"Plank hanggang matapos 'tong second break, kapag bumigay kayo alam niyo na gagawin niyo." Sabi ko at nagsimulang maglakad palayo sa kanila.

Natapos na yung pag-train namin sa kanila at sinigurado kong lahat sila ay iika-ikang maglalakad bukas. Masyado silang naging kampante na white mafia ang sinaniban nila ay hindi na sila mapaparusahan o hindi na nila kailangan ng matinding training.

Nakakalimutan ata nila na black mafias ang kalaban at madudumi sila lumaba.

Nang matapos ang training ay nag-aya sila kuya Jin na kumain sa labas. Baka ayaw rin nilang kumain kasama sila Sr. Matt.

Kumain lang kami sa Burger King at nakakita pa sila kuya Jonas ng tropa nila at nakakita rin si Blake ng tropa niya. At isa ron si Kris, kaya ayon, pinagpilitan nila kaming pagtabihin.

I was quietly eating my burger nang bigla akong tinawag ni kuya Jin at sinabing pumunta raw ako sa labas dahil may sasabihin siya.

"Nagdudugo 'yang kamay mo, asan 'yong first aid? Nasa bag mo ba?" Tanong niya sa akin at napatingin naman ako sa benda ng kamay ko na balot na pala ng dugo.

"Wala, iniwan ko sa bag ko 'yong bigay ni nanay." Sabi ko sa kanya at napabuntong hininga naman siya.

"Tara, kailangan kong linisan 'yan. Isang beses pa lang 'yan nalilinis buong araw." Sabi niya at hindi naman ako umangal kahit na gutom na gutom na ako. Nakakadiri kaya puro dugo yung kamay ko. Hindi rin ako makakakain nan maayos.

Nagpunta kami ng parking lot ni kuya at doon niya nilinis ang sugat ko.

"Sorry eto lang kaya kong gawin." Mahina niyang sabi at napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"Kuya ang drama mo, okay lang ako. Ano ka ba?" Natatawa kong sabi sa kanya at tumayo na ako.

Naglakad na kami pabalik sa Zark's at nakita ko naman na ang daming bakanteng upuan sa table namin at hawak pa nila ang phone ko.

"Oh, bat si Kris wala na?" Tanong ni kuya Jin sa kanila at nung nakita nila ako ay ibinaba nila kaagad yung phone ko.

"Ano na naman ginawa niyo?" Tanong ko sa kanila nang nakasimangot at natawa naman sila.

"May kailangan daw puntahan eh. Kaya pinagora ko na. Okay lang ba sayo, Shin?" Pagpapaliwanag ni Blake at pinigilan ko talaga na mapairap sa kanya.

"Naks. Improving." Pagpuna ni kuya Miere nung napansin niyang hindi ako umirap at napairap naman ako. Wala na, hindi ko talaga kaya na hindi umirap.

"May sasabihin ako sa inyo." Seryosong sabi ni kuya Jin habang nakatingin sa phone niya.

"Ano yun?" Tanong namin sa kanya.

"I got someone pregnant." Sabi niya at natahimik kami. Yung subong burger ni Blake naluwa niya, si kuya Jonas nabuga kay kuya Trace yung coke na iniinom niya, si kuya Miere, nabilaukan at ako nakatingin lang ako kay kuya.

Napatingin din samin yung ibang tao, baka napansin nilang natahimik kami, kanina pa kasi kami maingay o pwede ring napansin nila na nagkabugahan na ng coke dito sa table namin. Either of the two.

"Seryoso ka kuya?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya. Sa sobrang stress naman yata nila, napainom ulit si kuya Jonas ng coke niya at napainom na rin si kuya Trace, si kuya Miere at Blake. Ako nakatingin lang sa kanila.

"At ilalabas na siya sa ospital ngayon." Sabi niya at nagbugahan na sila ngayon sa mukha.

"Ano?!" Sabay-sabay naming sigaw kaya nakatingin na talaga lahat ng tao samin.

"Yeah. Let's go." Sabi niya at tumayo na.

"Teka kuya, fill us up, naguguluhan ako." Sabi ko at umiling siya.

I Know Places (COMPLETED)Where stories live. Discover now