"Sorry, Deus. Naguluhan ako." Sabi niya at tinanguhan ko siya. One thing that Sr. Matt taught me strictly is that I'm not their sister when doing business.

"Sa soccer field tayong lahat, Pierce, make sure na to bring all equipments that is needed for the training," I said then he cut me off.

"Lahat? Ubos na buong araw hindi ko pa rin nadadala 'yon lahat sa field." Pagreklamo sa akin ni kuya Jin at tinaasan ko siya ng kilay. Naninibago yata sila na may nag-uutos sa kanila ng ganito dahil ngayon nga lang ako sumama sa training nila.

"Then make your reapers do it, I don't care. That's not my problem." Pagsusungit ko sa kanya.

"Damon and Alyas, make sure the field is clean and ready." Utos ko at kumilos kaagad si Blake at kuya Miere.

"Tadeo help out Pierce, Alaric, papuntahin mo na lahat ng natira sa field, make them run laps. Hindi sila titigil hangga't hindi natatapos ibaba lahat ng equipments." Sabi ko at nanakbo na sila kuya Jonas at kuya Trace para sundin ang utos ko.

I stayed in my place and smiled as I watch them do what I told them to.

Nang maubos na ang tao sa hall ang umalis na rin ako at nagpunta sa field, nakita ko sila na tumatakbo na ng paikot sa field at nagpunta naman ako sa unahan para samahan sila kuya.

"Ang bossy mo kanina ah." Sabi sa akin ni Blake at tinaasan ko siya ng kilay.

"Your audacity to call me names simply amazes me, Damon." Sabi ko at napatayo sila nang maayos sa tabi ko.

"Mind joining them run?" Nakangiti kong sabi sa kanya at dali-dali naman siyang sumunod. 

Don't get me wrong, I'm not exploiting my powers at lalong hindi ko binabastos ang mga kuya ko. Sr. Matt told me to do this, to let them know who's boss una pa lang, kasi kapag hindi, ako lang din ang mahihirapan sooner or later. Plus, it's not like hindi ko pinaghirapan ang posisyon na meron ako. I was not crowned as the leader until I beat ny brother's ass altogether, and I did it.

Nagpatuloy ang training at nang maghapon na ay pinag-break ko sila for the second time.

"Di ako sanay sa ambiance dito." Sabi ni Blake at tumingin sa paligid.

"Bakit ano meron?" Tanong ni kuya Jonas.

"Parang ang lamig eh." Sagot ni Blake at tumingin sakin.

"Tantanan mo na nga yang kambal mo," Sabi ni kuya Miere sa kanya at saka siya binatukan habang tahimik pa rin ako. Nakakatamad kasing magsalita. Wala naman akong sasabihin.

"Okay ka lang, Shin?" Tanong ni kuya Jin sakin at tumango naman ako.

"Nababadtrip ako sa mga reaper ah." Sabi ko at tinignan yung ibang lalaki na naghaharutan lang.

"Sandali nga lang." Sabi ko at tumayo at naglakad papunta sa mga bagong reaper under Blake's division, the lowest division. Nasa harap na nila ako pero tawanan pa rin sila nang tawanan. Don't tell me pati simpleng pagrespeto hindi nila alam?

"Titigil kayo o ako ang magpapatahimik sa inyo?" Tanong ko sa limang lalaki at natahimik naman sila.

"I told you to have your break quietly, bingi ba kayo?" Tanong ko at agad naman silang umiling sakin.

"Eh ano? Tanga lang kayo?" Naiinis kong tanong at hindi naman sila umimik.

"Sorry, Sid." Sabi nung isa at napangisi ako.

"Sorry doesn't exist in this room, if you did something wrong, you'll face your punishment." Malamig kong sabi ko sa kanya at nakita kong namutla silang lima.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon