rings and vows: this i promise you 4

5K 218 52
                                    

Chapter 33 (random chase)

Zeechant's pov

Nagtataka akong napakabusy ko ngayon. Hindi naman ganito ang opisina ko eh lagi akong 1 day ahead sa mga decision makings at laging a day before the deadline ay tapos na lahat ng mga ginagawa ko.

Sabagay nagtaka pa ako eh ako na humingi ng mga latest reports sa lahat ng department kahit pa sana dapat sa friday pa ang pasahan nila ng mga reports natoh.

Gulong gulo isip ko kahit pa nagpapakabusy ako. Di ko maalis sa utak kong andito na sya. Ang taong minahal ko at minahal ako ng totoo. Bumalik na sya.

Sa tuwing naiisip ko na may possibilidad nang magkita kami ay parang kinikiliti ang puso kaya napapangiti ako ng wala sa oras.

Hai di ko talaga maitatangging hanggang ngayon ay inlove na inlove parin ako kay lee.

Beeep beeep!
Nakita kong may message sa phone and as expected ang mga kumag ang nanggugulo sa inbox ko. Napangiti akong lalo sa kanila.

Dinail ko ang nimber ni trip para matigil na ang mga gago sa pangungulit.

"Bro! San kana? Pagdi ka pa pupunta dito eh guguluhin namin yang opisina mo makikita mo!" Bungad ni trip sa akin. Dinig ko na ang tugtog sa likod ng kanyang tinig.

"Haha gago oo na tatapusin ko na toh at deretso na ako jan."

"Bro chant!, chant!, bro!" Sigaw ng tatlo sa likod ni trip na dinig ko.

"Dinig mo yung mga gunggong? Kaya pumunta ka na dito ngayon din!" Natatawa narin si trip sa linya.

"Sige aalis na nga. Geh bye!" At binaba ko na ang tawag.

Nagmamadaling inayos ko ang mga papeles at inilagay sa mga lalagyan nito sa lower desk ko.

Bumaba na ako papuntang sasakyan.

When i was about to drive palabas ng opisina ay nahagip ng mata ko si yummi sa di kalayuan kung saan dadaan ang sasakyan ko.

Tinuloy ko nalang ang pagdrive at hinintuan ko nalang sya. Naawa din akong nakatayo lang sya sa may gilid ng daan eh.

"Hey! May susundo ba sayo?" Tanong ko agad ng maibaba ko ang window ng sasakyan.

"Ahh wala kasi eh nakaleave yung driver ko di pa naman ako marunong magdrive ng kotse tapos pahirapan pa ang taxi ngayon dito." Saad nya.

"Sakay na hatid nalang kita." Saad ko na tila nagpaaliwalas ng itsura niya. Nginitian nalang ako nito saka binuksan ang pintuan ng sasakyan at sumakay.

"Napadpad ka ata dito? Anong meron?" Tanong ko agad ng mapaandar ko na ang sasakyan.

"Ahh eh may inorder akong cakes sa may tapat lang ninyo para sana sa opening ng art gallery ko." Sagot nito.

"I see. Well you made the right choice. Masarap ang mga cakes nila don. Sina cad ang may-ari ng building at sosyo si cad at mik sa mismong cake shop. Kaya paniguradong masarap talaga ang mga gawa nila." Nakangiti kong saad habang tutok sa pagmamaneho.

"Ganon ba. Di ko alam na sa mga kaibigan mo pala yun." Grabeh talaga ang lumanay nyang magsalita. Parang ang sarap sarap nyang pakinggan buong araw.

"San ba kita ihahatid?" Tanong ko.

"Ahhhm kasi ano ayaw ko pa sanang umuwi sa condo ko eh." Pahiwatig nito. Tila nakaramdam akong may problema ito.

"Alam mo baby shower ngayon ng missis ni trip if you want sumama ka nalang sa akin." Nakangiti ko syang hinarap tutal nasa traffic pa naman kami eh.

rings and vows (Completed) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon