trip ko lagyan ng English :3

{feeling famous author mode} message me if you want a dedication~ para friends tayo~ gusto ko ng friends eh~

cliche.cliche.cliche.cliche.cliche.cliche

----

Mahal pa nga ba n'ya si Luhan? Naguguluhan s'ya. Pano si Mars?

"Sehun, wag mo ng pahirapan si Lu" nagulat si Sehun ng biglang magsalita si Yoona "Mahina si Lu Sehun, alam mo 'yan. Kaya please lang... Wag mo s'yang pahirapan... Lalo na ngayo—" hindi na tinuloy ni Yoona ang sinasabi n'ya at tumalikod s'ya kay Sehun
"Lalo na ngayong ano, Yoona?" tanong ni Sehun. Hindi sumasagot si Yoona kaya naman inulit uli ni Sehun ang tanong n'ya "Yoona, lalo na ngayong ano?" medyo naiirita na s'ya, ano bang meron? May tinatago ba sa kanya si Luhan? Nagalit s'ya ng maisip n'ya 'yon. Pero nawala rin agad ng maalala n'ya yung pangakong hindi n'ya natupad. Sino nga ba s'ya? Pero gusto pa din n'yang malaman.
"Yoona, please..."
"Sorry, Sehun a-aalis n-na a-ako" naglakad na palayo si Yoona at lumabas na ng pintuan ng bahay ni Luhan.

--

Bumalik si Sehun sa kwarto ni Luhan para tignan kung okay na s'ya. Umupo s'ya sa gilid ng kama ni Luhan at muli n'yang tinignan ang mukha nito. Yung mukhang nagpatigil sa pagtibok ng puso n'ya, na hanggang ngayon ay ganoon pa rin.

Nag-vibrate ang cellphone ni Luhan sa gilid ng lamesa n'ya. Tinignan ni Sehun 'yon, at imbes na tawag o text ang bumungad sa screen isang reminder ang nadatnan n'ya

"Appointment with Dra. Falcon 3:00 pm"

Tinignan ni Sehun yung orasan—2:20.

Tumayo si Sehun sa pagkaka-upo n'ya at lumabas ng bahay ni Luhan.

Pinaandar n'ya ang makina ng kanyang kotse. Dala ang papel na nakuha n'ya mula sa drawer ng side table ni Luhan at ang kagustuhan n'yang malaman kung anong totoo, nag-maneho na papunta si Sehun sa Ospital. Sa ospital kung nasaan si Dra. Falcon.

--

Sehun entered a white, air-conditioned room, and there, a middle-aged woman sat on her table

"Good Afternoon" the woman greeted. Sehun looked at the plate on her table

Florence E. Falcon. M.D

"Kaano-ano mo si Luhan?" tanong ni Dra. Falcon ng naka-ngiti kay Sehun
"Uhm..." ano nga ba? "Uh, k-kaibigan ko" sagot ni Sehun.
Ngumiti si Dra. Falcon at inayos ang salamin n'ya "Alam mo, tuwing pupunta dito si Luhan, palagi s'yang may kinu-kwento sa'kin—ano nga palang pakay mo dito uli?" tanong ni Dra. Falcon kay Sehun ng naka-ngiti. 

"Tatanong ko lang po kung anong meron kay Luhan, madalas ko po kasi s'ya nakikitang pagod, pati ngayon po kasi may sakit s'ya, meron po bang ibang sakit si Luhan na hindi n'ya sinasabi sa'kin?" 

Tumigil si Dra. Falcon sa pag-tingin sa mga files n'ya at tumingin s'ya kay Sehun

"You mean to say Luhan didn't told you about his case?" tanong ni Dra. Falcon

"Case? Anong case?" Sehun asked worriedly

"Mr. Oh..." teka, pano n'ya nalaman ang pangalan ni Sehun samantalang wala namang nag-tanong sa kanya kung anong pangalan n'ya kanina sa info desk at hindi naman n'ya sinabi ang pangalan n'ya sa kanya. "...you friend is suffering from systemic lupus—pulmonary lupus to be exact, in his case, ang pinaka-naapektuhan ng sakit n'ya ay ang lungs n'ya, which explains his fatigue. Lupus can affect any part of the body and it is where the immune system attacks the body's cells and tissues, resulting in inflammation and tissue damage. He's been suffering for almost a year" paliwanag ni Dra. Falcon habang diniinan ang pagkakasabi sa salitang friend.

Hindi naka-pagsalita si Sehun, hindi s'ya makapaniwala, bakit hindi 'yon sinabi ni Luhan sa kanya? Nung hindi pa huli ang lahat, nung sila pa?

"Sa kaso n'ya, Sehun, hindi s'ya pwedeng ma-stress, ma-depress and most of all ang mapagod. He needs to undergo a surgery as soon as possible, maybe before the year ends. You wouldn't want your lover to die in lupus, right?" Kinokonsensya ba s'ya ng doctor ni Luhan? Kahit na sinabi ni Dra. Falcon na nag-bibiro lang s'ya, bahagya paring nasaktan si Sehun. Para bang pinagsisihan n'ya ang mga ginawa n'ya kay Luhan.

Umalis na si Sehun sa ospital at bumalik sa bahay ni Luhan. 

"S-Sehun?" 

 "Luhan, b-bakit?"

♫♫♫♫♫♫♫

Cliffhanger asdfghjkl huehue, sorry sa late update, kung may nagaabang man, XD sabaw to, ito lang kinaya ko, hindi ko na kasi alam sequence ng events XD hueheue

Sarang sarang~

- Hannahbi ♫♫

Open Arms {hunhan}Basahin ang storyang ito ng LIBRE!