"Salamat talaga Jay! Sobrang dami mo ng naitulong samin." Sabi nya at binitiwan ako.

Naglakad na sya paalis. Babalik na siguro sya sa mga kasama namin. Pwede ring magpapatrol na. May 7pm na kasi.

Narinig naming may nagsalita sa mic kaya agad na kumiripas sila Ci-N para magsama-sama. Kami naman naglakad na pabalik sa mga ulupong na mukang ang daming naka-away dahil sa pag-reserve ng upuan.

"Dito ka!" Sabi sakin ni Edrix.

Umupo ako sa tabi nya at nasa harapan naman namin yung mga freshmen students. Mga mukang Totoy at Nene pa kasi, kaya freshmen ang tawag namin. Hindi nga namin alam kung anung year na tong mga to.

"...Ang ating mga hurado para sa gabi na ito. Ang mga manunuod at ang Section na nagbigay buhay sa programang ito." Sabi nung host na hindi ko naman naintindihan. "Simulan natin ang paligsahan! Bunutan po ang mangyayari sa kung sino ang mauuna at ang susunod!"

May lumapit na babae dun sa host. Meron syang hawak na fish bowl na may mga makulay na papel sa loob.

Natatawa ako sa babae, feeling nya kasi si Willy tong host at isa sya dun sa babaeng giling ng giling sa Wowowin.

Kembot pa more!

"Ang unang grupo ay mula sa Section D. 'The Adventurous'!" Sabi nung host at lumabas ang mga taga-Section D.

Nakita ko pa yung naka-away ko dati. Buhay pa pala sya?! Buti naman.

Nagsimula ang tugtog at sumayaw ang grupo. Meron pang tumatabling sa ere. Tunog ng baril at kung anu-anu pa.

Kingina! Ang sakit sa ulo!

Natapos ang pagsayaw nila. Lumabas ulit ang host at tinanung ang mga judges sa mga opinion nila.

Subukan nyong sabihi'g maganda! Kingina! Magwawala ako dito!

Buti nalang at walang nagsabi sa kanila. Sumasakit talaga ulo ko sa music nila. Idamay pa yung ilaw na patay sindi.

Muling bubunot ang host at eto na naman yung babaeng feeling sexbomb dancer.

Giling lang! Giling!

"Ang sunod na grupo mula sa Section A. 'Hotmen'!" Sabi nung host at lumabas ang mga Section A.

Kasali si Kiko pero mukang wala si Mykel dahil siguro sa injured nya kanina. Sana naman hindi ganun kalala. Sabi kasi umiiyak daw sa sakit si Mykel kanina.

Nagsimula yung tugtog at nagpakitang gilas ang mga A. Maayos ang remix ng music at ang pagsabay ng ilaw. Yun nga lang, merong halatang hindi umattend ng practice.

Natapos ang performance nila at lumapit ang host. Kinausap ulit ang judges. Pero ang hinihintay ko yung bunutan. Bet ko talaga si Ate'ng kembot ng kembot.

Natapos ang usapan at... Ayan na! Bubunot na ulit. Lumabas si Babae at ayun, nagtambling, split at pagtayo sabay taas ng isang paa sa ere.

Meron akong nakita. Pero hindi ko yata dapat nakita 'yon.

"Para sa ikatlong grupo, galing sa Section C. 'The Amazing C'!"

Kagaya ng mga nauna lumabas ang Section C at sandaling kinausap ng host. Parang ang tagal ng Section namin.

Tinignan ko yung oras sa malaking digital clock sa tabi ng stage. 9:38pm na, malapit na kaming dumuty.

Nagsimula na naman ang panibagong music. Pero iba ang banat ng section na to. Ballroom!

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon