"Felix..." Tawag ko sa kanya. "...ayos ka lang?"

Umiling si Felix at umiwas ng tingin. Mukang nakakaramdam na naman sya ng inis sakin.

Binalik ko nalang yung tingin ko sa mga naglalaro pero hindi dun ang focus ko. Iniisip ko si Felix, kung anu yung pwedeng gawin sa kanya.

Malakas ang hiyawan kapag nagkaka-score ang magkabilang kampo at kahit nagkakagulo hindi nakaligtas sa paningin ko ang isang grupo ng kalalakihan na masama ang tingin sakin----samin.

"UGH!" Sigaw ng kung sino sa court.

Malakas na pito ng referee ang umagaw sa atensyon ng lahat. Bumagsak si Mykel at iniinda nya ang binti nya.

"Foul yun!" Sigaw ng kung sino.

"Anong nangyari?" Tanong ko kay Ci-N.

"Tinisod sya nung No. 35, hindi kita kasi tatlo yung nag-babantay sa kanya." Paliwanag nya.

Foul nga! Pero bakit wala akong narinig na galing sa referee? Nagkaka-dayaan na.

Hiniga nila si Mykel sa stretcher at dinala sa kung saan. Nagpasok ng panibagong player yung team ng school namin.

Bumalik na sa laro. Malaki ang lamang ng school namin. Hangang sa bigla nalang nagbalyahan yung tatlong player. Bagsak na naman yung player namin.

Parang nadulas na hindi maintindihan yung No. 14 ng kabilang team.

"Injured na naman ata!" Sabi ni Ci.

Hinintay namin ang mangyayari at tama nga sya. Sinakay na naman sa stretcher yung isang player namin.

Bakit walang Foul?

Parang maligaya pa yung kabilang team sa mga nangyayari. Sinasadya talaga nila to!

Nag-time out at sandaling nag-usap-usap yung mga player at couch.

"Nagkakadayaan na! Wala tayong ibang pwedeng gawin kundi umiwas sa kanila!" Sabi nung coach.

"Hindi pwede! Matatalo kapag ganun!" Kontra ni Kiko.

"Wala tayong ipang-tatapat sa kanila!" Dagdag nung coach.

Napatingin ako kay Felix. Meron syang hinahawakan sa loob ng gym bag nya. Sinilip ko yun ng hindi nya nahahalata at nakita ko yung jersey uniform na kapareho ng suot ng mga player.

Hay! Bahala na! Para sayo to Felix!

Agad akong tumayo at pilit lumapit sa coach ng team. Narinig ko pang tinawag ako nila Ci-N pero hindi ko sila pinansin.

"Sino ka?!" Galit na tanung sakin nug coach.

Iniri ako! Hindi sinuka!

"Ipasok nyo si Felix!" Suntok sa bwan kong sabi.

Pare-pareho silang nagtaka sa sinabi ko.

"...kaya nyang tapatan yang mga yan!" Dagdag ko.

"Hoy! Bata! Bumalik ka nga sa lungga mo! Wag ka maki-alam dito!" Galit na sita sakin nung coach.

"Pakinggan mo ko! Matatalo kayo kung pipilitin nyong umiwas sa kanila! Mapapahamak naman kung ididikit silang pilit! Ipasok nyo si John Felix Collins, alam nya yung gagawin!" Paliwanag ko.

Tinignan ko si Felix na labis na nagtataka sa ginagawa ko. Pagkakataon na nya, kahit hindi ako sigurado kung alam nga nya yung gagawin.

"Si Collins?!" Tanung nung coach at niligid ang tingin sa mga tao sa likod nya. Nagtagpo ang mata nila ni Felix at sinenyasan nya itong lumapit.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon