"I'll tell you later, I need to go there now." Seryoso niyang sabi at mabilis na naglakad palabas.

"San ba yung hospital ni misis?" Tanong ni kuya Jonas at umakbay kay kuya Jin.

"Walang misis napag-usapan na namin yon, she doesn't want the baby, but she wants my money. I'm fine with the baby, and I'm fine with giving her a piece of my money." Sabi ni kuya at nagkatinginan naman kami bago maglakad palabas ng mall.

Hindi ko alam kung ano ang naging usapan nila, kaso ang dating sakin binenta nung nanay yung anak niya sa tatay. And that is so fucked up. Like, sino ang gagawa non?

Nakarating na kami sa hospital at pumasok naman kaagad si kuya, habang kami nandito lang sa labas. Ayokong makilala yung babae. Ayokong matandaan yung mukha niya. Ayokong magkaron ng kahit na anong relation sa kanya. Para kapag isang araw, nakita ko siya, hindi ko hahablutin yung buhok niya dahil sa gagawin niya sa anak niya. How could you possibly sell something na inalagaan mo ng siyam na buwan? How could you sell something that is already a part of you?

I mean, kung hindi naman pala siya ready na magkaron ng baby she should have got it aborted, hindi 'yong as in binenta niya lang ang anak niya.

"Tol, ang lagkit na natin." Sabi ni Blake at napatingin ako sa kanila. They are all wearing cottoned shirts kaya halata yung natuyong coke sa damit nila.

"Coke with laway." Sabi ko at natawa at kinilabutan naman sila sa sinabi ko.

"Kadiri brad. Nag-indirect kiss na tayo." Sabi ni kuya Jonas at napatawa ako nang malakas.

"Gusto niyo hanap tayo ng mabibilhan ng damit dito?" Tanong ko sa kanila at tumango naman sila.

"I'll just call Jin." Sabi ni kuya Trace. Hindi naman kasi nila tinatawag na kuya yung nakakatanda sa kanila. Ako lang ang nagkukuya samin. Napaka-unfair diba? Isang beses na hindi ko tinawag na kuya si kuya Jin isang buong buwan akong hatid-sundo sa kanila sa mga lakad ko at wala akong connection sa mga kaibigan ko non. Dahil pati phone ko, confiscated. 

Naglakad na kami palabas ng hospital at sumakay sa kotse ni kuya Miere since kasya kaming lima doon. Napagdesisyunan nila na pumunta na lang sa pinakamalapit na mall dahil 24 hours open naman yung mall so hindi nila kailangan na magmadali.

Pumasok lang sila sa isang boutique at pagkalabas nila nakabihis na sila.

"Sabi ni Jin ibili raw natin ng gamit yung baby." Sabi ni Kuya Trace at napanganga ako.

"You mean, wala pang gamit yung baby?! Ngayon na ilalabas sa ospital yun ah!" Sabi ko at natawa sila.

"Jin is not the type of guy to do things in advance." Pagpapaliwanag ni kuya Miere at napaalala non yung mga katamadan ni kuya Jin.

"Ano raw ba gender nung baby?" Tanong ko sa kanila.

"Boy raw." Natatawang sabi ni Blake.

"Wow. Ako pa din nag-iisang babae." Sabi ko at napatawa sila.

"Ayaw mo nun? Ikaw lang prinsesa namin?" Tanong ni kuya Trace at ginulo pa buhok ko.

"Ako lang din pine-perwisyo niyo." Sabi ko at napangiti sila.

Pumasok na kami sa baby shop at bumili lahat ng tig-iisang items. Dahil wala talaga kaming alam sa baby stuff.

"Should we bring it in the hospital? O sa bahay na lang?" Tanong ko at napaisip din sila.

"This shit is hard." Sabi ni kuya Jonas at nagpunas ng pawis niya.

"Idiretso na lang daw natin sa hospital." Sabi ni Blake habang nakatingin sa phone niya, so I assumed that ka-text niya si kuya Jin.

Dumiretso na kami sa hospital at naabutan namin si kuya sa labas ng operating room. So sa OR din pala dinadala kapag nanganganak? Akala ko may special room. Like labor room ganon. 

"Nakabili kayo?" Tanong niya samin at tumango kami.

"Gusto mo?" Tanong ni kuya Miere sa kanya at nag-abot ng unan ng baby.

"What the fuck is that?" Tanong ni kuya Jin at napatawa ako. Kung para samin mahirap na, pano pa kaya sa kanya na tatay.

"Unan ng baby." Obvious na sagot ni kuya Miere.

"Mas malaki pa kamay ko dyan eh! Pano magkakasya anak ko dyan?" Sabi ni kuya Jin at halatang frustrated na siya.

"Timang ka ba? Unan lang 'to, 'tol hindi kama. Bakit mo naman pagkakasyahin sa unan anak mo?" Pagpapaliwanag ni kuya Trace at napahilamos naman si kuya Jin sa mukha niya. Nung sasagot na dapat siya ay sumabat na ako.

"May name na yung baby?" Tanong ko at napatingin naman siya sakin. Kung hindi ako sumabat buong gabi silang mag-aaway tungkol diyan sa unan na 'yan.

"Wala pa kong maisip." Sagot ni kuya at nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib.

"Hindi mo naman tototohanin yung Acormad mo dun sa baby diba?" Tanong ni Blake at nahampas ko siya.

"Bakit mo pinaalala?!!" Sigaw namin sa kanya. Dati kasi, ang sabi ni kuya Jin, ano man daw ang mangyari, Acormad ang ipapangalan niya sa anak niya. Sinong tao ang makakaisip non?

"I changed my mind." Sabi ni kuya at napahinga kami nang maluwag.

"I'm thinking of Shine Aries." Sabi niya at natahimik kami ng ilang minuto na na para bang naparalisa kami.

"Bakit pangalan ko?" Tanong ko sa kanya.

"SHINE. ARIES. Hindi SHIN. IRIS. Gets?" Sabi niya at ang diin pa talaga nung mga words.

"Bakit 'yon?" Tanong namin sa kanya.

"He has his shiny eyes at Aries ang zodiac niya, so Shine Aries." Sabi niya samin. "Saka para rhyme kay Shin." Natatawa niyang sabi at umirap ako.

"Ang pangit brad, 'wag mo i-rhyme sa pangalan ni Shin, hindi naman si Shin nanay niyan eh!" Pagrereklamo ni kuya Trace at napaisip kaming lahat.

"Brad oo nga, that's disgusting and disturbing." Singit ni kuya Jonas.

"My second choice is Akihiro Ezra." Sabi niya at napangiti naman kaming lahat.

"Wow, apaka pogi ng name. Mas bagay!" Sabi ko at nag-aree naman kaming lahat sa Akihiro Ezra.

"Asan na yung baby? May nangyari ba?" Tanong ni kuya Jonas at umiling si kuya Jin.

"Wala. Nandon kasama nanay niya."

"Aba'y gago. Eh bakit nandito ka pa?" Tanong ni kuya Trace.

"Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso sa sobrang kaba. Kapag inatake ako, ayan lang OR, opera agad. Di ako magiging dead on arrival." Pagpapaliwanag niya at natawa naman ako.

"May mas malaki ka pang problema." Sabi ko nang naiiling at napatingin sila sakin.

"Ano yun?"

"Sila Sr. Matt."

I Know Places (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora