"Damn it! Please sir wag. Wag nyong isama si Yumiko. Sya ang fiance ko! Sya ang pakakasalan ko!" Sigaw ni Lance saka mabilis na nilapitan ako at hinila mula sa Papa ko.

Nanlalambot ako. Di ako makapaniwala na nangyayari ngayon 'to. Diba dapat papapiliin lang ako ng Papa ni Lance? Bakit ganito? Bakit malalaman kong hindi ko na fiance si Lance at ilalayo na ako sa kanya?

Niyakap ako ni Lance. "Akin lang si Yumiko. Sya ang pakakasalan ko. Hindi ako magpapakasal sa iba at hindi ako papayag na makasal si Yumiko sa iba! Ipinagkasundo nyo na kami! Kung may alitan na nangyari sa inyo, wag nyo kaming idamay!"

Naiyak lang ako habang nakayakap kay Lance.

"Yumiko ayusin mo na mga gamit mo." Narinig kong sabi ni Papa. Kakalas na sana ako kay lance pero niyakap nya ako ulit ng mahigpit.

"No babe. Di ka sasama sa Papa mo. Hindi ka aalis dito. Babe..."

Ang bilis ng pangyayari. Bakit ganito? Bakit ganito nangyayari ngayon? Di ko matanggap.

"Iho, bitawan mo na ang anak ko kung ayaw mong magpatawag pa'ko ng pulis." Sabi ni Papa.

Pilit ako kumawala kay Lance pero wala. Ayaw nya ako bitawan. "Babe please, wag kang bibitaw. Please..."

Hindi ko kayang bumitaw. Hindi ko kayang iwan si Lance. Hindi ko kayang malayo sa kanya. Hindi ko matangap na cancelled na arranged marriage sa pagitan namin.

Yumakap ako ng mahigpit kay Lance. Napahagulhol na din ako ng iyak.

"Ssshhh... Babe, tahan na. Hindi ako papayag na ilayo ka nila sakin. Hindi." Sabi ni Lance saka naramdaman ko yung paghalik nya sa noo ko.

"Yumiko get your things now!" Kinabahan ako lalo nang marining yung sigaw na yun ni Papa.

"Lance hayaan mo na sya! May bago kang fiance! Cancelled na ang arrange marriage nyo!" Sigaw naman nung Papa ni Lance.

Lalo pa akong naiyak sa naririnig kong sigawan. Bakit? Paano nangyari 'to? Ang saya saya na namin ni Lance. Ba't ngayon pa? Bat ngayon pa ika-cancel? Sana noon pa nung hindi kami okay sa isa't isa.

"Hindi 'Pa! Si Yumiko lang ang fiance ko. Wala akong ibang pakakasalan bukod sa kanya." Sagot ni Lance na lalo pang humihigpit ang pagyakap sakin.

"Iho bitawan mo na ang anak ko. Kung hindi mo pa sya bibitawan, mapipilitan nakong tumawag ng pulis."

Pinilit kong kumalas sa yakap ni Lance. Alam ko pag seryoso si Papa. Gagawin nya kung ano ang sinabi nya. Ayokong mapa-pulis si Lance.

"Babe..."

Sheeet! May luha na din sa mga mata ni Lance. Hinawakan ko sya sa dalawang pisngi nya. "Palamigin muna natin sila. Ako pa din ang fiance mo babe. Kelangan muna natin sila sundin ngayon. We have to go. Ayokong tumawag pa si Pa---"

He kisses me. He kissed me torridly in front of our fathers. I respond. I love this man. Bakit kelangan nila ko ilayo sa kanya? Bakit kelangang magkaroon sila ng alitan? Hindi ba nila alam na nasasaktan kami? Sheeet lang!

"Yumiko!" Napapitlag ako sa sigaw ni Papa.

Tiningnan ko sa mga mata nya si Lance. "Babe hindi kita iiwan. Aalis lang kami ni Papa dito sa mansyon nyo pero ikaw pa din fiance ko. Ako pa din fiance mo babe."

Lance is crying. "Babe wag mokong iwan. Please..."

"Wala tayong magagawa sa nangyayari. Kelangan lang natin maging malakas." Sabi ko para mapalakas ang loob nya. "Aalis lang ako dito sa mansyon. Hindi ako aalis sa buhay mo."

He hugged me. "I love you babe. I love you. Tawagan mo agad ako. Sabihin mo agad sakin nasaan ka. Sabihin mo sakin mga nangyayari... please babe..."

Marry YouWhere stories live. Discover now