kami sa gilid ng room. Binitiwan ko sya at tinitigan sa mga mata.

"B-bakit ba Jay?"

"Anong balak mo kay Grace?!" Inis na tanung na ko sa kanya.

"H-ha? Kala ko ba okay na lahat samin?"

"Yun din akala ko... Pero umiiyak na naman sya."

Sandaling tumahimik si Denzel at parang nag-isip. Aware siguro sya na hindi gusto ni Grace yung pagtrato nya.

"Jay... Hindi ko naman alam yung gusto nyang mangyari. Pinanagutan ko na yung bata, kaya nga nagtatrabaho akong mabuti."

"Pero si Grace? You accept your responsibility with the child, but how about your responsibility with Grace? Babae pa rin sya at kahit hindi kayo kasal, meron ka pa ring responsibilidad sa kanya!" Inis na paliwanag ko.

Bigla nalang syang umiyak. Nagulat ako pero hindi ako nagpakita ng awa o simpatya. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin sa kanya.

"M-mahal ko kasi si Grace pero... N-natatakot ako. Alam kong galit sya sakin dahil sa ginawa kong pag-gamit sa kanya. Alam ko din na hindi nya ko mapapatawad kaya kusa na kong lumalayo. Kapag okay na lahat at meron na kong ipagmamalaki, liligawan ko sya ulit. Pero ngayon na wala ako kahit anu, alam kong papasok at papasok sa isip nya na ginagamit ko pa rin sya." Paliwanag nya habang pilit pinupunasan ang luha nya.

Huminga ko ng malalim at tumingin sa ibang direksyon.

"Pwede ka ng lumabas!" Sigaw ko.

Alam kong nagtaka si Denzel sa sinabi ko. Mula sa likod ng mga tambak na gamit lumabas si Grace.

Lumapit sya samin at tinignan ng masama si Denzel.

"Ganun ba tingin mo sakin?!" Galit na tanung ni Grace.

Oo naman! Tropa kaya kayo ni Freya!

Hindi sumagot si Denzel. Sa inis ni Grace, pinaghahampas nya at halos itulak nya si Denzel. Pero hindi pa rin sya sumasagot.

"Denzel... Kaharap mo na si Grace. Sabihin mo na yung problema. Walang mangyayari kung lalayuan mo lang sya ng lalayuan." paliwanag ko.

Pero parang para sa akin yung mga sinabi ko. Bigla kasing pumasok sa isip ko si Cyrus. Siguro nga dapat ko na syang harapin.

"Grace..." Panimula ni Denzel at bigla nalang nyang niyakap ang kaharap. "...S-sorry kung naduduwag ako sayo."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin pa ni Denzel. Umalis na ko at hinayaan na silang mag-usap. Meron din akong sariling problema na haharapin.

Kinuha ko yung phone ko at dinial yung number na iniwan sakin ng parents ni Cyrus.

["Hello?"] Sagot ng kung sino sa kabilang linya.

"H-hello? Si Jay-jay po ito."

["Jay... Sana pumayag kanang magpakita sa anak namin kahit sandali."]

Huminga ako ng malalim at napatingin sa langit. "P-payag po ako."

["Salamat Jay! Matutuwa si Cyrus sa sinabi mo!"]

Pero ako hindi natutuwa. Kilala ko si Cyrus, malalim pa sa ugat ng puno kung magtanim sya ng galit sa kapwa. Hindi sya titigil hanga't hindi nakakaganti.

Hindi ko alam kung tama ba tong ginawa ko.






Author's Note: Sa kanya ka tumabi pagsakay mo ng Train to Busan, ligtas ka. hahahaha... Si Denzel Castillo.

 Si Denzel Castillo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Si Grace Miller

++Don't forget to Vote, Comment and Share

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Ang Mutya Ng Section EWhere stories live. Discover now