"Alright guys, tanungin na natin muli ang bihag natin." Balewalang sabi ni X.

"Sabihin mo, sino ang ahas na ipinasok niyo dito sa Mafia?" Malamig na tanong ni Z.

"H-hindi ko alam, tanging si Empress lamang ang may alam at siyang nagbibigay ng utos samin. Mga sundalo kami na nasa pamamalakad niya, wala kaming karapatang tumanggi sa utos niya." Nanginginig pa rin na turan nito.

"You mean, she has control on the military?" Walang emosyong tanong ng Mafia King na nakatayo na sa likod ng reyna.

"O-opo, maraming koneksyon si Empress at napapaikot niya sa kamay niya ang mga sundalo pati na rin ang mga taong nasa itaas. Kaya mapanganib siyang kalaban. Alam niya ang lahat ng galaw ninyo, hindi magtatagal at siguradong babagsak ang isa sa pinakamaimpluwensiyang Mafia sa boung mundo. Bukod pa sa nakikipagtulungan na rin ang ibang mafia organization na galit sa inyo. Malaking tao ang babanggain ninyo." At para itong sira-ulo na humalakhak na ikinapikon ng Queen, agad niyang ginilitan sa leeg ang lalaki.

"We heard enough!" Malamig na sabi niya at tumayo na. "Be ready guys, we need to prepare for the upcoming war. I am not the Queen for no reason. How dare them to f*cking mess with the Queen." Galit na turan ng reyna at tinanggal ang suot na white coat with a stain of blood revealing her sexy black gown. Itinapon niya ang duguang coat at naglakad na paalis kasama ang Mafia King. Sumunod na lamang ang mga Soul Reaper, natatakot sila sa galit ng reyna. They know that the enemy can't escaped the wrath of their Queen.

————

Draven's POV:

Agad kong hinanap si Emerald at nakita ko siyang kasalukuyang nakatayo sa gitna ng hall. Mabuti na lamang at mukhang naubos na ang mga kalaban. Lalapitan ko na dapat siya pero mabilis na umalis ito, agad ko siyang sinundan. Where the f*ck is she going? Lumiko siya sa kaliwang pasilyo papuntang fire exit. Mabilis akong sumunod pero sa gulat ko ay wala na siya doon.

"F*ck, where is she?" Bulalas ko at kinuha ang phone ko, then I dialled her number. But the subscriber cannot be reach, mabuti na lamang at nalagyan kong muli ng tracking device ang cellphone nito.

"She's heading home." Mahina kong turan at lumabas na ng building. Agad akong sumakay ng kotse at sinundan ko siya. Habang binabaktas ko ang daan nakita kong nag-iba siya ng landas. "At saan naman siya pupunta ngayon?" Naguguluhan kong turan, I just follow her route hanggang sa makarating siya sa isang bar. "What the hell is she doing out there?" Nagngingitngit ang kalooban ko dahil alam kong hindi pa siya nakakapagbihis at sout pa rin niya ang sexy na gown na iyon. F*ck, makakatikim talaga sakin si Z. Halos hindi ako makahinga kanina dahil sa sout ni Emerald at gustong gusto kong suntukin ang lahat ng lalaki kanina na kulang na lang ay hubaran siya. F*ck them, I should kill all that men. Tapos makikita ko siyang papasok sa bar with that sinful gown, No way f*cking hell!

Madilim ang mukha kong bumaba sa kotse at pumasok sa bar. I roamed my eyes, searching where the f*ck she is. Hanggang sa nakita ko siyang tumutungga ng alak sa bar counter na akala mo tubig ang iniinom. Napakuyom ang kamao ko dahil biglang may lumapit na lalaki dito. F*ck that man, he should not lay a finger to my girl or he'll be f*cking dead. Yes, I am furious right now. Mabilis akong naglakad papunta sa pwesto ni Emerald na ngayon ay hinahawakan na ng put*ng lalaki ang bare shoulder nito.

"G-get off me. Who the f*ck are you?" Medyo hindi na maintindihan ang boses nito at halatang lasing na ito.

"Just go with the flow babe, I promise you will en—" nagdilim na ang paningin ko at agad na binalya ang lalaki. Nahulog ito sa upuan, hinarap ko si Emerald and put on my coat. "F*ck it! Sino ka ba?" Galit kong hinarap muli ang lalaki at walang pakialam na binunot ko ang aking baril. Namutla ito while I am pointing my gun on him.

BETS2: Lost Heiress Where stories live. Discover now