"Sir I'm here to file my resignation."


Pumitik ang galit sa mga muscles niya at alam kong pinipigilan niya lang ang sarili niya bago pa siya makagawa ng kahit anong masama sa kin.


"Okay, I'll accept your resignation."


Nagulat ako sa sagot niya, ganito lang ba kadali to? Wala ba siyang gagawin na kahit ano para pigilan ako? Hindi niya na ba itatanong kung anong nangyari sa bata?


"Thank you sir."


Ibinaba ko na ang letter for resignation ko sa table niya, at agad na tumalikod para hindi niya makita ang mga luha kong ayaw nanamang magpapigil. Humakbang na ko papalayo sa kanya pero bago pa ko makalapit sa pinto.


"Sandali, may sasabihin pa ko."


Napatigil ako, at nakagat ko ulit ang pang-ibabang labi ko.


"You'll resign, but you'll still stay on my house until you gave birth to my child."


Napangiti ako kahit papano dahil sa ideyang wala pa pala talaga siyang alam. Pinunasan ko ang mukha ko at matapang na humarap sa kanya.


"I can't, dahil wala po tayong anak."


Nag-salubong ang dalawang kilay niya at hindi ko alam kung bakit natutuwa ako dahil sa wakas nagagalit ko siya.


"What are you saying?"


"Well I guess, hindi ka pa na-iinform ni Dr. Ortis."


Nagulat ako sa biglang pagtayo niya at paghablot sa braso ko ng napaka-higpit.


"What did you do!"


Puno ng sobrang galit ang mga mata niya and gustong-gusto ko ang mga nangyayari. Tumatalbog sa tuwa ang puso ko dahil sa itsura ni Blaise.


"Stop being paranoid."

"I'M ASKING YOU WHAT DID YOU DO TO MY CHILD!!"


"WALANG BATA BLAISE!!!!!! HINDI MO KO NA BUNTIS!"


Bigla siyang napatigil at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-kagulat at disappointment. Natanggal niya na sa braso ko ang kamay niya, at nung tinignan ko ang braso ko, may marka ito ng kamay niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. Natawa ako ng onte dahil ngayon ko lang naramdaman ang hapdi.


"I'm sorry, hindi ko agad nilinaw sayo ang lahat kaya na misunderstand mo ang una kong sinabi. I'm really sorry, I'll go now sir. This will be our last meeting for now. Bye"


Paalis na sana ako ng hinablot niya ulit ang braso ko.


"Teka, totoo ba yang sinasabi mo?"


"You can confirm that to Dr. Ortis, don't be so disappointed Blaise, It just that... You're not a good shooter."


Alam kong tinapakan kong muli ang pride niya pero wala na kong pake, kaya hinawi ko na ang braso ko at tuluyang lumabas sa pinto niya. Nasara ko na ang pinto at natawa ako.


"HA HA HA HA HA HA HA"


Sa wakas, nagantihan ko na rin siya, pero bakit ganito???? Umiiyak pa rin ako at masakit pa rin ang dibdib ko??? Dahil ba to sa sobrang kasiyahan??


O dahil sa sinaktan ko siya??


Natakip ko ang dalawang palad ko sa mukha ko ng hindi ko na mapigilan ang pag-iyak at paghikbi ko. Kahit na anong gawin ko, kahit na baliktarin ko ang sitwasyon, patuloy pa rin akong nasasaktan.


Bakit ansakit-sakit pa rin?



Play With Blaze [FINAL EDITION]Where stories live. Discover now