Nakatitig lang ako kay Keifer. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend nya. Kung ako kay Ella hindi ko na sya binitawan. Gwapo, may muscle, matalino, mayaman din ata at may talent sa pagkanta----Saan kapa?

"...This time don't need another perfect lie
Don't care if critics ever jump in line
I'm gonna give all my secret away"

Sarap pala pakinggan ng boses nya. Todo bigay talaga sya. Ipinikit ko yung mata ko at pinakinggang mabuti yung kanta. Parang kaharap ko lang sya at ako yung kinakantahan nya.

"My god, amazing how get this far
It's like were chasing all those stars
Who's driving shiny big black cars
And everyday I see the news
All the problem that we could solve
And when a situation rises
Just write into an album
Send it straight to gold
But I don't really like my flow, no, so..."

Pagdilat ng mata ko, nagulat ako na nakatingin din pala sya sakin. Bigla nalang sya ngumiti. At parang may sariling isip yung labi ko na naki-ngiti na rin sa kanya.

"...Tell me what you want to hear
Something that will light those ears
Sick of all the insincere
So I'm gonna give all my secret away."

Lalong nag-enjoy si Keifer sa ginagawa nya. Pati kami naki-kanta at nakisigaw na rin.

"...This time don't need another perfect lie
Don't care if critics ever jump in line
I'm gonna give all my secret away."

Meron akong biglang narealize. Napakagat ako sa ibabang labi ko. May nangyayari sakin at hindi ako sigurado kung gusto ko to.

"Ooh, got no reason, got no shame
Got no family I can blame
Just don't let me disappear
I'ma tell you everything..."

Napahinto ako bigla. Normal paba to? Normal paba yung ganitong pakiramdam kay Keifer? Hindi naman to ganito nung nakaraan. Hindi ko na maalis yung tingin ko sa kanya.

"...So tell me what you want to hear
Something that will light those ears
Sick of all the insincere
So i'm gonna give all my secret away...

...This time don't need another perfect lie
Don't care if critics ever jump in line
I'm gonna give all my secret away...

...So tell me what you want to hear
Something that will light those ears
Sick of all the insincere
So i'm gonna give all my secret away...

...This time don't need another perfect lie
Don't care if critics ever jump in line
I'm gonna give all my secret away
all my secret away, all my secret away."

Natapos ang performance nila at agad na nagpuntahan ang mga luko sa back stage. Napasunod naman ako sa kanila.

Hindi din sila pinapasok kaya hinintay nalang nilang makalapit sila Keifer samin. Hindi naman sila nabigo dahil agad na lumapit sila samin ng makita kami.

"Ang galing! Pre ikaw na!" Bati nila kay Keifer.

Nag-oobserba lang ako sa kanila. Ayoko lumapit.

"Jay..." Tawag sakin ni Yuri at lumapit sya. "...nagustuhan mo?"

"Oo.." at parang hindi lang performance yung nagustuhan ko.

Binalik ko yung tingin ko sa mga luko. Nagsalubong yung tingin namin ni Keifer kaya agad akong umiwas.

Yung puso ko, nagmamadali!

"Ikaw daw yung nag-request nung kanta?" Tanung sakin ni Yuri.

Ngumiti naman ako at nag-nod. "Narinig ko kasi nung nakaraan sa radyo."

Sandali pa kaming nag-usap hangang sa hindi ko namalayan na lumapit pala samin si Keifer.

"Tinugtog na namin yung request mo. Wala man lang bang thank you?" Tanung nya sakin.

Ay jusme!

Tumingin ako sa likod nya. Hindi ko kayang tignan sya sa mata. Grabe kasi! Feeling ng puso ko may deadline syang hinahabol sa pagtibok.

"T-thank you..." Sabi ko at sa likod pa rin nya ko nakatingin.

Lumingon din sya sa likod nya. "Sinong pinasa-salamatan mo dyan?"

Hindi ako sumagot. Nagulat nalang ako ng bigla nyang ilapit yung muka nya sa muka ko.

Hindi ako nakagalaw, parang may sumakal sakin at pinahihirapan ako sa paghinga.

"Eto ako oh!" Sabi nya.

"O-oo nga... S-sabi ko nga." Sagot ko sa kanya.

Pero hindi pa rin nya nilalayo ang muka nya sakin. Ang init ng muka ko, pakiramdam ko kapag nagtagal pa ko mamatay na ko.

Bakit ba ganito? Hindi dapat ganito.

May... May gusto na ba ko sa kanya?







++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon